Chapter 21

41 3 0
                                    

Chapter 21 

[Arkie] 

Sinara naman yon ni Janet at nilingon ko siya "Dala mo ba cellphone mo?" 

"Oo." sabi naman niya at kinuha niya agad ang cellphone niya. 

"Pakisuyo naman dial mo number ko. Naiwan ko ata sa bahay ang sakin eh." 

Tumatawa siya at nagtype sa keypad niya habang 

"Mas matanda pa ako sayo ng anim na taon pero mas makakalimutin kana." 

"Nakalimutan ko eh." 

Maya maya nasa tenga na niya ang cellphone niya at ako naman ay nagdadrive. Napalingon ako sa kanya. 

"Hello? Pia? Oo, naiwan niya nga makakalimutin na eh. Kumusta kayo diyan? Si Alice?" 

"Itanong mo kung nandon si Simon." 

Singit ko at bahagya niyang tinabunan ang phone niya at bumulong. 

"Ano kaba Arkie nakakahiya naman eh. Baka kung anong isipin ni Simon, isipin pa non--" sabi niya.

Bahagyang bumagal ang pagdrive ko. Ewan ko ba pero hindi ako pwedeng magkamali, si Simon ang nakita ko. Inagaw ko kay Jet ang phone. 

"Pia, si Simon may sasabihin lang ako sa kanya." 

"Wala nga eh. Pag katapos linisan ni Alice ang sugat niya umalis siya. Tinatanong namin sabi lang niya wag kaming lalabas ng bahay." 

Hindi ako agad nagsalita at saktong stop ang traffic light. 

"Baka naman nasa palengke lang." sabi ko na parang kahit ako gusto ko paniwalain ang sarili ko pero parang may nararamdaman akong hindi ko gusto. 

"Ewan ko lang pero baka naman or gusto lang magpalimig. Mainit ang ulo niya ng umalis eh." 

"Pia ganito--" sabi ko.

Bahagya pa akong tumingin kay Jet na hindi makapaniwala sa akin. 

"--wag mo papaalam kay Simon na tumawag kami at tinatanong namin siya. Basta wag mo ipaalam na tumawag kami at all." 

"S-Sige pero bakit?" 

"Basta. Watch over Alice." 

Binaba ko na ang phone. Nakatitig pa din sa akin si Jet. 

"What exactly are you doing?" 

Hindi ako nagsalita. Kahit ako hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako nagdesisyon ng ganito. Nang padalos-dalos. 

"Trust me." sabi ko lang kay Jet.

Matagal bago ulit siya nagsalita. "Simon is your friend and--" 

"Oo at kaibigan pa din niya ako. Ginagawa ko ito para sa kanya." 

"Hindi na kita maintindihan." 

Sumandal na siya sa upuan niya. Maya maya. 

"Sa pad ko na lang tayo umuwi." 

Lumiko ako para dumiretso sa pad ni Janet. Nagpark ako sa parking lot. Walang kaming naging usapan ni Jet habang nasa Elevator kami. Dala ko ang bag niya at siya naman ang maydala ng laptop. 

Ngayon pa lang ako makakapasok sa bahay niya at gaya ng inaasahan ko. May pagka feminine ang dating non. Dalawa ang kwarto at malawak ang sala niya. 

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon