CHAPTER 2: "JEDS CAN"

242 5 1
                                    

Aeon Side

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aeon Side

"Wow! Tayo palang ang tao-".

"Ouch! Bakit mo naman ako hinulugan ng bag sa paa BFF?"

BA.NGU.NGOT. ba 'to? Why can't I even speak right now. Nanginginig rin ang mga kalamnan ko sa nakikita ko ngayon.

Why? Why is this thing even happening?
My mind can't grasp any reason why and how? Dahil wala akong ibang maramdaman kundi ang nakakabaliw na sakit.

Sobrang sakit...

Is this a surprise? Dahil sa lahat ng surprise ito ang hinding-hindi ko tatanggapin.

I felt weak and disoriented. I let my hand fell by my side. And that's when I bumped on something.

"I-ISHAAA!!!"

I almost lost all my senses right at the exact moment na makita ko si Isha. Pero ang sunod-sunod na sigaw at abot-langit na pagpalahaw ni Cheer ang gumising sa lumalalim na pagkakatulog ng mga pandama ko. I felt numb all over my body. At ang awareness ko lang sa paligid ang nagbalik. And for the meantime malamang hindi ko magagawang magsalita.

'This is just a nightmare right?'

'Yan ang paulit-ulit na mga salitang inuusal ng utak ko. Parang virus na sobrang hirap pahintuin? Tulad ng walang katapusang- Bakit?

Bakit ba nangyari 'to? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako ng husto. Sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko namalayang kanina pa pala pumapatak ang luha ko. Paisa-isa hanggang sa dumaloy na ito sa aking pisngi. A consistent river of tears.

I switched my gaze to Cheer and I found her on the floor. Walang pakialam sa pagkakasalampak sa sahig habang palahaw na umiiyak. Dinaluhan ko siya. Nag-isip ako ng gagawin pero walang anumang rumehistro sa utak ko.

The only thing I'm sure about is to cry out loud with Cheer in my arms.

"A-ano'ng n-nangyayari dito?!" Isang tinig ng lalaki ang narinig ko mula sa likuran namin. I turned my head and saw Clo, one of JEDS CAN members. Partner siya ni Cheer.

Hindi ko siya sinagot, ibinalik ko ang tuon ng paningin ko sa harapan. Kahit hindi ko nakikita si Clo, alam kong sinundan niya ang bagay na tinitingnan ko. With that he finally got an answer.

"What in the world-!!" Nakita kong nagtagis ang mga panga niya at kinuyom ang palad niya nang lingunin ko siya mula sa pagkakaupo namin ni Cheer sa harap niya.

"Who did this?" He asked me. Tinugon ko siya ng marahang pag-iling ng ulo. Paano ko ba malalaman kung sino ang walang pusong gumawa ng kahindik-hindik na bagay kay Isha?

Clo noticed the crying Cheer in my arms, "Cheer?!" Agad siyang lumapit dito. Basang-basa na ang uniform ko dahil sa walang katapusang pag-iyak ni Cheer. He immediately took her from me. He's gonna try to console her, I know.

Down UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon