Kabanata 34

2.3M 48.6K 114K
                                    

[Kabanata 34]

"Oo... ako nga" diretso niyang sagot. Ang mga tingin niya ang lalong nagpapadurog sa puso ko, parang hinihintay na lang niya na magalit, sumigaw at sumpain ko siya.

"H-hindi ako naniniwala..." sagot ko sa kaniya, pero hindi pa rin nagbago ang expression ng mukha niya. "k-kung kasinungalingan lang ang lahat... hindi ko dapat naramdaman ang saya mula sa iyo... kung kasinunggalingan lang ang lahat... hindi ko dapat nakita ang tunay na ngiti sa mga labi mo"

Sabi nga nila, ang pag-ibig ay hindi madaling ipaliwanag, kulang ang mga salita upang mailarawan ang pagmamahal, pero sa oras na maramdaman mo ito, hindi mo na kailangang magsalita o magpaliwanag pa... dahil ang mga puso na natin ang kusang nagsasabi sa isa't-isa na... mahal kita.

"Mula ngayon ayoko nang makita ka pa... dahil sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilang makita ang lahat ng mapapait na nakaraan na ginawa ng iyong ama sa pamilya ko!" namumula at nanginginig sa galit si Juanito nang bitawan niya ang mga salitang iyon sa harap ko at tumulo ang mga luha niya habang pilit na inaalala ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid niya.

Sinubukan kong humakbang papalapit sa kaniya pero agad siyang umatras. "At mula ngayon... hanggang dito na lang tayo... dahil buburahin na kita sa buhay ko" tugon pa ni Juanito agad akong napatingin ng diretso sa mga mata niya.

buburahin na kita sa buhay ko

buburahin na kita sa buhay ko

buburahin na kita sa buhay ko

gusto ko mang mag-bulagbulagan, gusto ko mang magbingi-bingihan sa pagkakataong ito pero alam kong kahit anong mangyari hindi pa rin ako makakatakas sa katotohanang... kinakamuhian na rin ako ni Juanito.

magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ang malaking gate at sunod-sunod na pumasok ang magagarang karwahe at mga guadia civil.

Iyon ang sasakyan ni Gobernador Flores!

Agad nanlaki ang mga mata ni Juanito at ilang sandali pa may isang lalaki na naka-damit magsasaka din ang tumakbo papalapit sa kaniya, nagkatinginan kami nung lalaki at nagulat ako dahil pamilyar sa'kin ang itsura niya...

Isa siya sa mga mangingisdang kasamahan ni Juanito sa Bohol.

"Umalis na tayo dito! Parating na ang mga Flores!" nagpapanic na tugon nung lalaki kay Juanito at agad silang naglakad ng normal papalayo upang hindi sila mahalata. Nakatanaw lang ako sa kanila at umaasang lilingon pabalik si Juanito... pero hindi niya ginawa.

Natauhan lang ako nang biglang mag magsalita mula sa likod ko "Magandang umaga Binibining Carmelita... kamusta na ang iyong kapatid? Nariyan ba ang iyong ama?" tanong ni Gobernador Flores. Eleganteng-elegante at sobrang marangal ang kasuotan ni Gobernador Flores, ang bawat hibla ng tela ng kaniyang damit ay sagisag ng kaniyang kapangyarihan.

"N-nagpapahinga na po ang aking kapatid at nasa bayan po si ama" sagot ko habang nakayuko. Ayokong mapansin nila na namamaga ang mga mata ko.

"Bueno pakisabi sa iyong ama na dumaan ako dito, hindi ko na lang muna aabalahin si Binibining Josefina dahil nagpapahinga siya ngayon, pupunta na lang ako mamayang gabi sa inyong tahanan" sabi ni Gobernador Flores at parang good mood na good mood siya ngayon. Masaya siguro siya dahil hindi nasaktan ang anak niyang si Natasha nang umatake ang mga rebelde.

Pero bago sumakay muli si Gobernador Flores sa karwahe niya napalingon muna siya sa akin "Siya nga pala, Binibini balita ko binastos mo raw si Heneral Seleno noong isang araw sa harapan ng munisipyo?" tanong ni Gobernador Flores, bigla kong naalala yung araw na iyon, kung saan lubos na nagpakababa si Sonya at lumuhod sa harapan nila Don Alejandro, Heneral Seleno, hukom Valenaciano at Maixmo sa harapan ng munisipyo upang magmakaawang pakawalan si Ignacio. Aminado naman ako na sinagot-sagot ko din nung araw na iyon si Heneral Seleno.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon