Chapter 4

87 3 0
                                    

"Fear is the path to the dark side. Fear leads to anger. Anger leads to hate. Hate leads to suffering."

------------------------------------------------x

"Ms. Moeru! Hey! Are you alright? Kanina ka pa natulala matapos kong banggitin ang tungkol sa nanay mo." nabalik ako sa wisyo ko ng marinig ko ang boses ng babaeng nasa harapan ko. Tumingin ako kay daddy ngunit tumango lamang siya sa akin. "A-ah . . . I-I'm sorry Mrs. Schreave. Naalala ko lang si mommy. Can we change our topic please? What is it that you're saying again?" I ask. Bumuntong-hininga siya. "Ok, ok. I'm sorry for bringing that topic again. As I was saying, I want you to meet my dearest son Akiro. He came back here to meet his fiancé which is . . ." 

"Maricar." natahimik naman si Mrs. Schreave. Nagulat naman ako sa boses ni Daddy. May tono ito ng pagbabanta na dahilan upang maguluhan ako. "Why? Is there any problem?" I ask. Ngumiti lamang siya sa akin na mas lalong nakapagpagulo ng isip ko. "Nothing. Just continue Maricar on what you two are talking about. I'm going to do my rounds." sabi niya habang nakatingin sa akin.  Tumango lamang ako and I kiss his cheeks. "I'll go home after this dad. See you later." sabi ko.

Pagkatapos niyang umalis ay nagsalita ng muli si Mrs. Schreave. "Hay, Sometimes I think that your father has a problem in his brain. Minsan sobrang seryoso niya. Buti na lang sanay na ako. Like I said earlier, you're going to meet my son Akiro Schreave. He's here to meet his fiancé which is one of the daughter of my business partner. Galing pa siya ng London so that he could train himself when the time comes na siya na ang hahalili sa posisyon ko sa kompanya namin. I hope you two would get close." bumuntong-hininga ako. "U-uhmm . . . Mrs. Schreave? Pwede bang sa next meeting na lang natin ko siya i-me-meet? Sobrang sama na rin kasi ng pakiramdam ko." mahina kong pagkakasabi. May nakita akong lungkot sa kaniyang mata ngunit ipinagpaliban ko na lamang ito. "Ok. Go ahead darling." sabi niya sa akin at nakipag beso sa akin.

Bago ako umalis ay pumunta muna ako sa isang comfort room para magpalit ng simpleng damit dahil naka formal dress ako. Kanina pa ako iritang-irita dahil sa damit na ito. Iwinagwag ko rin ang buhok kong inayusan pa ng personal make-up artist at personal designer ko at tinanggal ko ang make-up ko at iba pang mga accessories na nakakabit sa akin.

Matapos nito ay dumiretso na ako sa exit door ng party. Si papa ang nag-isip ng party na ito dahil malapit ko na daw siyang palitan sa posisyon sa kaniyang kompanya. Ayaw ko sanang dumalo ngunit ayaw ko naman siyang mapahiya sa mga kaibigan niyang mga entrepreneur. 

Kung trabaho ang pag-uusapan, mas gusto kong maging musician. I don't want to be a business woman. Ayokong nakaupo lang ako sa isang opisina na laging nakaharap sa laptop. Gusto kong makasama ang mga instrumento ko kaysa ang maakasama ang mga papeles at ibang mga document. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Wala.

Palabas na sana ako ng may mabangga akong isang lalaki na nakapang business attire. Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at tumingin ng masama sa akin. "I'm sorry." inunahan ko na siya bago pa siya tuluyang magalit dahil base sa itsura niya, siya ang tipo ng tao na hindi basta-basta hihingi ng paumanhin lamang bilang kapalit sa pagkabangga ko sa kaniya. Isinuot ko ang hood ng sweater ko at dali-daling umalis sa harapan niya. 

----------------------------------------------x

"Are you sure Skylar-sama? Uuwi ka na? Ayos lang bang umuwi ka ng ganyan ang kalagayan mo?" ngumiti ako kay Tarah at nag-salita, "Huwag kang mag-alala sa akin. Ayos na ako. Sige, mauna ka na sa school at baka malate ka pa." napatango lamang siya sa akin at nag-bow. "Sige po Skylar-sama. Ikinagagalak ko po kayong maging panauhin." sabi niya sa akin. 

Inihatid niya naman ako hanggang sa labas hanggang sa makaalis na ako at makarating ako sa bahay ko ng mag-isa. Napaupo na lamang ako sa sofa habang ang mga katulong ko ay alalang-alalang tumitingin sa akin at ginagamot ang sugat ko. Parang namanhid ako ng mga oras na iyon habang pilit inaalala ang mga natatandaan ko ng ako'y bata pa. Sigurado akong may kinalaman ang mga alaala ko, ang kuwintas, at si daddy sa mga nangyayaring panghahabol sa akin ng pinsan ko. Siguradong-sigurado.

------------------------------------------------x

NAPATAYO AKO SA KAMA HABANG HAWAK-HAWAK ang dibdib ko. Marahil ay napanaginipan ko na naman ang mga nangyari sa akin nang ako'y umalis sa bahay ni Tarah. Napapikit ako ng mariin at kinuha ko ang gamot ko nang maramdaman ko ang muling paninikip ng dibdib ko. Napatingin ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito. 

"Uh, so you're awake. Just go to my office after preparing yourself, Okay?" tumango ako kay daddy at sinarado niya na ang pintuan. Ininom ko na ang gamot ko kahit hindi pa ako nakakakain at dumiretso na ng banyo upang makapag-handa sa pag-pasok ko.

Matapos kong gawin ang dapat kong gawin, dumiretso na ako sa opisina ni dad just to find out na may dalawa siyang kasama which is Mrs. Maricar Schreave, his business partner and . . . I narrow my eyebrow after seeing the guy na nakabanggaan ko sa party. 

"What do you want dad? And why are they here?" kunot noo kong tanong at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa strap ng jansport kong bag. Inayos niya muna ang suot niyang salamin at umupo ng diretso. 

"I want to talk to you about your engagement party this upcoming Month." 

------------------------------------------------x

Binato ko lahat ng bagay na makikita ko dito sa isang lumang storage room sa school. Nasuntok ko rin ang pader dahilan upang dumugo ang kamay ko ngunit wala akong maramdamang sakit. Parang manhid na ata ako. Ang tanging sakit na nararamdaman ko lang ay ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa galit, lungkot, at ang paghahangad ng kalayaan. 

"AAAAAHHH! Damn this life! Damn all of you people! Damn me for being me!" I cussed and I could feel my heart beating slowly because of the pain I am enduring right now. Sumisikip na naman ang dibdib ko and naiwan ko pa ang gamot ko. "Damn my father . . ." I said as tears started flowing to my cheek. Naphagulgol na ako at hinawakan ko ang dibdib kong kasalukuyang kumikirot. Nanlalabo na ang paningin ko at nahihilo na rin ako. Napatingin ako sa pader na sinuntok ko kanina na nagkaroon na ngayon ng maraming crack nang may marinig akong ingay. Napatingin ako ng bumukas ang pintuan at isang pigura ng tao ang lumapit sa akin at binuhat ako. "Shhh . . . Ako ang bahala sa'yo Soraya. Don't cry. Nandito ako." yun lang ang huli kong narinig at tuluyan na akong nawalan ng malay.

------------------------------------------------x

"Thank you Justine. Thank you because you save me." nahihiya kong sabi sa pinsan ko. Yumuko ako. "It's ok, Soraya. You're still my cousin eventhough you despise me for being a gangster and for chasing after you." sabi niya. "It's that we really need you." sabi niya sa akin. Tumango lamang ako habang tinitignan ko ang dextrose na nakakabit sa akin. 

"Ayos ka na ba?" pag-iiba niya ng usapan at hinawakan ang kamay ko. Muli akong tumango sa kaniya at bumuntong-hininga, "Justine, can I ask a favor from you?" I ask. Muling tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan simula ng magising ako. Ngayon ko lang nalaman na dapat hindi sa lahat ng bagay ay dapat kong sundin si Dad dahil masasanay at masasanay siya hanggang siya na nag kumokontrol ng buong buhay ko. For God's sake, I don't want to be married. Not now na nag-aaral pa ako. Gusto ko munang mag-trabaho bago ang lahat. At higit sa lahat, ayokong magpakasal sa taong hindi ko lubusang kilala. Ayokong pakasalan si Akiro dahil bukod sa pangalan niya ay iyon lamang ang nalalaman ko sa kaniya. Ayaw ko siyang pakasalan dahil hindi ko siya mahal.

Tuimango sa akin si Justine.

"Ano yun?" tanong niya sa akin. Kitang-kita ko ang pagkaawa sa kaniyang mata ngunit hindi iyon ang kailangan ko sa ngayon. 

"Ilayo mo muna ako kay dad. Itago mo ako. Tatanggapin ko ang alok mo basta malayo lang ako kay dad. Kahit maging leader man ako ng isang organisasyon na ayaw kong pamunuan nsa tanan ng buhay ko, tatanggapin ko para lang malayo ako."

------------------------------------------------x

Author's Note: push mo yan Soraya :D Haha. Abangan ang mga next update dahil mas lalong magiging intense ang lahat sa bagong buhay ni Skylar. Muahahahah.

XOXO,

Zare

Fearless (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon