CHAPTER 4: "Punishment"

192 5 12
                                    

Aeon Side

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Aeon Side

“So, kindly explain to me how in the world happened that you were the only section went at the corner?” Mariing bulalas ng Chief prefect ng School. “Ano bang ginagawa niyo du'n? Mind telling me kung sino ang nag-suggest na pumunta kayong lahat sa sulok ng Hall? And don't tell me that your reason is not of a big deal? So all of you, suddenly felt the urge to be there and do nothing at all? Ano 'to umistambay lang kayo doon dahil feel niyong dumikit sa gilid?”

Hindi kami nakapagsalita. Wala ni isa sa amin ang umimik para sagutin siya sa kaniyang mga tanong at mga tamang hinala. Except sa oblivious na tinginan sa isa't isa lalo na kay Monica.

At first, akala ko mas mahabang katahimikan pa ang maghahari sa loob ng deliberation room. But, I was wrong. Nagulat nalang kami nu'ng bigla tumayo si Monica mula sa kinauupuan niya.

Kung tahimik kanina? Mas dumoble pa ngayon. I just can't imagine na posible pala 'yun?

“A-ako p-po” Monica said nervously.

‘She's out of her mind para tumayo!’ I said annoyingly in my head. ‘Did she even think na maniniwala nalang sila basta sa mga premonitions nia?’ I scowled, ‘Mag-isip ka Monica!’

Itinaas ng Chief Prefect ang dalawang kilay nia. As if saying, "Is there anything you wanted to say?" At syempre lahat naman nag-a-anticipate sa sasabihin niya. And here I am, thinking one good explanation kung ano ang sasabihin niya. I can't believe na namomoblema ako sa maling move na pag-imik ni Monica. I doubt if it's gonna work. I unconsciously crossed my fingers.

“Ako po ang nagsabi sa kanila na pumunta kami sa gilid...” She continued nervously

And suddenly, we heard a spiteful laughs. I narrowed my eyes when I found out whose laugh it was. ‘Grabe! Has he gone nuts? Show a little amount of respect naman. Bakit s'ya tumatawa? Baka napuno na ng hangin sa utak kaya nakalimutang Prefect s'ya!?’

“Ahem,” That's from a girl beside him. Mukhang nainis na sa ka-engotan ng head nila. At least meron pa ring matinong taong nag-i-exist sa prefecture or should I said prefecture kuno.

“Sorry for interrupting you Miss—” He trailed off while still snickering. “You can continue,” while waving his hand.

And now Monica was obliged. “I told them to stay away from the center. And so they did.” 'Yun lang ang sinabi niya at sa palagay ko, wala na rin siyang balak dugtungan pa. Kahit para sa 'kin hindi lang 'yun ang tamang paliwanag du'n. Wala siyang iniwan kundi ibitin ang paliwanag sa conclusion na posibleng maisip ninuman.

Down UniversityWhere stories live. Discover now