Chapter 20 Aray, masakit na.

246 2 0
                                    

Maya maya pa, bumalik na si Mike, buhat-buhat nya si Gee.

"Sugar, I need some sugar," natatarantang sabi ni Mike.

Agad namang inabot ni Jonah yung asukal kay Mike. Kumuha ng konti si Mike at nilagay sa bibig ni Gee.

"George, gising na. George, please," nagaalalang sabi ni Mike.

Pagtingin ni Tristan kay Gee, namumutla ito.

"Justin, paki tanong naman kay manong kung saan ang pinakamalapit na ospital dito," sabi ni Mike kay Justin.

"Sige, sandali lang," sagot naman ni Justin. Nagtataranta pa rin si Mike.

Maya maya, nagkamalay na si Gee.

"Mikee," sabi ni Gee. Napayakap pa siya dito.

"Kamusta ka na? Nahihilo ka pa ba? Dadalhin na kita sa ospital," sunod sunod na sabi ni Mike.

"No, need. I'm fine. Ngayon na ang uwi natin diba?" sabi naman ni Gee.

"Fine, magready na tayo. Pagdating natin mamaya sa Puerto Princesa, pupunta tayo sa ospital, okay?" sabi ni Mike. Ngumiti naman si Gee.

Bumalik na si Justin.

"Mike, malayo pa daw yung ospital dito. Sa susunod na bayan pa daw," sabi ni Justin.

"Pag-uwi na lang natin saka ko siya dadalhin sa ospital. Magprepare na kayo, uuwi na tayo," sabi ni Mike at naghanda na silang lahat.

Sumakay na sila sa van at umalis na.

Hindi na kinibo ni Gee si Tristan sa buong biyahe kahit magkatabi sila. Sinusubukan naman na kausapin ni Tristan si Gee, pero hindi talaga siya kinikibo nito.

Nang makarating sila sa hotel, nalaman ng mga magulang ni Gee yung nangyari. Hindi na dinalasi Gee sa ospital, yung doktor na lang yung pumunta sa hotel.

"Iha, lalabas muna kami ng Daddy mo ha," sabi ng Mommy ni Gee.

Pumasok naman si Tristan. May dala siyang isang bouquet ng flowers.

"I'm sorry," sabi nya sabay abot ng bulaklak.

Hindi kumibo si Gee, tinalikuran lang nya si Tristan.

"Yana, sorry na," sabi nya, lumipat siya sa kabilang side kung saan nakaharap si Gee. Tinalikuran ulit siya nito, kaya lumipat naman siya sa kabila.

Maya-maya pa, bigla siyang tumayo, pero pagtayo nya, bigla siyang nahilo at natumba.

"I got you," sabi ni Tristan. Nasalo nya si Gee.

"Thank you, Sir," sabi ni Gee.

Nagulat si Tristan, Sir na naman ang tawag sa kanya ni Gee.

"Galit ka pa rin ba?" tanong nya.

"Bakit naman ako magagalit, Sir?" sabi ni Gee.

"I'm really sorry. Ang please, stop calling me Sir," sabi ni Tristan.

Hindi na kumibo si Gee.

"Sorry na," sabi ni Tristan. "Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo na ako?" tanong nya.

"Ano bang ginawa mo, bakit ka nagsosorry?" sabi ni Gee.

"Yana, sorry nagalit ako sa'yo kanina. Sorry kung hindi kita pinansin nung tinatawag mo ako," sabi ni Tristan.

"Okay," maikling sabi ni Gee.

"Yana naman. Sorry na talaga. Kaya lang naman kita hindi pinapansin pag nagagalit ako sa'yo kasi pagtinignan kita, nawawala lahat ng galit ko... agad-agad," paliwanag ni Tristan.

When goodbye's too hard to say...Where stories live. Discover now