Chapter 12: Mga bagay na ayaw mong mangyari sa 'yo bilang writer

1K 45 9
                                    

Mga bagay na ayaw mong mangyari sa 'yo bilang writer

Kung mayroon kang mga nais maranasan bilang manunulat ay mayroon ka rin namang mga ayaw maranasan habang nagsusulat.

Ito ang mga ilan sa listahan:

1) WRITER'S BLOCK

Ito ang madalas na kalaban ng halos lahat ng mga writers na nakilala ko. Iyong tipo bang gustong-gusto mo nang tapusin ang isang story o isang novel but all of a sudden ay na-mental block ka na lang at hindi mo na alam kung ano iyong susunod na mangyayari. Kung paano bang malulusutan ng bida ang conflict mo at higit sa lahat, kung paano mo sasabihin sa mga readers mo na nag-aabang ng update mo na wala ka nang maisip na karugtong kasi ayaw mo silang ma-disappoint.

2) MOOD SWINGS

Ito naman iyong kasalungat ng writer's block kasi dito naman ay nakagawa ka na halos ng plot outline para sa mga chapters ng novel mo pero bigla ka namang nawalan ng ganang gawin ito o tapusin kasi nagsawa ka na sa sarili mong story o natamad ka na lang bigla. Iyong tipo ba na walang gana ang utak mo at kamay mo na magtipa para sa susunod na update kasi hindi mo na maramdaman ang mismong mga characters o iyong mismong mga pangyayari sa story.

Mahirap ito dahil kung ikaw mismo na author ay nabo-bore na sa story mo eh paano pa kaya iyong mga readers mo?

3) HATERS

Isa sa main reason kung bakit nadede-motivate nang magsulat ng kwento ang iba. Isa itong bagay na ayaw mangyari ng manunulat dahil isa itong malaking distraction para sa ikakaganda ng nobela niya. Hindi payapa ang isip niya eh.

Maaaring sabihin ng iba na huwag na lang silang pansinin pero napakahirap gawin nito para sa isang manunulat. Ayaw man niya ay pilit pa ring nagsusumiksik sa isipan niya kung bakit may mga taong ayaw ng mga sinusulat niya. Kung panget ba siyang gumawa ng story, boring o may mga wrong grammar ba siya?

Sa umpisa ay mahirap talagang hindi pansinin ang mga haters pero kapag nasanay ka na ay parang wala na lang ito sa 'yo.

4) MALING HATOL

Isa nang malaking pasakit para sa manunulat na ma-reject ang isang akda na ginawa nila. Lalo na kung mabigyan ito ng maling hatol. May iilang editors ang nag-e-evaluate ng mga stories na pinapasa ng mga writers from Wattpad pero napapansin nila na may mga feedback na hindi na akma sa story na pinasa nila. Napapansin ng writer iyon kung binasa ba talaga ng maayos ang story o hindi. Makikita nila kung inactive reading ba ang nagbabasa.

5) MAWALAN NG IDEA

Ito naman iyong isang bagay na pangkaraniwan nang nangyayari sa kahit na sinong manunulat. Iyong bigla ka na lang may maiisip na idea para sa isang napakagandang kwento pero dahil busy ka ay hindi mo maisulat iyon kaagad.

Kadalasan tuloy ay nakakalimutan mo na ang plot na naisip mo at a later time. Pati ang excitement mo sa isusulat mo sana na novel ay nawala na rin.

6) DOROBO (MAGNANAKAW ALERT)

Ito na yata ang pinakamalalang maaaring mangyari sa kahit na sinong writer. Ang manakaw ang obra na sobrang pinaghirapan mo. Ang hirap kayang mag-type at mag-isip ng kwento, pagkatapos ay gagamitin lang ng iba para sa pansarili nilang kapakanan?

May isa akong kakilalang manunulat na nangyari sa kanya ang bagay na ito. Kung hindi pa nag-email sa kanya ang isang follower ay hindi pa niya malalaman na may nangopya na pala ng akda niya at pinalitan lang ang pangalan ng mga characters then pinasa pa sa isang publishing company.

Sa totoo lang, ang pag-po-post ng isang story sa Wattpad o kahit sa anumang online site ay isa nang malaking risk. Nandiyan kasi palagi iyong possibility na baka manakaw ang story mo. Kahit nga siguro hindi nila totally kopyahin, pwedeng makuha kahit iyong pinaka-main idea man lang sa story mo.

Mayroon nang naging issue na ganito noon. Hindi ko lang masyadong alam ang detalye noon pero bulong-bulungan din noon na ang ibang mga teleserye or movie sa story ay kumukuha ng pahapyaw na idea sa iba't-ibang mga wattpad stories. Hindi nila totally binibili ang story dahil idea lang naman ang kinukuha nila, but still, napapansin ng ibang authors na iyon ang similarity sa kwento nila at sa naturang teleserye.

Mayroon pang ibang kaso na medyo matagal mo na ring ginawa ang isang story o kahit ibang non fiction book at balak mo na sanang tapusin then ipasa sa publishing house then all of a sudden ay may na-i-publish na halos kaparehas na rin ng idea mo. Tapos pagtingin mo sa loob ng book na iyon ay may ilang line pa na galing mismo sa gawa mo. Ang iba naman ay parang na-reiterate na lang pero ang main idea ay katulad din ng sa 'yo. Para kang may sinabing isang bagay tapos may umulit lang.

Ang mahirap lang sa ganito, kahit pa sabihin na sigurado ka na may kinopya siya sa gawa mo ay mas naunahan ka niyang mag-publish at hindi naman totally lahat ng parte ng gawa mo ay kinopya niya. (dahil baka kumuha rin siya ng idea sa iba't-ibang writers) May possibility na baka ikaw pa ang mapagbintangang nangopya kahit hindi naman; dahil lang sa mas sikat siya o kaya naman mas una siyang nagpasa sa 'yo.

Magkagayunpaman, kahit ano pa man sigurong mangyari, at the end of the day, wala ring mapagpipilian ang isang author kung hindi ang i-post ang mga gawa niya online, dahil kung hindi, hindi rin siya magkakaroon ng mga supporters at readers. Sa kalakaran ng karamihan sa mga publishing house ngayon, mas priority ka nila kung marami ka nang followers at sikat ka na. Nagkaroon na nga yata ng stereotyping na mapa-publish lang ang story mo kung million reads ito o kaya sikat ka na. Sad but true.

7) HINDI DESERVING

Kasiyahan para sa isang writer na makapag-publish ng libro pero wala na yatang mas sasasakit pa kapag may nagsabi sa 'yo na hindi deserving ang libro mo para mailathala. Lalo na kung ang sinasabi niyang dahilan ay hindi ka sikat.

Nagkaroon na ng kaisipan ang ibang tao na para makapagpublish ay dapat na sikat ka kaya malaki ang pagtataka ng iba kapag nalaman nila na published author ka pala kahit na hindi ka naman talaga sikat.

8) KAWALAN NG TIWALA SA SARILI

Iyong para bang ang dami mong worries na baka hindi magustuhan ng ibang tao ang gawa mo at takot kang makatanggap ng bad criticisms. At iyong feeling mo ay walang may gusto ng gawa mo dahil wala ring gustong magbasa. Nada-down ka dahil hindi ka sikat katulad ng iba. Na kahit alam mong may ibubuga ka rin naman eh hindi ka napapansin. Na hindi mo nakukuha iyong recognition na gusto mo dahil walang nakakakita... Nag-uumpisa ka nang ikumpara ang sarili mo sa iba.

9) Ma-misunderstood

Iyong pagbibintangan ka na ng ibang readers na kwento ng buhay mo ang sinusulat mo kahit purely fiction lang naman iyon. At ang malala, kapag nagsulat ka ng gay story ay iisipin din nila na bading ka kahit hindi naman at ang totoo mo naman talagang intention mo ay mag-explore lang ng ibang genre para isulat.

Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon