End of Story

15 2 0
                                    

"Bes!" nagmamadaling tawag sakin ng pogi kong bestfriend.

"Bakit ?!"

"May good news ako :D"

"Huh ?! Ako rin may gusto akong sabihin sayo ^_^"

OO , ipagtatapat ko na sakanya kung ano talaga sang nararamdaman ko. Baka kasi maunahan pa ako, masasaktan ako ng sobra sobra.

"Mauna ka bes :D"

"Nope, Lady's First."

"Di na yan Uso!" Binatukan ko siya.

"Araaaay! asar ka! ang saya saya ko bessss!"

"Suuuuuuuuuss! anu na sasabihin mo?"

"Pumayag ng manligaw sakin yung nililigawan Ko! Si Alexis!" grabe ang tuwa niya. Ni hindi nga maalis sa mukha niya yung napaka LAKI niyang ngiti.

Habang ako . . .  Tulala , parang nagblurred ang paningin ko nung mga oras na yun tapos nabibingi ako.. Para bang slow motion lahat ng asa paligid ???!

Hindi ako makagalaw sa nalaman ko. . Anu nalang sasabihin kong GOOD NEWS sakanya , kung nalaman ko ang good news niya para sa sarili niya na para sakin bad news.

Ang sakit . Sobra. Para akong binabato ng malalaking bato. Namamanhid ang buong katawan ko.

":HUUUY beeees! Bat natulala ka ?! Siguro di ka makapaniwala noh? Kahit di mo sabihin ramdam ko na masaya ka para sakin!"niyakap niya ako ng mahigpit. Sana wag na niya akong bitawan mula sa pagkakayakap niya sakin. Bat ganto bes ?! Nasasaktan ako. MAHAL na kasi kita , MAHAL na MAHAL.

Hindi ko kayang makita kang masaya sa iba. Gusto ko ako lang. Gusto kitang solohin .. Pero pano mangyayare yun ?!

Bigla akong nabigyan ng pag asa dahil OO nga pala , di pa naman sila , nililigawan pa lang nman niya diba ? E pano kung dumating yung araw na sinagot na siya ni Alexis ?! Pano na ako ?!

"Bes. UUwi na ako ha."

"Bes bakit?! Asan na yung goodnews mo ?! Daya mo talaga!"

"Next time nalang."

"Hatid na kita?"

"wag na. kaya ko na. Tska para masanay na rin akong walang maghahatid sakin. Pano nalang pag sinagot kana ng GF mo diba?"

"Ahsige . Ikaw bahala bes."

Umalis na ako..  ilang araw na wala akong ganang kumain... 

ilang araw na nakikita kong lagi niyang binibigyan ng Rose at sinusurprise si Alexis .

"Bes Mika!!" BAt kaya to sumisigaw ?!

"KAMI NA BES!"

"HUH?"

"Kami na ni ALEXIS!"

GUSTO kong sumigaw ng BAKIT sa mga oras na yun, gusto ko siyang suntukin sa dibdib.. Marami akong gustong gawin sa bestfriend ko ! Bat nasasaktan ako !

dahil ba wala ng mag aalaga sakin , wala ng babatuk sakin , wala ng mang aasar sakin ... wala ng dadalaw sakin sa bahay , wala ng magluluto sakin , wala na .. HUHUHUHU </3

Gusto Kong mapag isa. Gusto kong umiyak. Gusto Kong sumigaw . HULI na pala ang lahat para sakin.

BESTFRIEND ..

oo , hanggang bestfriend lang pala ako sayo, kala ko kasi mahuhulog ka din sakin.. Lahat ng lambingan natin hindi ko makakalimutan, kahit anong mangyare andito parin ako sayo..

Tatanggapin ko kahit hanggang BESTFRIEND lang ako para sayo . </3

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon