Chapter 4: Uncle Wade

8.8K 158 2
                                    

Jacquiline Villanueva

Anim na araw na ang nakalipas simula noong palayasin kami ni Aling Sonya sa kaniyang apartment. Ilang araw na rin kaming palipat-lipat ng lugar ni Lisa. Lahat ng makita naming may silong ay tinutuluyan namin.

Namamalimos din kami upang magkaroon ng pera pambili ng pagkain. Iyon nalang ang natatangi naming paraan para hindi kami magutom.

Hanggang sa dumating ang araw na nakilala namin si uncle Wade. Ang pinsan ni daddy. Kinupkop niya kami. Binigyan ng matutuluyan at mga damit.

"Salamat sa pag papatuloy sa amin dito uncle. Malaking bagay na po ito para sa aming magkapatid. Huwag po kayo mag-alala, pag nakahanap na po ako ng trabaho lilipat din po kami ni Lisa." Wika ko.

"Wala 'yon iha. Matalik kong kaibigan at pinsan ang 'yong ama at bilang kamag-anak niyo ay bukal sa kalooban ko ang tulungan kayo." Sambit nito sabay ngiti.

Mabuti na lang at nakilala namin si uncle Wade. Hinanap niya raw kami simula pa noong malaman niya na pinalayas kami ni Tita Rina sa sarili naming bahay. Ilang buwan na rin ang lumipas.

Huling bilin daw kasi sa kaniya ni daddy ay hanapin kami at tulungan. Tatlong beses ko ng nakasama si uncle Wade. Hindi kami masyadong close pero no'ng bata ako ipinakilala siya sa amin ni daddy at lagi rin siyang present sa family reunion. Nakakalungkot lang dahil simula nang mawala sina mom at dad pati na rin sina lolo at lola, wala ng kumilala sa amin ni Lisa bilang pamilya.

Hindi rin makapaniwala si uncle Wade sa sitwasiyon namin ni Lisa. Tinanggap ko ang tulong niya dahil wala akong choice. Kailangan ko ng taong masasandalan pansamantala. Ayaw ko rin tumira si Lisa sa kalsada. Masyadong delikado para sa kaniya.

Paano nalang kaya kung hindi kami nakita ni uncle Wade? Saan na kaya kami pupulutin ngayon ni Lisa.

"Pumasok na kayo sa loob at iayos ang inyong mga gamit. Do'n kayo sa ikalawang kwarto sa itaas tumoy." Saad niya.

"Maraming salamat uncle."

May ikalawang palapag ang bahay ni uncle. Medyo may kalakihan rin ito. Kwento niya kadalasan ay siya lang ang nandito kasama ang mga maids. Hindi rin siya palagi umuuwi dahil sa business na inaasikaso niya.

"Ang ganda ng bahay ni uncle Wade ate. Namimiss ko na rin ang atin." Mungkahi ni Lisa.

"Ako din." Sagot ko.

Tinignan ko sila at ngumiti.

"Huwag ka mag-alala makakabalik din tayo do'n. Tara tignan na natin yung kwarto sinasabi ni uncle."

Sumangayon si Lisa at nagmadali kaming umakyat sa kwarto. Nang buksan ko ito ay nakita ko si Lisa na tuwang-tuwa.

"Wow ate! May kama na!" sambit niya.

Ngumiti ako. Wala kasi kaming kama sa apartment ni Aling Sonya. Banig at kutson lang ang hinihigaan namin do'n.

Tumalon-talon si Lisa sa kama sumisigaw dahil sa sobrang saya.

"Shhh Lisa. Alam kong happy ka pero 'wag ka masyadong maingay dahil baka nagpapahinga na si uncle." Agad naman siyang tumahimik pero tumatalon-talon sa pa rin siya sa kama.

"Okay ate." Bulong niya.

Tatlong araw na simula ng mamalagi kami sa bahay ni uncle Wade. Tinuring niya kami ni Lisa na para na niyang mga anak. Maayos din ang pakikitungo niya sa amin. Walang asawa si uncle Wade, wala rin siyang pamilya. Katulad namin, nag-iisa lang din siya sa buhay.

Tuwing gabi ay napapansin kong panay ang alis ni uncle Wade. Isang beses sinubukan ko siyang tanungin kung saan siya pupunta sabi niya aasikasuhin niya lang daw ang business niya. Nag tataka ako dyis oras na ito gabi. Kung umuwi na rin siya ay umaga na. Hinayaan ko nalang.

Tanghaling tapat ngayon at nagpaalam si Lisa sa akin na maglalaro daw siya sa garden kasama si Ate Maya, isa sa mga maid ni uncle. Pumayag ako dahil dito lang naman siya sa loob ng bahay.

"Wag kang masyadong mag papawis Lisa ha." Paalala ko.

"Opo ate. May bimpo po akong dala oh." Sagot niya at ipinakita niya sa akin ang isang maliit na tuwalya.

"Very good. Sige na maglaro kana."

Tumungo ako sa kusina. Kinuha ko ang pagkain na niluto at inihain ito sa harapan ni uncle Wade. Kasalukuyan siyang nagbabasa ngayon ng dyaryo habang umiinom ng palamig.

"Kumain na po kayo." Saad ko.

"Mukang masarap ah. Halika rito, kumain kana rin. Sabayan mo ako." Sambit niya.

"Hindi na po. Ayos lang po ako. Kakakain ko lang po kanina." Sagot ko.

Sabay kaming kumain ni Lisa. Natutuwa ako dahil hindi na kailangan pa ni Lisa na

"O sige ikaw ang bahala."

Napansin ko naman ang pamumula ng mga mata ni uncle Wade. Mukha siyang may sore-eyes

"Bakit po namumula ang mga mata mo uncle? Ayos lang po ba kayo? May sore-eyes po ba kayo? Gusto niyo po bumili po ako ng gamut?" tanong ko.

"Nako. Salamat sa pag-aalala. 'Wag kana mag-abala. Wala lang akong tulog kagabi. Marami kasi akong inasikasong mga papeles para sa negosyo ko."

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong nanginginig ang mga kamay ni uncle. Patuloy din siya sap ag-singhot ng ilong niya kahit wala naman siyang sipon. May sakit ba siya?

"Sabihin niyo lang po pag masama ang pakiramdam niyo. Maliligo po muna ako."

"O sige iha. Magpabango ka." Wika niya at kumindat.

Ngumiti lang ako.

Pumanik ako sa ikalawang palapag. Pumasok ako ng kwarto upang kuhanin ang tuwalya ko at naligo.

Matapos kong maligo ay agad akong bumalik sa kwarto para mag bihis. Kumakanta pa akong pumasok sa kwarto nang marinig kong kusa nalang nagsarado ang pinto.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si uncle Wade sa likod ko. Kasalukuyan siyang nakatitig sa akin. Pinagmamasdan niya ang buong katawan ko na nakabalot lamang ng tuwalya. Hanggang ngayon namumula pa rin ang mga mata niya. Parang hindi si uncle Wade ang kaharap ko tila wala siya sa sarili niya.

"Uncle W-wade? A-anong pong g-ginagawa mo rito?" utal utal kong tanong sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Sinubukan kong tumakbo palabras ng pinto pero agad niya akong hinila.

"Uncle Wade! Ano pong ginagawa mo!? Please palabasin niyo po ako..." Sambit ko.

Nagulat ako dahil kinuha niya ang kamay ko at iginapos. Ganon rin ang aking paa.

"Uncle 'wag niyo pong gawin sa akin 't-to... Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko pero bigla niya akong sinuntok dahilan para sumubsob ako sa sahig.

"Wag kang maingay kung ayaw mong mamatay!" pagbabanta niya.

Tuluyan na bumuhos ang luha ko dahil sa sobrang takot. Anong nangyari kay uncle Wade? Bakit bigla nalang siya nagkaganito?

"Uncle ano pong ginagawa mo? Please... Nagma—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya rin tinalian ng panyo ang bibig ko para 'di ako makapag-salita o makasigaw.

"Ssshh... Sabi ko 'wag kang maingay!" Suway niya sa akin.

Sinubukan kong magpumiglas nguni't masyado siyang malakas. Nilock niya ang pinto ng kwarto. Matapos 'yon ay inihiga niya ako sa kama. Ipinatong niya ang sarili niya sa akin at inumpisahan niyang alisin ang tuwalyang nakataklob sa katawan ko.

"What a beautiful naked woman." Bulong niya sa hangin na parang demoniyo.

Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa para ilayo siya sa akin. Pinilit kong gumawa ng ingay pero walang nakakarinig. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ako makasigaw. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak para magmakaawa na 'wag niya gawin sa akin ang plinaplano niya.

Pleasure And Pain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon