Coldplay

1.4K 45 10
                                    

"Babe..." tawag ni Thomas kay Ara.

"Yes babe?"

"Pwede ba na wag nalang tayo mag tago?" Tanong nya.

"Huh? Biglaan naman ata yang tanong mo."

"Naiinggit kasi ako kay Jeron at sa iba kong mga kaibigan. Kaya nilang mag post ng picture at ipagmalaki yung mahal nila, pero ako, kailangan ko pang mag tago. Kailangan pa natin mag tago."

"Thomas... naiinggit din ako, pero kakabreak lang namin ni Bang tapos bigla nalang natin ibabalita na tayo na? Mag mumukha tayong masama. Magiging mali sa mga tao ang relasyon natin. Iisipin ng mga tao na ikaw ang dahilan kung bakit kami nag break ni Bang, at ayokong mangyari yun."

"Ara, hindi mo ba ako mahal?"

"Thomas, ano bang klaseng tanong yan? Mahal kita."

"Kung mahal mo ako, hindi mo ako ikakahiya."

"Thomas, ano ba?! Hindi kita ikinakahiya! Bakit hindi mo maintindihan na mahirap yung sitwasyon natin?!" Sigaw ni Ara.

Napatahimik naman si Thomas at umiwas ng tingin.

"Okay. Palagi naman ako ang umiintindi eh. Sige." Sabi nya at tumayo.

"Thomas, I'm sorry." Hawak ko sa braso nya habang umiiyak.

"Okay lang. Naiintindihan ko." Sabi nya at umalis na.

Naiwan si Ara na magisa sa condo nila na umiiyak...

~~~~~

"Kamusta na kayo ni Thomas?" Tanong ni Mika.

"Okay naman."

"Okay naman pala kayo eh! Bakit ang lungkot mo parin?" Tanong ni Kim.

"Sobrang cold na nya sakin. Di na nya ako tinatrato na katulad ng dati. Tapos, palagi nlaang syang busy. Tuwing yayayain ko syang kumain sa labas, sasabihin nyang busy sya."

"Baka naman kasi talagang busy." Sabi ni Kim.

"Pero kasi dati, niyaya ko sya pero sabi nya na busy daw sya sa acads nya. Tapos bigla akong nakakita ng picture na nasa bar sya. Nag sisinungaling ba sya sakin?" Sabi ni Ara at nag simula ng lumuluha.

"Ara naman. Wag ka nga umiyak dyan. Baka naman nag kayayaan lang after nung school nya."

"Pero bakit hindi man lang sya nag text sakin? Tatanggihan nya ako para sa bar na yan? Ha?" Sabi ni Ara at tuluyan ng umiyak.

"Ara tahan na nga. Hayaan mo na muna si Thomas. Ngumiti ka na at may surprise kami sayo!" Sabi ni Kim.

"Huh? Ano yun?"

Binuksan ni Mika yung bag nya at may kinuha.

"NO WAY?!?!?!!?!" Sigaw ni Ara na parang hindi makapaniwala.

Paano ba naman kasi, Coldplay tickets yung surprise nila Kim at Mika.

"Yes way!!!! Kaya tara na. Mag ayos na tayo para hindi tayo maunahan sa pwesto." Sabi ni Kim.

"Tara!!" Sabi naman ni Mika at umalis na sila.


~~~~


"Nobody said it was easyyyyyyy!!! It's such a shame for us to paaaaaaart!!!" Sabay na pagkanta nila Ara, Kim at Mika sa lead singer ng Coldplay.

"Grabe! Di talaga ako makapaniwala. Paano ba kayo nakakuha ng VIP tickets?" Tanong ni Ara.

"Connections. Connections that you don't have." Sabi ni Kim at nag flip pa ng hair kahit ang ikli ng buhok nya.

"Sira ulo ka talaga! Hahaha!" Sabi ni Ara at tumingin sa paligid.

Nagulat sya ng biglang nahagip ng kanyang mga paningin si Thomas.....





..... na naka back hug sa isang babae. Kitang kita mo yung saya nila.


Napako ang mga mata ni Ara sakanila. At hindi na nya namalayan na tumulo na pala ang mga luha nya.

"When you love someone, but it goes to waste. Could it be worse?"

Naramdaman ni Thomas na may nakatitig sakanya kaya napalingon sya.

nagulat sya ng makita nya si Ara na nakatingin sa kanila ng kasama nya habang umiiyak.

"Lights will guide~ you home. And ignite~ your bones. And I will try~ to fix you."

Umiwas ng tingin si Ara at nag focus nalang sa concert, pero hindi nya maiwasang maiyak.


Paborito kasi nila ni Thomas yung Coldplay.

Pinapangarap din nilang manood ng concert ng mag kasama...

... nanonood nga sila ngayon ng concert na matagal na nilang pinapangarap, kaso iba ang mga kasama nila. Hindi ang isa't isa.


"Tears stream down your face. When you lose something you cannot replace."


Hindi maintindihan ni Ara kung bakit nag hanap si Thomas ng iba.

Nag kulang ba sya? Hindi na ba sya mahal ni Thomas?


"Tears stream down your face. I promise you I will learn from my mistakes."


"Bakit mo ako pinagpalit, Thomas? Akala ko ba mag hihintay ka? Akala ko mahal mo ako..."


"Lights will guide~ you home. And ignite~ your bones. And I will try~ to fix you."


~~~~~~~


First! Sorry kung ngayon nakapag update. Exam week kasi namin last week *cry emoji*

Second! Sorry kung hindi happy yung update. I feel emo rn kasi talo La Salle, pero syempre babawi sila. *wink emoji*

Third! I did not proofread, so I'm sorry.

Fourth! COMMENT. VOTE. (Optional po ito hahaha)

Last. BABAWI AKO!!!! 


xoxo

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now