Chapter 1

165 6 2
                                    

"Fearless are merely fearless. People who act in spite of their fear are truly brave."

---------------------------------x

"Narinig mo na ba?"

"Ang alin?" 

"Yung babaeng namatay sa likod ng school natin kahapon."

     Napalingon ako sa dalawang babaeng nag-uusap. Bumuntong hininga ako. Kalat na naman sa buong school ang kagaguhan ng mga gangster na iyon.

"Huh? Anong nangyari? Sinong pumatay?"

     Bumaba na ako sa kotse ko at tinignan ang driver. "Huwag mo na akong susunduin mamaya." tumango lamang ito, "Yes, young mistress." tinignan ko lang ito ng blanko at umalis na siya. Nilagay ko sa likod ko ang backpack ko at nag-simulang mag-lakad. Lahat ng mga estudyante ay napapatingin sa akin ngunit natanggap lang nila ang isang masamang tingin na nanggagaling sa akin.

"Hindi ba't yan ang anak ng number 1  na entrepreneur na si Mr. Moeru?" 

"Ang astig niyang tingnan."

"Pare ang ganda niya."

     Humugot ako ng isang malalim na hininga at tinignan ang relo ko. Naiirita ako. Ayoko ng hinahangaan ako. Gusto kong maging katulad lang nila, simpleng tao pero nabubuhay ng masaya.

     Dumiretso na ako sa klase ko at kinuha ko sa backpack ko ang picture ng tatay koUtang ko sa kaniya ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kaniya, wala ako sa mundong ito; hindi sana ako nabubuhay na kumakain ng asin at toyo para maging ulam; at, hindi sana ako natutong maging malakas. 

     Pero may isang bagay na lagi kong gustong makamit simula ng bata pa ako: ang maging simple. Gusto kong mabuhay ng hindi hinahangaan ng iba. Gusto kong walang titingin ng mataas sa akin. Gusto kong maging katulad lang nila.

     Matapos kong tignan ang picture ay ibinalik ko na ito sa backpack ko. Tumayo din kaagad ako at isa-isang tinignan ang mga studyante na kagaya ko. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan... Buti pa sila.

     Pumunta ako sa harapan at umupo sa isang bakanteng upuan. Alam ko naman na ang mangyayari. Mag-i-introduce sa harapan, mag-tatanong ang mga studyante at iba pang puro mga walang kuwenta na tanong na kailangan mong sagutin ngayong unang araw ng pasukan.

     Pero duon ako nagkakamali.

     "Attention for all students in room IV-Jacob, please proceed to the auditorium." narinig kong sabi ng speaker. Tumayo ako at kinuha ang backpack ko. Patuloy pa ring nagkukuwentuhan ang iba at hindi ata nila narinig ang sinabi ng speaker. Kinuha ko ang student handbook ko at tinignan ang sign sa labas ng pintuan. IV-Jacob. Umubo ako ng peke upang makuha ko ang attention nila. Napatingin naman silang lahat sa akin at ang tingin nila ay tila nagtataka.

     "We need to go to the auditorium." sabi ko at umalis na sa harapan nila. Pumunta na ako sa auditorium at isang slideshow ng mga pictures ang lumuwa sa harapan ko pagkarating ko roon. Kumunto ang noo ko nang makita ko na pulos mga litrato ko ang naroroon.

     Nang nagsidatingan na ang ibang studyante, biglang nag-salita ang speaker. "Please bow down to the heiress of this school, Ms. Skylar Soraya Moeru, the daughter of Mr. Moeru and the grand daughter of our School Chairman, Mr. Otsu Moeru." nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ng lolo ko. What does this mean? Hindi ko maintindihan. Si lolo ang President ng school na ito? If so, bakit hindi nila sinabi sa akin?

     Napaharap ako sa mga ibang studyante na nanlalaki ang mata. The boys bow down before me while the girls curtsy as a sign of respect. Pagkatapos nilang gawin iyon ay sabay-sabay nilang sinabi ang katagang, "Welcome, O-Hime-sama.*"

---------------------------------x

Author's Note: Fearless' Sountrack on the right >>

Some correction: O-Hime-sama (Princess) O and -sama, is used as a sign of respect.

                             Moeru means burn.

Fearless (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon