Chapter 13: How to write a good story in Wattpad?

1.8K 76 18
                                    

How to write a good story in Wattpad?

Ano nga ba ang mga bagay na dapat mong malaman para makagawa ng isang epektibong novel? Gusto mong maging sikat sa Wattpad? Make a good story. Diyan naman mag-uumpisa lahat e. Kapag maganda ang kwento mo, kahit pa-isa-isa o hindi biglaan ay mayroong taong magkakainteres talaga sa gawa mo.

Here are my tips that you can use as your guide if you want to make a good story.

1) CATCHY TITLE

Isa ito sa pinakamahalaga sa lahat kung gusto mong sumulat ng isang story. Sunod sa nakikita ng readers ang title ng story kaya make sure na unique ang title. Iyong tipo na maririnig pa lang nila ang story mo ay ma-e-engganyo na silang magbasa. Maganda rin kung hindi masyadong give away ang title. Iyong tipo na title pa lang ang nabasa mo ay alam mo na kaagad ang story. Bukod sa catchy ang title ay dapat ay misteryoso rin ito at mapapaisip kaagad ang readers sa title pa lang.

2) COVER

Maraming readers ang tinatamad tingnan man lang ang mga stories na walang kabuhay-buhay ang cover. Sa totoo lang ay mahalaga talaga ang cover dahil ito naman ang nakikita agad bago tingnan ang plot ng story. Just make sure na mababasa agad ang title ng story. Make sure na ang cover ay may kinalaman din sa tema ng story na ginagawa mo. Nakakaengganyong magbasa o bumili ng libro na maganda ang pabalat.

3) CREATE A STORY WITH A UNIQUE PLOT

Make a story that is out of the box. Well, hindi ko naman sinabi na hindi na makatotohanan pero iyong wala pang gaanong nakakagawa ng plot na iyon at kaunti pa lang. Kadalasan kasi, nakukuha ang interes ng tao kapag bago sa pandinig nila ang isang plot ng kwento. Siguradong babasahin nila iyon kahit pa anong genre.

Huwag na po gumamit ng mga plot line na si Nica ay almost perfect na. Pogi si Lando. Cassanova si Lance at nerd si Eden. Kasi po gasgas na ang mga iyon. Usually kapag sa summary ay ganyan na ang nakalagay ay kahit ako ay hindi ko na masyadong pinapansin. Nakakaumay na rin kasi iyong mga characters na almost perfect na.

However, okay lang din kung ganito ang mga characters na mayroon sa story but please make sure na hindi sa pagiging gano'n ng mga character umiikot ang story. Imbes na sa katangian ng character kayo kumuha ng idea sa plot summary ay mag-focus kayo roon sa twist o conflict ng kwento. Kumbaga ay gawin lamang ninyong sangkap sa mismong kwento ang mga attributes na mayroon ang mga bida.

Mas marami ring magkakainteres kapag may pahapyaw ka na spoiler sa kwento na ilalagay sa likod ng libro. Pero syempre, iwasan pa ring ilabas lahat para may mystery pa rin sa nakapaloob sa kwento na tutuklasin pa rin ng mga readers.

4) NAPAPANAHON

Kung hindi kayang mag-isip ng unique na plot na hindi pa naiisip ng iba ay pwede ka na lang mag-isip ng isang story na napapanahon o sabay sa uso. Kung ano ang mabenta sa mga kabataan ngayon o kahit na sinong tao na mahilig magbasa, iyon ang gawin mo at siguradong may magbabasa ng story mo.

5) DO SOME RESEARCH FOR JUSTIFICATION

Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kahit pa maraming magbasa ng story na gagawin mo. Kung mali-mali naman ang mga facts na inilagay mo sa kwento mo o kaya naman sobrang dami ng butas o technical errors, hindi rin ito papasa sa kahit na anong publishing company.

Make sure na nag-research kang maigi bago mo gawin ang story na gusto mo para maging mas makatotohanan ito. Kahit pa na fantasy ito ay make sure na nasasaklaw pa rin ito ng kaunting reyalidad na alam mong hindi malayong mangyari sa totoong buhay. Dahil maraming readers na matatalino at pwede kang i-bash kapag nabasa nila ang gawa mo. Lalo na kapag dumating sa punto na sikat ka na, gagawa sila ng paraan para mapatunayan na hindi mo deserve mo kung ano man ang mayroon ka. Kaya do some reseach. Make sure na walang makikitang loop holes ang magiging editor mo sa 'yo.

Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Where stories live. Discover now