POEM [5] (Tagalog)

16.3K 241 22
                                    

[AVOID PLAGIARISM]

Title: Tanga
[4 stanzas, 4 lines]
by: insanedreamerrr
--

Tanga
;

Oo, at ako ay isang tanga
nagmamahal ng taong may mahal namang iba
pero kasalanan ko bang mahulog sa kanya?
na mismong puso ko ang pumili sa kanya?

Oo, at ako ay isang tanga
kahit na sinabihan na ako ng aking kaibigan
na huwag mahulog ng lubusan,
baka kasi ako lang ang masasaktan

Oo, at ako ay isang tanga
dahil di ko iyon pinagtuunan ng pansin
at pinagpatuloy lamang siyang mahalin,
ngunit ako ay lubusang nasaktan ng mismo sa labi niya nanggaling na walang patutunguhan

Oo, at ako ay isang napakalaking tanga
patuloy na umaasa na baka sa huli ay kami parin ang magkatuluyan
kung pwede sanang diktahan itong puso
hindi sana ako naiwang luhaan at lubusang nasaktan

Poetries & StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon