.1.

5.7K 63 1
                                    


Sequel's Prologue(in the making)

Lahat ng bagay na nangyayari sa'yo ay itinadhana talagang mangayari.


Ultimong pagkadapa mo sa harapan ng crush mo, Talagang nakatadhanang mangyari yan.


Lahat rin ng bagay na nangyari sa'yo ay may mga dahilan.


Masama man yan o mabuti.


Lahat rin ng bagay na nangyari sa'yo ay may iba't ibang epekto sa pagkatao mo.


Minsan, sa kasamaang palad ay masama ang nagiging epekto ng mga pangyayaring ito sa pagkatao mo.


Minsan rin, ang mga pangyayaring ito ang nagiging dahilan ng pagiging mas matibay at matapang mo,


tulad na lamang ng nangyari sa akin.


Ang mga pangayayaring iyon ang naging dahilan ng pagiging mas matatag ko. Mas pinatapang ako ng mga pangyayaring iyon. Maaring nasira ako sa panandaliang panahon nang maranasan ko lahat ng iyon, Pero mas naging buo na ako ngayon.


Pero...


Paano kung tulad na lamang ng sinabi ko kani kanina lang ay...Lahat ng nangyayari sa'kin ay may kaakibat na rason o dahilan?


Baka kapag nalaman ko ang rason na iyon ay ikasira muli ito ng pagkatao ko.


Siguro nga lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay pakana lahat ni tadhana.


Unlucky I'm just a victim of destiny---Well let me rephrase that.


We're just VICTIMS OF DESTINY 



W A I T I N G (oneshot)Where stories live. Discover now