Stranger

7K 80 36
                                    

Eto na yung hinihintay mong UD. (:

Pusta ko after mo mabasa to, may tanong pa din jan sa isip mo. Haha

Don't worry 2 down na ko. Matatapos na at malalaman mo kung bakit naging ganun o naging ganyan.

Sana kahet patapos na, magustuhan mo pa din. ^___^

_____________________________________________________________________________

Once upon a time..

There was this girl who had a dream.

To have a beautiful party when she turned eighteen.

The magnificent day where at last.

Fairy dust and magic.. What a blast!

Please be our guest for the Fairytale/Masquerade party

in celebration of

ATHENA’s 18th Birthday

Tingin mo, ayos lang ba? Yan kase yung infos na nakalagay sa front cover ng invitations. Tapos may picture ako na naka maskara. Wala lang, trip trip. Haha joke. (((:

Debut. Came from the French words des-, de-but which simply mean to begin or a starting point. It is the formal presentation of a young woman to society.

Sinong babae ba ang makakalimot sa napakaikling salita na to? Eh sa mismong pinagmulan pa nga lang, alam na alam na kung anong kahulugan nito.

Ito ay ang okasyon na pinakahihintay, kinasasabikan, pinaghahandaan at binibigyang pahalaga lalo na ng debutante at ng kanyang pamilya. Dahil sa kakaunting sandali na ibibigay sa kanila para ipagdiwang ito, kalakip naman neto ay ang espesyal na pagtrato. Masaya, nakaka-excite at hindi matatawarang sandali ang naghihintay kung ito ay ice-celebrate ng nasa ayos at tama. At kung mangyayare, isa na ito sa pinaka hindi malilimutang sandali sa buhay ng isang batang babae na naging ganap na dalaga.

Ilang araw mula ngayon, gaganapin ang birthday ko sa isang resort & hotel venue. Si mommy talaga yung may gusto na dun icelebrate. Dahil kung ako sana masusunod, kahet sa place na lang namen kase sakto lang yung lugar ng garden para sa ganung okasyon.

BITTERNESS is next to UGLINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon