Chapter 3: Hardship

8.6K 176 1
                                    

Jacquiline Villanueva

Sobra ang inis na nararamdaman ko matapos kong makalabas sa kumpanyang 'yon. Nasayang ang isang buong araw ko. Nasayang ang pamasahe ko. Nasayang ang pagod ko at 'yon ay dahil lang sa bastos na manyak na lalaking 'yon!

Kung alam ko lang na gano'ng trabaho pala ang aaplayan ko hindi na ako nagpunta pa. Personal maid and personal assistant with special service? What the? Sinong tao ang gugustuhing pasukin ang trabahong 'yon?

Bwisit!

Ipinikit ko ang mata ko, huminga ako ng malalim at kinausap ang sarili ko.

"It's okay Jackie. Enhale... Exhale... Kumalma ka. Makakahanap ka rin ng trabaho. Marami pang trabaho diyan na pwedeng pasukan. Kahit kailan hinding-hindi mo dapat balikan ang trabahong 'yon. Hindi ka kakapit sa patalim para lang magkapera."

Pakiramdam ko ay gumaan naman ang loob ko matapos kong sabihin sa sarili ko 'to.

Hinawakan ko ang labi ko nang maalala ko ang nangyari. Sinabunutan at binatukan ko ang sarili ko. Bakit hindi ko man lang siya nagawang patigilin sa ginawa niya sa'kin? Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko at bakit ramdam ko pa rin ang sensasiyong naramdaman ko kanina? Arg! Nababaliw na ako!

Bumuntong hininga ako.

Ngayon paano na? Iniisip ko kung paano kami mabubuhay ni Lisa kung hindi pa rin ako makakapagtrabaho. Ano nalang ang kakainin naming bukas at sa susunod na araw at sa susunod pang mga buwan?

Dinukot ko ang wallet ko at tinignan ito.

Isang daan nalang pala ang pera ko. Sapat na sa pambili ng pagkain namin ni Lisa mamaya. Pero paano na bukas? Saan nanaman kaya ako maghahagilap ng pera para mapunan ang gutom naming dalawa?

Naglakad na lang ako pauwi para makatipid.

Habang nag-iisip ako ng ibang paraan para kumita at mabuhay, natigil ako nang madaanan ko ang isang sea side malapit sa isang malaking mall. Isang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa balat ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa hindi inaasahang dahilan tumulo nanaman ang luha sa mga mata ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang dibdib ko nang makaramdam ako ng kirot mula dito.

Pilit kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko pa. Okay lang ako pero ang totoo hindi ko na kaya, hindi ako okay pero kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko. Ako nalang ang inaasahan niya. Ako nalang ang meron siya. Pero karapatan ko din naman siguro mapagod 'diba? Karapatan ko din naman sigurong magpahinga? Pero kailan pa? Kailan ko pa mararanasan ang bagay na 'yon? Pag patay na ako?

Natawa ako sa naisip ko. Ano pa nga ba?

Minulat ko ang mata ko. Tumingin ako sa langit at bumulong.

"Bakit pinapahirapan mo ako ng husto? Ano bang kasalanan ang nagawa sa'yo?"

Patuloy pa rin sa pagragasa ang luha sa mata ko at hinayaan ko maramdaman lahat ng sakit na nararamdaman ko baka sakaling matapos 'yung sakit at isang araw magising na lang ako, wala na lahat. Wala na akong maramdaman.

Nanatili muna ako sa lugar na ito at hinintay ang paglubog ng araw. Ang sarap pakinggan ang hampas ng mga alon. Napakapayapa at tahimik ng dagat. Isabay pa ang malakas na ihip ng hangin. Sana ganito rin ang maging buhay namin ni Lisa sa hinaharap. Sana...

Habang pinagmamasdan ko ang dagat. Narinig ko ang isang masayang tawanan ng isang buong pamilya malapit sa kinauupuan ko. Napangiti ako ng mapait at pinagmasdan sila.

"Mom, Dad. I miss you." Bulong ko sa sarili ko at pumatak nanaman ang luha galing sa mata ko.

Pag-iyak lang naman ang paraan na magagawa ko para maibsan kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko.

Nang mapansin kong maggagabi na ay inayos ko ang sarili ko. Pinunasan ko ang mukha ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag-lakad pauwi.

Makalipas ang mahaba-habang lakaran ay nakauwi rin ako sa apartment namin ni Lisa. Papasok pa lang ako nang bumungad sa akin ang boses ni Aling Sonya na sumisigaw.

"Ayan! Ilabas niyo lahat 'yan! Walang matitirang gamit sa apartment na 'to! Itapon niyo yan sa labas!" bulyaw niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mga gamit namin sa labas na nakakalat.

"A-ate!" nakita ko si Lisa na umiiyak habang papalapit sa akin. Wala siyang magawa kundi panoorin si Aling Sonya habang itinatapon ang gamit namin sa labas. "Ate! Si Aling Sonya... S-sabi niya lumayas na daw po tayo ate. 'Wag na daw po tayong b-bumalik. Ate saan na tayo pupunta n-ngayon?" tanong niya habang umiiyak.

Nagmadali akong pumasok sa apartment at kinausap si Aling Sonya.

"Aling Sonya ano pong ginagawa niyo?" sambit ko habang pinupulot ang mga natirang gamit namin sa sahig.

"Aba! Ang kapal naman ng muka mo tanungin ako!? Ilang buwan na kayong hindi nakakabayad ng upa. Mahigit limang buwan na! Ano!? Wala kayong balak mag bayad!? kung wala kayong balak mag bayad lumayas kayo sa apartment ko! Namumulubi ako sa inyo! Layas! dalhin niyo lahat ng gamit niyo!" bulyaw niya sa akin.

"Aling Sonya isang linggong palugit pa po. Please... Aling Sonya. Maawa ka po sa amin. Wala na po kami ibang pupuntahan." Pagmamakaawang sambit ko.

"Isang linggo? Tapos matapos ng isang linggo hihingi ka nanaman ng isang linggo palugit? Sawang-sawa nako sa mga rason mo Jackie! Umalis na lang kayo sa apartment ko kung hindi kayo magbabayad! Nakakapang-init kayo ng ulo!" angil niya at itinutulak niya ako palabas ng apartment. "Layas!"

"Aling Sonya maawa na po kayo... Wala po kaming ibang matitirhan... Please Aling Sonya..."

"Wala akong pake kung timira kayo sa kalsada! Mag silayas kayo!"

"A-ate..." Tawag ni Lisa at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Ssshhh tahan na... It's okay. Hahanap tayo ng ibang matutuluyan. Huwag kang mag-alala." Lumabas kami ng apartment ni Lisa matapos kong kunin lahat ng gamit.

Hindi ko narin napigilan ang sarili ko. Lumandas na rin ng kusa ang mga luha sa mata ko. Saan na kami pupunta ngayon. Saan na kami tutuloy?

Napaupo ako sa kalsada at napahagulgol ng iyak. Gusto kong sumabog. Ang bigat ng dibdib ko. Punong-puno na ng problema ang utak ko tapos nangyari pa 'to. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

Iniangat ko ang mukha ko nang maramdaman ko ang mga palad ni Lisa na hinaplos ang ulo ko.

"Ate..." tawag niya sa akin. Nakangiti siya pero patuloy pa rin umaagos ang luha sa mga mata niya. "Wag ka ng umiyak. A-andito pa ako oh... H-hanap nalang tayo ng ibang matutuluyan. B-basta kasama kita ate okay l-lang sa 'kin." Sambit niya.

Nakita kong pinilit niya muling ngumiti. Sinusubukan niyang pakalmahin ako at sabihing okay lang ang lahat. Nakakapanliit dahil sarili ko pang kapatid ang nagpapalakas ng loob ko. Dapat ako ang dumadamay sa kaniya... Dapat ako...

Tumingin ako sa mata niya pero mas lalo akong nasasaktan. Hindi niya dapat nararanasan ang mga bagay na ito. Bata pa siya, dapat siya maging masaya. Mabuhay ng normal. Nag-aaral. Naglalaro ng walang iniisip na problema. Deserve niya lahat 'yon. Pero ano 'tong buhay na ibinigay ko sa kaniya?

Kasalanan ko 'to! Kung hindi lang ako naging mahina, hindi kami hahantong sa buhay na 'to.

"Ate... Huwag ka ng umiyak. T-tahan kana p-please..." Sambit niya at niyakap ako.

"S-salamat Lisa. Hindi na iiyak si ate. Pasensiya kana ha." Wika ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

"I love you ate."

"I love you too, Lisa." 

Pleasure And Pain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon