1st Game

1.7K 40 3
                                    

Ara's POV

"Bakit naka simangot ka dyan?" Tanong ni Kim sakin.

"Nag away nanaman kami ni Bang." Sagot ko at sumimangot ulit.

"Eh kelan ba kayo hindi nag away ng tita este girlfriend mo?" Sabi ni Kim at umirap.

Inirapan ko din sya at tumingin nalang sa malayo.

"Hoy Ara! Pumunta ka dun sa dinner ah. Kalimutan mo muna yang away nyo, kahit mag pakaplastic ka muna, basta pumunta ka!" Sabi ni Kim.

"Bakit ikaw? Di ka pupunta?" Tanong ko.

"Masakit pa injury ko at sabi ni coach, kailangan kong mag pahinga." Sagot ni Kim.

"Okay. Sige, magbibihis na ako." Sabi ko at umakyat na ng kwarto.

***

Mga 5:30 na ako natapos mag ayos. Nahirapan kasi akong mag hanap ng damit.

Pag baba ko, natawa agad si Kim.

"HAHAHAHAHA. May pinaparinggan?" Tanong ni Kim.

Napataas naman ang kilay ko. Huh? Pinag sasabi nito?

"Gaga! Ano yang 'Trust No One' na yan. Hahahaha." Sabi ni Kim at tumawa ulit.

"Baliw! Wala akong makitang damit at bagong bili ko lang toh, kaya susuotin ko na." Pag explain ko.

"Okayyyy. Sabi mo eh." Sabi ni Kim pero natatawa parin.

Naka receive naman ako ng text galing kay Mika na nandyan na daw sila.

"Sige na, Kim. Andyan na sila Mika." Sabi ko at kinuha na yung bag ko.

"Mika? Hindi si Bang?"

"Alam mo namang na mataas yung pride nun, mag isa pupunta yun dun." Sabi ko.

"Sana mabangga sya."

"Gaga! Hahahaha. Sige na, alis na ako."

***

"Okay, complete na ba tayo?" Tanong ni Justine.

"Si Bang pa." Sabi ko.

"Asan na ba sya? Sya nalang kulang ah." Sabi ni Ate Cyd.

"Nag papark lang. Pinauna na nya ako eh." Sabi ko at yumuko.

"Pero.." Sabi ni Jerome pero pinigilan agad toh ni Mika.

"Ara..." Sabi ni Ate Moks pero biglang dumating si Bang.

"Mag kwento ka mamaya." Bulong ni Cams sakin.

"Hello guys." Sabi ni Bang at bineso silang lahat tapos umupo na sa tabi ko.

Bumeso sya sakin pero pag katapos nun, di nya na ako kinausap. Sampalin ko tong babaeng toh eh! Sya pa may ganang magalit, eh sya na nga may kasalanan kung bakit kami nag away.

***

Pag katapos kumain, nag yaya naman silang lahat na lumabas at mag lakad lakad.

Nauuna si Bang mag lakad, habang yung iba nasa tabi ko nakikinig sa kwento ko.

"Nag away kami." Sabi ko.

"Kelan ba kayo hindi nag away?" Sabi ni Mika at umirap.

"Ano nanaman ang dahilan kung bakit kayo nag away?" Tanong ni Ate Cyd.

"Nahuli ko kasi syang may kausap. Take note, ang sweet nila mag usap tapos nag-I love you pa sya. Tinanong ko sya kung sino yun, pero ang loka. Nagalit sakin! Sabi nya, di ko daw syang kayang pag katiwalaan." Kwento ko at sumimangot nanaman.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now