Ransom - 4.

16.8K 287 20
                                    

MIKA

Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at hindi mapakali sa living area namin. It's twelve midnight and my brothers are not yet home.

I know that they're grown-ups already, but this is the first time that they didn't leave me a text or call to inform me that they'll be coming in late.

Hindi man lang ba nila naisip na may nag-a-alala sa kanila? Alam naman nilang palagi ko silang hinahanap lalo na kapag wala ang daddy namin sa bahay, I just want to be sure that they are safe.

Huminga ako nang malalim nang muli akong huminto para tignan ang grandfather clock na nakatayo sa gilid ng pader. I dislike its ticking sound while I wait impatiently for my brothers. Mas lalo akong nag-a-alala sa bawat minuto na wala sila dahil iba ang pakiramdam ko ngayon.

"Maupo ka nga muna," saway ni Manang Cora sa akin na kanina pa ako pinapanuod. "Kanina ka pa palakad-lakad d'yan, nakakahilo kang bata ka."

Matagal na naming kasama si Manang Cora rito sa bahay. Bata pa lang daw si Dad, siya na ang nag-alaga sa kanila. Siya rin ang nag-alaga sa amin nina Kuya Johan noong bata pa kami kaya malapit siya sa amin.

"Manang, kanina pa ako nag-aalala kina Kuya."

"Teka nga't ikukuha muna kita ng maiinom."

Tumango lang ako. Pabalik-balik pa rin ang tingin ko sa oras. Kaya nang dumating si Manang Cora na hindi lang tubig ang dala, nagpasalamat agad ako. I don't even feel thirsty and hungry, but I needed to do something to distract me.

"Ito, kumain ka muna. Hindi ba't paborito mo 'yan?"

"Opo," ngiti ko. "But I will feel so much better if I'll hear from my brothers."

"Ang mga kuya mo talaga, ang hilig na pinag-a-alala ka. At ikaw naman, hindi ka na nasanay. Baka namatay ang mga cellphone, o kaya naman baka nasiraan lang ang sasakyan na dala nila."

"Sabay-sabay? Impossible... at kung gano'n, may nagsabi man lang sana," I sighed once more. "Kayo po, Manang, please rest. It's past twelve, bawal na po kayong mapuyat."

"Mamaya na," iling niya. "Hindi naman kita pwedeng pabayaan mag-isa rito. Sasamahan na muna kita."

"Manang, alam ko pong maghapon ka nang pagod pag-a-asikaso to keep our household in check. You don't have to worry about me, kaya ko na po ang sarili ko."

"Sigurado ka ba, Mika? Wala namang problema sa akin kung dumito muna ako. Hindi pa naman ako inaantok," sabi niya pa, and I gave her an assuring smile.

"Opo. Kaya sundin niyo na po ako, please? Baka sa inyo naman po may mangyari. Alam niyo naman po na ayaw namin 'yon."

"Napakabait mong bata. Nagmana ka talaga sa mommy mo."

Napangiti ako nang mabanggit ni Manang Cora si Mommy. Nakakatuwa kapag sinasabi nilang may resemblance kami sa hitsura at ugali kahit hindi ko siya nakilala.

"Oh siya, aakyat na ako. Magpahinga ka na rin maya-maya pagdating ng mga kuya mo," sabi niya pa niya at tumango na lang ako.

"Sige po. Good night po."

Nang umalis si Manang Cora, muli akong napatingin sa orasan. Ala una na pero wala pa rin sina Kuya Johan.

I was about to head up and give up waiting for them, pero napatayo agad ako nang marinig kong pumihit ang pinto. Nagulat ako sa bumungad sa akin nang salubungin ko sila, puro sugat at galos ang mga kapatid ko. May punit pa sa mga damit nila.

Imbis na maawa ako, sinigawan ko pa sila at pinaghahampas. Hindi sila magsasabi kung ano ang nangyari tapos uuwi sila nang ganito? Kaya pala iba talaga ang pakiramdam ko, my gut feel knew something had happened to my brothers.

"WHAT HAPPENED!?"

Sabay-sabay silang napangiwi at napatakip sa mga tainga nila.

"Mika! Nakita mong puro sugat na nga kami tapos gagawin mo pa yata kaming bingi sa pagsigaw mo. Pwede ba, papasukin mo muna kami nang payapa?" reklamo ni Kuya Shaun na sinang-ayunan naman nina Kuya Nikko at Kuya Johan.

"Sino bang may kasalanan n'yan, ako ba? Ako ba ha!?"

My brothers will be the death of me!

Inalalayan ko sila papasok sa bahay at inupo sa sofa. Napailing na lang ako sa mga hitsura nila pero kumuha pa rin ng first aid kit para daluhan ang mga sugat nila.

Inuna kong gamutin si Kuya Johan. At habang ginagawa ko 'yon, wala akong ibang narinig do'n sa kambal kung hindi puro reklamo.

"Wow, talk about favoritism even when we all got injured..." puna ni Kuya Nikko. I glared at him, ngayon pa talaga siya mag-a-akusa ng favoritism!?

"Kuya, you're being unreasonable! Isa lang ako, tatlo kayo. I'm doing what I can!" inis na sabi ko pa.

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Kuya Johan. Ipinagpatuloy kong linisin ang mga natitira niyang sugat. Hindi naman gano'n karami, pero may ibang malalim.

Napaisip tuloy ako, saan ba sila galing? And why did they get into a fight?

"Mika! Do it gently!" daing ni Kuya Johan.

"I won't be doing this at all if you didn't get into a fight! Now tell me, Kuya Johan... what the hell happened!?"

"Nikko and Shaun will explain..."

"Kuya Johan naman!" reklamo ni Kuya Shaun habang nilalagyan ko na ng ilang band-aids ang ibang sugat ni Kuya Johan.

Lumipat ako sa kambal pagkatapos at sabay silang ginamot. Bilib talaga ako kay Kuya Nikko, wala siyang galos sa mukha, puro sa katawan lang. Talagang pinandigan niya na prized-possession ang mukha niya.

"Please..." pagod na pakawala ni Kuya Johan.

Napairap naman ako dahil sa ginagawa nila. Magpapaliwanag na lang, nagtuturuan pa. Pakiramdam ko tuloy, may inililihim sila sa akin.

"Are you hiding something from me?" taas-kilay kong akusa.

"NO!" sabay-sabay pa sila.

"So... ano na?"

Naiinip na ako, ang tagal-tagal nilang sumagot.

"Fine, I'll explain," Kuya Nikko finally gave in. Napatingin tuloy kaming tatlo sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Ah.. eh kasi.. ano.. ahm.. kasi... it's like..."

Diniin ko ang cotton na may alcohol sa sugat niya sa may braso na naging dahilan ng pagngiwi niya. I just want him to get to the point!

"Dahan-dahan, Mika!" sabi pa niya.

"Ayaw mong magsalita nang maayos. Just tell me!"

Napakamot siya sa batok niya, sabay buntong-hininga.

"Ito na, ito na!" he replied before glancing sideways to give Kuya Johan and Kuya Shaun a look that didn't escape my eyes.

Now, I'm sure. They're hiding something from me!

Love For RansomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon