HIH 2.0.1

476 9 3
                                    

Oh eto na po yung kasunod ng malaNobelang tula. Wag kang magtaka kung may susunod na update pa! 😂Pasensya na! ❤😊

23 stanza din po tong 2nd part niya. Pasensya na po talaga kung medyo napahaba ang ginawa ko. 3 seasons ung HIH e 😂. kaya ko pang pahabain pero nagmukhang nobela na pag ganun (kaya 70plus stanzas lang huh).

So leggo! ✌🏻✊️☺️

Love,
Zayree



¤¤¤

Hindi maiwasan ang pagsalubong ng kilay,
batid nila'y mga Enrile ang pakay.
Ano nga ba ang ginawa ng mga Enrile,
Para barili't pasabugin ang isang yate?

Pamilyang Enrile ay labis na nag-aalala,
di malaman saan unang mag-iimbestiga.
Buhay nila'y muling ginulo,
at dito makikilala ang tunay nyang pagkatao.

Sa pagdaan ng mga araw,
kasihayan ay 'di na muling natanaw.
Napalitan ng pangamba at takot,
dahil sa nga pangyayaring di malimot.

Dalawang katauhan ang nagpakilala,
nagngangalang Lovemir at Eerah Anitha.
Eerah'y nagawa ang tunay na pakay,
pinakita kay Pein na siya'y nagtagumpay.

Taguro ay di makapaniwala,
Sa kanyang mga narinig nakita.
Relasyon nila'y kanyang binitawan,
Mga luha niya'y di na napigilan.

Sakit! iyan ang naramdaman,
si Taguro ang lubos na nasaktan.
Tiwala sa nobyo'y biglang nawala,
sumiklab ang galit kay Eerah Anitha.

At Randall ay hindi magkamayaw,
nag-aalala sa kalagayan ng bayaw.
Deib Lohr ay nakita sa puting higaan,
buhay niya'y hinihila ni Kamatayan.

Sensui't Taguro ay naghiwalay,
saya ng mga Rewis biglang sumilay.
Pamilyang Enrile'y muling binulabog,
isang parte ng BIS kanilang pinasabog.

Deib Lohr ay nagsisisi,
Galit at takot ay di na mapawi.
Galit kay Eerah na sumira ng lahat,
takot kay Maxpein ay 'di na masukat.

At dumating nga ang isang araw,
Maxpein Zin ay biglang lumitaw.
Pinaglaban niya ang mga taong mahal,
sa mga traydor na sa kanya ay sagabal.

Wala na ngang dapat patunayan,
sa tunay nilang pagmamahalan.
Ang relasyon ay kanilang naibalik,
yakap at halik ng isa't-isa'y nasasabik.

Pagmamahalang walang kasing saya,
tuluyan na namang nawala.
Labanan ay muling sumiklab,
galit ay labis na nag-aalab.

Rewis, Moon at Enrile'y nagkaharap,
dalawang bata ay kanilang kinidnap.
Mga Echavez ay kanilang dinamay,
sino nga ba sa kanila ang magtatagumpay?

Nag-umpisa ang matinding labanan,
Hwejangnim ay nabiktima ni Kamatayan.
Pangamba ay hindi na maiwasan,
batas kaya nila ay kanyang mapanindigan?

Mga Moon ay 'di maipinta ang galit,
hustisya ay nais nilang makamit.
Ngunit ano ang gagawing nilang aksyon,
pumatay o sundin ang batas ng organisasyon ?

At sa kanilang pagbabalik,
masisilayan ang tunay niyang bagsik.
Masasaksihan ang tunay na pagkatao,
ang pagkatao ng pinakamataas na rango.

Sa pag-uumpisa ng huling laban,
nakita ang ilan sa mga Kaibigan.
Mga Rewis ay hindi makapaniwala,
til namamalikmata sa kanilang mga nakikita.

Galit ni Maxpein ay 'di na natantya,
kapatid ay gusto na niyang makita.
Mga kamay niyang nangangati,
sa puso't isip lamang ang paghihiganti.

Ngunit sa hindi niya inaasahan,
nobyo'y hawak din pala ng kalaban.
Pakiramdam ay 'di na maintindihan,
parang bagyong sinalanta ang kalaban.

Labanan ay biglang sumiklab,
galit ay patuloy na nagliliyab.
ilang buhay ang kanyang kinuha,
at ang batas ay di na alintana.

Ilang Rewis rin ang nawala,
napigil lang siya ng isang pana.
Ina'y mabilis na umagapay,
sa anak na halos mag-agaw buhay.

Taguro ay labis na napuruhan,
kaluluwa'y hinihila na ni Kamatayan.
Pamilya'y di malaman ang gagawin.
hiling nila ay kanyang paggising.

Mga Hukom ay nagsidatingan,
ang hatol ay labos na pinag-iisipan.
Mauwi kaya sa kawalan kanyang buhay?
o pag-ibig kaya nila ang magtatagumpay??

To be Continued ...
간사합니다 😊 ❤️

¤¤¤¤¤¤¤¤ΦΦΦ¤¤¤¤¤¤¤¤

Alam ko naman na hindi sya singganda ng mga gawa ng mga propesyonal na manunulat. Pasensya na po .
Parang awa nyo na, konting respeto at pang-unawa nalang po.

I dont know if you'll like it. But I hope you will. Well!, I just want to share it.

Thank you so much..

Love,
Zayree

HIH: He's Into Her (Poetry)Where stories live. Discover now