Chapter 2

320K 5K 296
                                    

Chapter 2

I'm happy preparing the table for us. Today is our wedding monthsarry!!!! I texted him 2 hours ago that I prepare a dinner date for us tonight. And surprisingly, he said YES! Ang saya saya ko dahil for the first time pumayag siyang sumabay sa akin kumain at di lang basta sabay, ito ang gabi naming dalawa. I can't express what I really feel tonight! This is beyond happiness.

Dali-dali akong inayos ang mga kandila na nakapalibot sa table namin. May mga flowers pa. Parang ako ang lalaki sa aming dalawa.

Napangiti ako, di lang lalaki ang may kakayahang gumawa ng romantic dinner date para sa babae. Sa totoo lang, ito ang gusto kung date na ihanda sa akin. Yun bang romantic na talagang wala kang masabi at magawa kundi humanga sa lugar.

Napahinto ako sa pagmunimuni ng marinig ko ang busina mula dito sa garden. Dali dali akong tumakto papasok ng bahay at nang malapit na ako sa pinto ay huminto ako at inayos ang damit at buhok ko.

Kailangan ko mag mukhang presentable ngayon dahil ito ang unang pagkakataon na pumayag siya sa gusto ko. This is the first time! A F*CKING FIRST TIME!!!!!

Oh Jesus! Inhale Maddison. Inhale. Exhale. Hooooo! Dahan dahan akong lumabas ng pinto at nakita ko ang asawa ko na nag papark ng kotse sa garahe. His appearance made me stopped from breathing. He utterly perfect! A perfect man! A perfect husband! --- with a worthless wife. A worthless woman. Napayuko ako sa aking naisip. Arrrggg, 'Ano ka ba Maddison!? Ngayon ka pa ba aayaw na chance mo na to!

A damn chance!

Napansin nya yata ako sa pinto kaya tumingin siya sa akin. Ngumiti ako pero di niya ako ginantihan ng ngiti. Seryoso parin ang mukha nito gaya ng dati. Bilang lang yata sa daliri ng isang kamay ng makita ko itong ngumiti at yun ay yung sandaling magkasama sila ni Allyson.

Nagulat ako ng malapit na pala si Austin sa akin. Gad! anong gagawin ko? Babatiin ko ba siya? Sasabihan ng 'Hi honey! How's work?' Pweeee.. kung tulad lang sana kami ng ibang mag asawa malamang ginawa ko na yun pero may kung anong pumipigil sa akin na maging malandi pag anjan na siya sa harap.

Parang lumukso ang puso ko ng hinalikan niya ang noo ko at bumulong ng 'I want coffee.' Nung una nawala talaga ako sa katinuan ko. GAD! He kissed me! The man I really love kissed me! He kissed me! Pero bago ako magpa gulong gulong sa sahig at mag tatatalon sa kilig ay sumigaw na si Austin! Very sweet, right? (Insert sarcasm)

Hinanda ko na ang coffee niya, sinarapan ko talaga ang timpla para di siya mainis at di masira ang mood niya. Ayaw ko namang sirain ang gabi namin nato. Napatingin ako sa orasan, 8pm na. Malamang gutom at pagod na ang asawa ko. Nyaaaa.. Asawa ko talaga.

"Ahmm.. Austin, pagod ka ba? Nagabihan ka yata? Kasi ano--"

"I had a board meeting kanina so ibig sabihin pagod ako." seryosong sagot nito.

"Ganun ba? Ahmm, nagugutom ka na ba? Nag handa ako ng pagkain jan.. alam mo naman diba na--" di niya ulit ako pinatapos.

"Tapos na akong kumain kanina sa meeting!" sagot nito.

"Pero--pero--nag handa ako ng dinner natin.. Diba sabi mo --sabi mo kanina-- sabay tayong kakain.. Dba--" halos mapaiyak na ako sa harap nya. Maayos naman yung usapan namin kanina ah, ang saya ko pa nga na pumayag siya.

"Stop being childish Maddison! Kumain sila kanina sa office alangan naman tumunganga lang ako at hintayin na matapos sila?! Jesus! You're acting like a child again!"

The Destroyed Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon