POEM [6] (Tagalog)

13.8K 184 11
                                    

[AVOID PLAGIARISM]

Title: Nasaan ka na?
[4 stanzas, 4 lines]
by: insanedreamerrr
--

Nasaan ka na?
;

Naalala mo pa ba?
Nung sinabihan mo akong tayo ang para sa isat-isa?
na tayo parin ang magkakatuluyan sa huli?
at hindi iiwan kahit anong mangyari?

Naalala ko pa noon,
kung gaano ka kasaya habang kasama ako
kung paano ka umiyak sa balikat ko
at susurprisahin sa paraang gusto ko

Pero, isang araw
ako'y bigla mong iniwan
nanatiling kumakapit sa mga pangako mong binitawan
at sa mga hiling mo na para sa ating kinabukasan

Pero nasaan ka na?
namumuti na lang itong mga buhok ko
at unti-unting nawawalan ng mga ngipin
di ka pa rin bumalik sa piling ko
At di tinupad ang mga pangako mong binitawan bago ka lumisan ng walang paalam

Poetries & StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon