Potato & Lettuce Chapter VI

86 10 0
                                    

-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

                                          Potato & Lettuce
 
-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

Nang dahil sa sunud -sunod na diinaasahang pangyayari, nahimatay ako. At saka naman binuhat ng isang misteryong lalaki at sinugod ako sa ospital. Tuluyan na akong nawalan ng malay. Ilang sandali lamang, lumapit ang doktor at sinabing:

"hijo, ikinalulungkot kong sabihin sa iyo ito, may leukemia ang nobya mo. Maari namang pahabain ang buhay niya, ngunit walang kasiguraduhan na siya ay gagaling. Alam naman nating lahat na kaunti palang ang nakakasurvive sa ganitong klaseng sakit. Let's hope for the best. Maiwan ko muna kayo."

"Salamat po, Doc. Gawin niyo po ang lahat." Tugon ng misteryosong lalaki

Nobya?! Leukemia?! Dahil sa narinig ko, di ko napigilang umiyak. Napalingon ako at nakilala ko naman agad ang misteryosong lalaki.

"P - Peter?!?!"

"Ako nga. Wag kang mag - alala, nandito lang ako. Di kita iiwan."

"S - Salamat Peter."

"Sige, maiwan muna kita para makapagpahinga ka nang maayos."

Sa halip na umiyak ulit, tinatagan ko ang loob ko. Naniniwala akong lilipas din ito at may Diyos na handang makinig at umunawa sa sitwasyon ko ngayon. Ngunit, nalungkot akong bigla dahil ang inaasahan kong sasagip sa akin ay si RJ. Ang taong mahal ko. Sa kasamaang palad, huli na ang lahat at kailanman di ko na ito maipagtatapat sa kanya.

 -"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

 All Rights Reserved

Levi_angelo98

M.M.K (Mga Maiikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon