HE'S INTO HER 2.0

802 9 0
                                    

This is the 2nd and definitely the last piece I'm going to publish here at Wattpad.

MEDYO
mahaba po sya, medyo lang naman po! 😂 Pasensya na! ❤😊

So yun na nga, just sit back, relax, focus and enjoy as you are about to Land! (mala flight attendant ang dateng, sheeeeeyt! 😂)

Welcome to the world of Wattpad where IMAGINATION is at its FINEST! ❤😘

Love,
Zayree




¤¤¤

HE'S INTO HER 2.0

Sa bawat oras na dumaraan,
interes ko sayo'y nadaragdagan.
Pagbukas palang ng wattpad,
istorya mo agad aking hanap.

ADIK man kung ako'y tawagin,
wag ka!, ika'y susunod na rin.
Bawat salitang aking nababasa,
tila misteryo't puno ng hiwaga.

Maxpein Zin Del Valle Moon,
mata'y kay Deib lang nakatuon.
Tingin sa kanya ay mapanganib,
sa angas ng kilos madaming bumibilib.

Deib Lohr Enrile kanyang ngalan,
kay Maxpein siya'y tinamaan.
SIOPAO sa kanya'y unang bansag,
kalauna'y SENSUI ang naging tawag.

Unang araw palang ng eskwela,
biglang sumiklab ang isang gera.
Isang tinging nagmula kay Taguro,
nainis ang Sensui'ng takaw sa gulo.

Nagsimula sa matinding iritasyon,
buhay nila'y puno ng aksyon.
Di natapos na asara't gantihan,
nadamay sa gulo sariling paaralan.

Araw, Linggo ang dumaan,
damdami'y nabago ng biglaan.
Sensui'y di na nakailag,
Kay Maxpein siya'y nabihag.

Taguro'y hindi makapaniwala,
sa narinig siya'y natulala.
Isang Enrile sakanya'y nagtapat,
sa isip niya ito'y di nararapat.

Nag-umpisa sa isang pustahan,
ang kanilang pag-iibigan.
Sa pustahang si Deib ang nagwagi,
na abot tenga kung siya'y ngumiti.

Maxpein Zin biglang natulala,
pagsibol sa damdami'y biglang nadama.
Subalit agaran din itong nabura,
nang ngumawa na ang binata.

Pumayag sa isang kasunduan,
Kasunduang dapat sundin at ingatan.
Si Taguro'y may sariling batas,
sinumang lumabag ay walang takas.

Buwan ay mabilis na lumipas,
pagmamahalan nila'y walang kupas.
Magkahalong kilig at saya,
Sa kanilang mga mata ito'y makikita.

Ngunit isang araw ito'y nagbago,
nasaktan ang kanyang Taguro.
Kay Sensui siya'y lumayo,
upang hanapin ang tunay na pagkatao.

At mula sa kanyang paglayo,
ngiti ng Sensui ay biglang naglaho.
Napalitan ng lungkot at hinagpis,
luha sa mga mata'y di na mapalis.

Sa kabilang banda, siya'y nalulungkot,
mga tawag ng nobyo'y di sinasagot.
Pinapakinggan ang bawat tanong,
at sa sulat siya ay tumutugon.

Ilang buwan din ang lumipas,
siya'y nagbabalik na sa wakas.
Sa pagtatapos ng kanyang nobyo,
nagpakita ang hambog na si Taguro.

At sa kanyang pagbabalik,
hiling ng nobyo ay isang halik.
Halik na kaytagal nyang hinintay,
sa nobyang ilang buwang nawalay.

Maxpein bumuo ng isang plano,
ang suyuin ang nagmamaktol na nobyo.
Plano'y isang linggong bakasyon,
upang ayusin ang kanilang relasyon.

Ngunit ang Enrile'y hindi maintindihan,
pagkainis sa nobya'y hindi maiwasan.
Taguro ay labis niyang nasaktan,
sama ng loob ay hindi na maibsan.

At siya'y bumuo din ng isang plano,
ang suyuin ang mahal niyang Taguro.
At sa tulong ng kanilang mga kaibigan,
naayos muli ang kanilang samahan.

Salamat sa magandang okasyon,
tumibay muli ang kanilang relasyon.
Buhay nila'y muling sumaya,
ito'y ramdam sa piling ng isa't-isa.

Maxpein at Randall ay nagkasama,
planong kasal para kay Dein ang sorpresa,
Ang lahat ay labis na namangha,
natunghayan ang totoong ganda ng isla.

Ngunit sa hindi malamang dahilan,
isang engkwentro ang nangyari sa Palawan.
Mga Moon ay napuno ang pagkalito,
papaanong may nakapasok sa isla nilang Pribado ??


TBC....

HIH: He's Into Her (Poetry)Where stories live. Discover now