Can I use someone else's photo on my cover? Or a photo of a celebrity?

12.8K 258 89
                                    

Q: Yung cover ko may photo na kinuha ko lang sa internet. Kasi di naman malalaman nung photographer ever na ginamit ko yon. Kasi nasa Pinas ako. Tsaka self-pub lang naman.

A: Para sa akin, when you start asking for people to pay you for a product, you have to act like a professional. Professionals should not use photos they just grabbed off the internet without permission. And hindi rin sila naglalagay ng photo ng mga model na hindi alam na nasa book cover ang mukha nila.

Lahat ng professional photographer ay may rights sa photos nila, kahit kalat na sa internet ang mga ito, at you should expect na they will expect to be paid to use the photo in your cover. Kung nasa internet ka rin, at naka-post yung cover mo somewhere, mas malaki ang chance na malaman ng original rights owner ng photo na ginamit mo ito. Talagang active silang maghanap ng mga "violation" ng copyright nila.

I buy photos from stock photo sites (P400 to P1000 depende sa klase ng photo). Minsan din ay nagpapasadya ako ng photo shoot sa mga kaibigan. O gumagamit ng photo ng kaibigan pero hinihingan ko ng rights at minsan binabayaran ko rin depende sa effort.

MODEL RELEASE - Ipagpalagay nating ikaw yung kumuha ng photo. Nakita mo si certain celebrity, asked for a photo, and yun ang ginamit mong photo. Pwede na ba yon? May permission ka namang nakuha to take the photo yes?

Professional photographers ask their models to sign a RELEASE FORM, meaning pumapayag yung nasa picture na kunan ang picture niya para sa _________ na purpose. Kung ikaw o mga kaibigan mo ang photographer, maigi kung mae-explain mo kung para saan ito at saan lalabas ang photo nila. Kasi may karapatan silang umayaw kung hindi nila gusto.

Kaya mas madaling bumili ng photo sa tamang paraan, sa stock site, etc, kasi pag professional photographer, ginawa na niya yan. Hindi na ikaw.

The same applies for art and illustrations. Wag gamitin ang kinuha lang sa internet. Kung nasa internet ka rin, mahahanap yan.

(Mina, ang praning naman. Wala namang readers yung story ko. Wait - kahit isa lang ang bumili sa yo, o isa lang ang magbasa, hindi ba mas maganda na professional ka? Kung gusto mong maging writer o publisher, kailangan alam mo yung tama, ngayon pa lang.)

Publishing and Self-publishing: Advice for WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon