Tensionado

10.6K 94 27
                                    

Good morning sayo!

Ayan maaga talaga akong gumising para mag-update.

Lakas mo saken eh! :)))))

Ancute ng title no?

Tensionado by soapdish.

Try mo po patugtugin yang song habang binabasa mo tong chapter na to.

Mejo kakatuwa. Hihihi.

Sana magustuhan mo. ^______________^

_______________________________________________________________________________

“Nice Lee! Bute naman pumayag ka na? Minsan minsan lang to pre.”

Inakbayan ako tapos hinatak papasok.

Sa isang subdivision na bahay ng katropa ko ginanap ang inuman session.

Puro lalake. Madaming alak at pulutan. At higit sa lahat walang guardian.

“Oo nga eh. Naisip ko ayos naman siguro kung pagbibigyan ko kayo.”

“Tae ka! Anong edad mo na ba? Ayos lang yan, binata na tayo dude.”

“Sige sige. Nandito na nga ako diba? Eh panu parents mo?”

“Wala sila. Solo ko na tong bahay.”

Pambihira.

Sya lang mag-isa dito sa malaking bahay?

Kaya malamang nagagawa nya yung mga ganitong bagay.

“Ano ba nagpabago ng isip mo Lee?”

“Wala.”

“Siguraduhin mong wala pre.”

“Oo nga.”

“Dahil kung pinili mong maglasing kesa malasing, lalabas at lalabas din yang pinaghuhugutan mo.”

“Ha? Wala talaga pre.”

“Magkaiba kasi yung dalawang yun. Sige na, upo ka na dun.”

Pumwesto na ko kung san sila nandun.

Mukang mga lasing na yung iba.

Ampupula ng muka at ang daldal pa.

Nakailang bote na ba sila?

Ang alam ko kanina pa silang tanghali nag-umpisa eh.

Pers taym ko to.

Tagayan pala tawag dito.

Isang baso lang gagamitin tapos iikot sa lahat ng umiinom.

Nakainom naman na ako dati pero wine lang tsaka sa bahay naman yun nangyare.

Sisiw. Simot ang unang baso.

Hindi naman pala ganun kasama yung lasa.

May konteng lasang kalawang na mapait.

Weird sa lalamunan pero sigurado namang malalagpasan.

Kwento ng kwento yung isang ka-team ko.

Tahimik lang sya pag matino sa twing kasama namen.

Madaldal pala pagnakainom.

Ayos ah! Kung ano ano sinasabe. Haha.

Okay pangalawang baso. Kagaya ng nauna, syempre simot sagad.

Inistraight ko na kasi kinakanchawan nila ako.

Mapakla pa din sa panlasa pero sinasabayan ko nalang ng pulutan para mawala.

BITTERNESS is next to UGLINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon