Chapter 2 - New Life

404 22 3
                                    

Chapter 2

[Alexander’s POV]

Naalimpungatan ako at nanibago sa nakita ko, tsaka ko lang naalala na wala nga pala ako sa Zegovna, at kasalukuyan ngayong nasa Pilipinas kasama ang isang babaeng ni hindi ko pa naitatanong ang pangalan.

Speaking of that girl..

Nilingon ko ang babaeng niloko ko para tumakas, mali pala, hindi ko sinadyang lokohin, at nakita kong nakasandal ito at natutulog, hanggang sa tuluyan nang mahulog ang ulo nito sa balikat ko, pinagmasdan ko ang mukha niya, simple lang ang ganda niya, hindi tulad ng ganda na meron ang mga kababaihan sa Zegovna, ngunit sapat na para maka-akit ng kahit na sinong lalaki.

Inayos ko ang buhok na tumatabing sa mukha niya, at pinagmasdan siyang maige. Maputi, mei natural na mapupulang labi at pisngi, matangos ang ilong, mejo mei kahabaan ang buhok at mejo maliit, ganoon ko siya mai-lalarawan, at hindi siya nakakasawang titigan.

Ibinaling ko sa labas ng bintana ang tingin upang tignan kung nasaan na kami, nang bigla itong magsalita.

“mama..” sabi nito na lalo pang isiniksik ang ulo sa akin at yumakap.

Mama? Is that a name of a guy or something? I guess I should start learning their language.

Bigla naman nagsalita ang driver na pumutol sa pag-iisip ko. “sir nandito na po tayo san po ba kayo dito nakatira?”

Uh-oh! I dont know what he's saying..

“What? Sorry mister, I can’t understand what you are trying to say, you see I’m not from here.”

“oh, a puriner, I sid dat wir hir na to cavite city sir, wir you live?

“Huh?” nagtatakang tanong ko sa driver, dahil kahit ingles pa ang ginamit niya ay hindi ko pa rin maintindihan, kaya’t kahit ayaw ko man ay napilitan na kong gisingin ang babaeng kasama ko, dahan-dahan ko siyang tinapik sa mukha at dahan-dahan naman nitong iminulat ang mata.

Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa ‘kin at ang kasalukuyang posisyon nito sa akin dahilan para maitulak ako nito at tumama ako sa bintana.

“hey, sorry for waking you up but you didn’t have to do that.. well it hurts, I think I hit my head on the window..” sabi ko habang hawak ang ulo ko na tumama sa bintana..

“Im sorry, I was just shocked... im really sorry”

“no problem, be careful next time. By the way this man is saying something, and I didn’t understand what he was trying to say so, I wake you up.” turo ko sa driver ng sinakyan namin.

Lumingon naman ito at mei sinabing hindi ko naintindihan.

I really should learn their language...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Sheila’s POV]

“we’re here..” sabi ko  kay parunggit, >.< natatawa pa rin talaga ako pag binabanggit ko ang apelyido nito. Bumaba na rin ito ng sasakyan at tinignan ang bahay. Base sa tingin nito, mukhang dissapointed ito sa bahay namin,well hindi ko rin naman siya masisi. Hindi nga naman maganda ang bahay namin ni kuya tulad nang sa ibang bahay. Gawa sa purong kahoy ang bahay namin at yung bubong naman mejo sira na rin, yung ibang kahoy sa ding-ding naman namin warak na kaya tinapalan ko na lang, mejo panget nga lang pagkakatapal ko, pero pwede na rin.

My Prince and I ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon