46

483 6 1
                                    

Zayn's POV

Simula nung araw na narinig ko 'yung sinabi ni Francheska sa tabing-dagat, parang may nagbago sa akin. Oo, narinig ko 'yung sinabi niya, 'yung isinigaw niya noong gabing nahuli niya kami ni Ara. Aksidenteng napadaan ako sa kung saan sila nagpunta ni Harry at nakita ko siya dun. Sa totoo lang, inirecord ko yung sinabi niya.

"Mahal kita Zayn! Mahal na mahal kita! Wag mo naman akong saktan."

'Yan lang yung nairecord ko, pero okay lang. At least alam ko ng mahal niya ako. Nang dahil sa sinabi niya, natauhan ako bigla. Feeling ko ang laki kaagad ng ipinagbago ko. Umalis na ako kaagad dahil baka makita niyang nandun ako.

Dumating na ang araw ng kasal namin. Maaga kaming dumating sa opisina noong judge na magkakasal sa amin. Nang oras na, hindi pa rin dumadating si Francheska. Akala ko hindi na siya dadating dahil ng nangyari sa amin, kaya nagulat ako nang bigla siyang dumating.

"Nerdy Girl. Dumating ka." Parang tanga kong sinabi sa kaniya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Gusto ko siyang yakapin, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nagsimula na ang pagkakasal sa amin. Habang nagaganap ang kasal namin, nakatingin lang ako sa kanya. Nagulat ako nung tumingin siya sa akin.

"'Wag mo akong tingnan ng ganyan." Aniya na tila ba naiilang siya sa akin.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Isa. Wag mo akong tingnan, pwede ba?" Iritado naman niyang sagot sa akin. 

May period siguro 'to. Ang sungit sungit eh. Pero ang cute niya. Kahit nakalipstick lang siya, ang ganda niya pa rin. Ang laki na ng ipinagbago niya. At pagkatapos ng kasal namin, pumunta na kami kaagad sa bahay kung saan kami titira. Umalis din kaagad sina Mama at Papa at iniwan na nila kaming dalawa.

"Hoy nerdy girl. Anong kakainin natin?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano bang gusto mong ulam?" Ang cute niya talaga. Nakakainis. Ano ba naman 'tong nararamdaman ko?

"Adobong baboy. Marunong ka bang magluto?" Sagot ko naman sa kaniya.

"Anong tingin mo sa akin? Walang alam sa buhay? Syempre marunong akong magluto. Magluluto na ako. Diyan ka lang."

Gustong gusto kong matikman ang luto niya. Medyo natagalan siyang magluto at medyo gutom na rin ako kaya nag demanding ko.

"Ang tagal mo namang magluto. Gutom na ako." Kunwaring reklamo ko sa kaniya.

"Matuto kang maghintay. Pwede?" Iyamot naman niyang tugon sa akin.

"Ang sungit mo. May menstruation ka ba?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Gutom na gutom na kasi talaga ako. At pagkaluto niya, umupo na rin siya sa lamesa. Ayaw kong makita niya kung paano ako kumain pag gutom ako kaya sinabi ko sa kanya na ayaw kong sabay kaming kakain. Isa pa, ayaw kong makita niyang nasasasarapan ako sa luto niya.

"Ang sarap." Medyo pabulong kong sabi. Medyo naparami ako ng kain.

Aminado ako masarap nga siyang magluto. Perfect na perfect parang luto ni Mama. Pero syempre, hindi ko sinabi sa kanya na nasarapan ako sa luto niya. Baka kasi lumaki ang ulo niya at isipin niya na under na niya ako. Pagkatapos kong kumain, iniwan ko na rin dun yung kinainan ko.

My first day as her husband is..quite nice.

The Jerk and the NerdWhere stories live. Discover now