Behind every love story (Poetry, Quotes, Stories, Thoughts, Facts)

4.7K 38 16
                                    

                                                           Yang forever and promises na yan

  Sana hindi na ginagamit ang salitang to pag dating sa buhay pag ibig, siguro dahil sa sobrang bitter ko kaya ko nasabi yan :)), hindi rin naman kasi matutupad ang mga yan eh.

Una sa lahat mag promise ka na hindi kita iiwan, hindi kita lolokohin, hindi kita paiiyakin, hindi tayo mag hihiwalay. hindi ako mag sasawa sayo. Pangalawa yung super combo FOREVER tayo PROMISE

Pano kung nag break na kayo, nasan na lahat ng promise mo diba nawala? Kung iisipin din nila lahat ng promise mo e masasaktan lang lalo sila kasi hindi rin naman nangyari, tapos nag forever forever kapa e ilang months lang pala yung aabutin.

                                                                        Darating din ang araw.

Darating din yung araw na hindi mo nako kayang intindihin, yung sawang sawa kana, yung iniisip mo eh paulit ulit nalang yung nangyayari araw-araw, yung walang bago.

Darating din yung araw na hindi kana gaanong concern sakin, yung bihira kanalang mag text, tinatawagan, tinanong kung kamusta nako, pati yung araw na yung simpleng text na goodmorning sa umaga e wala na.

Darating din yung araw na pinipilit mo nalang, yung pakitang gusto mo pa pero ayaw mo na talaga, kunyari masaya kapa pero wala na talaga, yung dating i love you na sweet ngayon e maalat na.

Darating din yung araw na iiwan mo din ako, yung araw na maalala ko yung pag sabi mong forever tayo, yung araw na umasa akong eto na true love na to, hindi nya ko iiwan, love na love nya daw ako eh.

At darating din yung araw na makaka move-on nako.

Buti nalang alam ko ng darating yang mga araw na yan, nag expect din naman ako kahit papaano, hindi naman maiiwasan yan eh. Salamat sa panandaliang inspirasyon,panandaliang ngiti, pag-ibig, saya, kilig.

Yang salitang yan e sobrang sakit sa mga taong seryoso, sa taong nag mahal ng sobra.(Wag nga daw masyadong mag expect, pero kung nag promise naman ang taong mahal mo e wala kadin magagawa kundi mag expect)                                                                   

Behind every love story (Poetry, Quotes, Stories, Thoughts, Facts)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon