Ransom - 2.

19.7K 319 14
                                    

GIO

Dumiretso ako sa isang private lounge na madalas naming tambayan ng mga kaibigan ko. Nandito na sina Johan, Nikko at Shaun nang dumating ako at saglit lang nila akong nilingon bago bumalik sa mga pinagkakaabalahan.

Naglalaro sa gaming console ang kambal habang nag-bi-billiards naman si Johan. Masyado pang maaga kaya walang babae rito pero madalas na may dala ang kambal. Minsan nagdadala rin ako but those are just flings, nothing serious.

"Fuck!" ngiwi ko habang inilalagay ko ang ice cubes sa ice bag na hiniram ko sa isang staff.

Nagkaro'n yata ng pasa ang balikat ko dahil sa lakas ng impact nang pagkakabangga ko kanina. Mabuti na lang at suot ko ang seatbelt ko.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Johan.

"Wala 'to. Sa balikat lang," tipid kong sagot. Bumalik naman ang atensyon niya sa pool table at hindi na nagtanong pa.

Sanay na ako sa malamig na pakikitungo ni Johan, sanay na kami ng mga kapatid niyang sina Nikko at Shaun. An accident that happened almost three years ago changed him, it scarred him emotionally. At kung maghihilom pa 'yon, siya lang ang makakapagsabi.

Huminto sa paglalaro ang kambal bago sila bumaling sa akin. Sabay pang kumunot ang mga noo nila.

"What happened to your right shoulder?" tanong ni Nikko.

"Nabangga ang kotse ko sa puno. Malakas ang impact kaya nadali ang balikat ko," paliwanag ko.

"Oh, paano ka nakarating dito? Nasa'n sasakyan mo?" tanong naman ni Shaun.

"Nasira lang naman 'yong bumper sa harap. Magastos lang pagawa pero buti na rin at walang ibang napahamak," sagot ko. "May tumawag kasi, so I got distracted while driving."

Habang nag-da-drive ako, ilang beses nag-ring ang phone ko. Paulit-ulit kaya naisip kong importante siguro ang sasabihin. Hinanap ko pa tuloy ang phone ko sa loob ng sasakyan kaya ako nabangga.

"Wala naman sigurong kasalanan ang tumatawag kasi hindi naman siya ang nag-da-drive?" nag-a-alangang sabi ni Nikko.

"Bakit hindi mo tignan sa phone mo kung sino 'yong tumawag, bro?" tudyo naman ni Shaun at agad siyang sinamaan ng tingin ni Nikko.

"Mas makakapag-drive sana ako nang maayos kung hindi paulit-ulit na nag-ring ang phone ko. Hindi ko pa nga natitignan kung sino. Uunahin ko pa ba 'yon, naaksidente na nga ako."

Biglang tumawa si Shaun habang sinisiko ang kambal niya. Tumingin pa siya sa aming dalawa ni Nikko at lalo siyang natawa.

"Kung ako sa'yo, bro? Hindi ko na titignan," sabi niya pa na parang naghahamon na gawin ko ang kabaliktaran.

"Bakit?" nalilitong tanong ko pero ilang segundo lang, nakuha ko rin ang gustong iparating ni Shaun.

Tumingin agad ako kay Nikko habang paulit-ulit siyang napamura. Sumenyas si Shaun sa kanya ng, 'you're dead' at napamura na rin ako.

"Hoy, gago! Bakit hindi mo agad sinabi!?" iritado kong pakawala. Nasa harap ko na pala ang may kasalanan, hindi pa nagsabi.

"Hindi ko naman kasalanan! I didn't know you were driving!" depensa niya habang nakaamba ang kamao ko sa harap niya.

Agad niyang itinakip sa mukha ang magkabila niyang braso at kami naman ni Shaun, nagpipigil ng tawa. I wouldn't really punch him, tapos naman na. I'll probably just ask him to pay for the repair.

"Tatanggapin ko lahat ng suntok mo pero 'wag sa mukha! Tang ina Gio, 'wag sa mukha ko!" sabi niya pa. "Sinasabihan na kita ha? Gaganti talaga ako 'pag tinamaan ako sa mukha!" banta niya sa akin habang hinaharangan niya pa rin ang mukha niya.

Ayaw na ayaw ng kupal na 'to na magalusan ang mukha niya. Prized-possession niya raw kasi.

This idiot and his fucking vanity.

"Tsk! Ang daming sinasabi!" inip ko namang sagot.

I started to crack my knuckles and neck, na para bang handang-handa na ako sa gagawin kong pambubugbog sa kanya. Shaun laughed and pulled me away from his twin.

"Gio's just joking, Nikko."

Pumagitna pa si Shaun sabay hampas sa balikat ko, saktong-sakto ro'n sa masakit na parte.

"Aray! Gago!" reklamo ko at agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Tang ina! Shaun! D'yan nga masakit!"

"Para kayong mga bata," iling naman ni Nikko sa amin.

"Look who's talking!"

"Hey, that's enough," saway sa amin ni Johan kaya lang kami tumigil. "Nikko, apologize," utos niya pa sa kapatid niya.

"Fine," Nikko sighed defeatedly. "I'm sorry, okay? Urgent talaga ang sasabihin ko sa'yo kanina kaya kinukulit kita."

"Tungkol ba saan? Sasapakin talaga kita kapag nalaman kong trip niyo lang ako nitong si Shaun," banta ko.

"Calm down, Gio. Si Nikko naman daw sasagot ng repairs mo," sabi pa ni Shaun at nanlaki agad ang mga mata ni Nikko dahil sa narinig niya.

"What?! Pare-pareho naman tayong may kailangan kay Gio!" reklamo niya at siniko naman siya ni Shaun. "Fucking fine, I'll pay for the damages!"

"Good! That's my plan anyway, to make you pay," satisfied kong sabi habang nakangiti. "Ikaw na bahala, I'll send you the receipt," dagdag ko pa habang tinatapik ko ang balikat niya.

"Well, now that it's settled..." panimula ni Shaun at tumabi pa siya sa akin para umakbay.

Napangiwi naman ako at agad ko siyang siniko dahil tinamaan na naman niya ang balikat ko. Hindi man lang natinag ang gago at malaki pa rin ang ngisi sa mukha niya.

"Let's get down to business, Gio," diretso niyang sabi at naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"We need your help. You're the only person who can do the job and the only person we can trust," dagdag ni Johan sa sasabihin ni Shaun.

Sabay-sabay pa silang tumingin sa akin at tumango. Napailing na lang ako dahil hindi ko gusto ang seryosong atmosphere at ang mga tingin nila.

What have I gotten myself into!?

Love For RansomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon