Chapter 27

38 3 0
                                    

Chapter 27

[Alice] 

Did I heard Jet right? Did she called Polo, Kuya? Lumunok ako at may pagtatanong sa expression ko. Nagsalita ulit si Jet. 

"Alice, Oo, hindi ko kapatid si Kuya Polo. Oo, tatlo lang silang magkakapatid. Si Kuya Polo, Si Kuya Chito, at Ate Eleyna but that doesn't mean na anak niya ako." sabi niya.

Mahinahon niyang kinuwento ang usapan nila sa loob ng opisina ni Don Fedelino.

"Gusto kong malaman ang buong impormasiyon tungkol sa client mo Janet." 

Nagtataka man ikinuwento ni Jet ang lahat ng impormasyon ni Alice Kuya Polo niya. She couldn't understand why his Kuya looks so grave after what she said. 

"Jet--" nagsimula itong magkwento. 

"Iniwan ako ni Myra. Ayaw ng Daddy sa kanya pero pinaglaban ko sila ng anak ko pero huli na ng dumating ako. She's leaving with Alice. ten-year-old kana non at pinalabas ni Daddy na anak kita. 

"Lumayo sila at hindi ko na sila nakita pa. Pinagsisihan ni Daddy ang ginawa nila dahil napariwara ang buhay ko and he helped me to look for them pero hindi ko na talaga sila makita. 

"So I decided to leave at pumunta na lang sa ibang bansa para kalimutan sila pero kahit minsan hindi sila nawala sa isip ko."

Habang nagkukwento si Jet hindi ko masisisi kung umiyak siya dahil kahit ako hindi ko mapigilan ang sakit ng nararamdaman ko. Gusto ko humanap ng sisisihin pero sino? 

Nagkamali ng paratang si Mama at dahil sa paglayo niya pinagdaanan namin ang lahat ng ito. 

Si Polo Constantino ang Daddy ko mahigit labing walong taon nangungulila sa amin. 

Nakatingin ako kay Jet ng magsalita siya. 

"Hindi ko gustong magkahiwalay kayo. Kung nong mga panahon na yon alam ko na lahat yon hindi ako matutuwa na may umampon sa akin. Dahil alam ko sa sarili ko na ako ang pinagmulan ng lahat ng hirap na pinagdadaanan ninyong lahat." 

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagsalita ulit siya. 

"I just want us to be ok. Gusto ko lang naman tulungan si Kuya Polo na magka-ayos kayo para maranasan ninyong dalawa ang maging masaya. Plano kung ipagtapat sayo ang lahat ng 'to pagkatapos ng lahat ng problema mo." 

Niyakap ko siya. Ang sakit sakit naman. Bakit ko pa pinagdudusahan ang lahat ng ito? Bata pa lang ako impiyerno na ang kinagisnan ko. Do I deserve all of these?  

Nilingon ko si Arkie na nagsalita sa likod ko. 

"Alice alam ko na wala kang pinagkatiwalaan kung hindi si Simon--" 

Sa pagbanggit ng pangalan niya mas masakit ang nararamdaman ko. Tama si Arkie wala akong ibang pinagkatiwalaan kung hindi si Simon pero niloko lang niya ako. 

"--kaya naman kailangan ka namin isuko sa pulis. Don mas mapo-protektahan ka. Pero kapag nalinis na ang lahat at nahuli na ang may sala mapapatunayan natin sa kanila na wala kang pananagutan sa pagkamatay ng Mama mo." 

Tumango ako at pumasok na ulit sa sasakyan. Pumikit ako at hindi ko maiwasang maalala ang nangyari ng buong araw na ito.

Sumunod ako kay Euan papunta sa hacienda. Wala na ang babaeng kasama niya at ng makapasok ako sa loob ng gate. Nakita ko na palabas ng bahay ang siguro ay kapatid ni Euan dahil tinawag niya itong Ate. 

"Ate si Tito Polo?" 

May dala itong skateboard at siguro ay lalabas pero hindi na siya tumuloy. Sinamahan niya kami ni Euan sa pinakang library ng malaki nilang bahay. 

Kung wala ako sa sitwasyon na kinakabahan maa-apreciate ko sana ang ganda ng loob ng bahay. Nakita ko ang isang matanda na kausap ng isang lalaking nakatalikod sa loob ng silid. 

Sa likod namin biglang lumabas ang babaeng nag ngangalang Chofie. 

"Sino siya? Kailangan ni Lolo ng gamot niya kaya kung pwede Ate Jorge, Euan wag muna kayong magtatalo sa harapan niya." sabi pa niya.

Pumasok siya sa loob dahilan para lumingon ang dalawang tao sa loob ng silid. Lahat sila ay sa akin nakatingin at nagsalita ay si Euan. 

"Tito Polo siya po si Miss Alice, yong new client ni Tita Jet." 

Bago pa makalapit sa akin ang Daddy ko mabilis na naglaglagan ang luha sa mata ko. 

"Wag kang lalapit." sabi ko and I step backward. 

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita kita. Hindi ko ito napaghandaan pero gusto kitang saktan. Kasalanan mo kung bakit naging miserable ang buhay namin ng Mama ko. Kasalanan mo kung bakit wala na siya." 

"Let me explain." sabi niya pero hindi ko siya pinagbigyan. 

"Iniwan mo kami dahil sa anak mo sa labas. Oo, sinabi sa akin ni Mama ang lahat asan siya? Sino sa kanilang ang anak mo sa iba?" 

Wala akong maituro dahil wala akong makitang mas matanda sa akin sa tatlong naroon. Nakita kong nakataas ang kilay ng babaeng may dalang gamot na hanggang ngayon ay hindi pa niya napapainom sa matanda. 

Ang dalawa naman sa tabi ko ay naka nganga sa pagkabigla. Tumingin ako ay sa Daddy ko non ng magsalita ulit siya. 

"Wala dito ngayon si Janet--" 

"Si Jet? Janet Constantino? Siya ang anak mo?" 

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang pagkakaintindi ko ay anak din siya ng haciendero pero mukhang yon lang ang pinalabas nila. 

Pinagkatiwalaan ko si Jet. Pero ano ba ang magagawa ko. Wala naman siyang kasalanan dito. 

"Hindi--" sabi niya pero pinigilan ko ulit siyang magsalita. 

"Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan namin ng Mama ko. Gusto ko maranasan mo ang sakit at hirap na yon. Hinding hindi kita mapapatawad hanggang sa kahuli hulihan ng hininga ko. Tandaan mo yan." 

Sabay takbo ko palabas ng bahay. Narinig ko na lang ay sumigaw ang ilan sa kanila ng Lolo pero may tumatawag ng pangalan ko na hindi ko na nilingon. 

Dire-diretso akong tumakbo sa bahay. Nasalubong ko si Pia na nagtatanong kung bakit ako umiiyak. Pumasok ako sa kwarto pero wala don si Simon. 

Pumasok si Pia sa kwarto. "Alice bakit? Anong nangyari?" 

Umiiyak lang ako sa unan hindi ko sinagot ang tanong ni Pia. 

"N-Nasaan si Simon?" 

"Umalis siya paglabas mo may tumawag sa kanya at nagmamadali siyang umalis." sabi niya at tumingin ulit ako sa kanya. 

"Pwede bang iwan mo muna ako?" 

Lumabas naman siya. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak at hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon