Chapter 1: His and her...

273 1 0
                                    

*takatakatakatakatak... tak.. taktak..*

"Hay! Natapos rin! Hihi. Siya kaya?"

Me: Mahal ko. Tapos ko na thesis ko. Hihi. Ikaw po? 'Wag ka masyado magpupuyat ha? Text mo ako kung tapos ka na. I love you. :*

Kakatapos ko lang gawin ang thesis ko para makatapos ako sa kursong hindi ko naman gusto. Pero wala akong magagawa eh, scholar ako ng mga magulang ko.

Ako si Rio Angela Bueza. Atenista. 19 years old. In love and happy.

Well, kuntento na ako kaya masaya na ako. Pwede na nga akong mamatay eh. De joke. Oo, masaya na ako dahil nandiyan naman si Lloyd. Siya ang pinakamamahal kong mahal ko. Alam niyo na yun. Mahal na mahal ko siya. Period.

"Hindi pa rin siya nagrereply. Baka tulog na. Ay hindi. Magtetext naman yun. Baka busy pa. Hintayin ko na nga lang."

Nagtimpla ako ng juice at umupo dun sa may sala. Nag-isip isip ako kung ano ang mga magandang gawin para sa mga susunod na araw.

*after 3 minutes

"Hihi"

"May naisip na akong gawin sa anniversary namin."

Tumayo na ako at pumunta sa CR para maghilamos at magsipilyo. Kinakanta ko ang theme song namin. Kasama kang tumanda ni Toni Gonzaga.

"hm hmmm hmmmm. hm hmmm hmmm hmmmmm."

"Ang gusto ko lamang, kasama kang tumanda."

Inaantok na talaga ako. Parang hindi ko na mahihintay ang text niya. Haaay.

At nakatulog na nga ako.

*kriiiing! kriiiing!*

Ugh. Umaga na. Bwisit talaga. I hate mornings. Teka.. 5 minutes pa for myself... Please.

"......"

Oh shit!

*Biglang bangon at sabay hablot ng cellphone*

*scroll scroll scroll*

Walang text niya? Baka nawalan ng load. :'(

Anyway, magkikita din naman kami mamaya. Hihi. Makabangon na nga.

I love you but...Where stories live. Discover now