Chapter 1

447K 5.8K 506
                                    


Chapter 1: The Beginning

* Maddison POV *

Nagliligpit ako ng pinagkainan ko ng dumating ang asawa ko. Pumunta ako sa harap ng pinto para salubungin siya pero ng makita ko siya, may kasama na naman siyang babae.

'Ano na naman bang bago dun?' Pumasok sila sa loob ng bahay na parang walang nakita. Pumasok sila sa guest room. Gusto kung mag wala at manakit ng tao pero di ko magawa. May kung anong pumipilit sa kalooblooban ko.

Dalawang Taon na akong kasal sa kasintahan ng bestfriend ko. Sa totoo lang sila dapat ang ikakasal at sila ang nag mamahalan pero umiksena ako. Umiksena ang pamilya namin para paglayuin ang dalawa kaya hanggang ngayon hindi ako matanggap ng buo ni Austin Chase Ford. Siya ang asawa ko.

Bata palang kami mahal ko na sya. Dati palang pinagkasundo na sila ng bestfriend ko. Ang totoo nyan sobrang saya ko ng nalugi ang kompanya nila Allyson at napagdesisyonan na kami nalang ang ikasal. Sobrang saya ko nun. Pero kapalit naman ng nasira ko ay ang kaligayahan ko na mahalin ako ng lalaking mahal ko.

May dalawa na pala akong nasira. Dalawang tao na nagmahal ng lumampas ng isang dekada.

Akala ko pag nakasal na kami magiging akin na siya pero mali ako. Maling mali ako. Lagi siyang nag dadala ng babae dito. Lage siyang nakikipaglandian sa harap ko. Akala ko magiging masaya na ako dahil nag hiwalay na sila pero mali ako. Mali ang naging desisyon ko.

Napailing akong bumalik sa kusina. I'm fresh graduate from the elites school, pero wala akong trabaho. Sabi rin kasi ng pamilya namin na kaya naman daw akong buhayin ni Austin kaya okay lang kahit sa bahay na ako. Simula ng kinasal kami wala akong ibang ginawa kundi pag silbihan siya kahit na binabalewala niya naman ako.

Paakyat na ako sa taas ng marinig ko ang malanding ungol ng babae. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Hanggang kailan ko to makakayanan? Hanggang kailan ako magpapakatanga? Napaupo ako sa harap ng pinto. Rinig na rinig ko sila sa loob.

'Bakit Austin? Andito naman ako. Pwede namang ako. Bakit kailangan mo pang pumulot sa tabi-tabi jan at pabayaan ako?! Ako na asawa mo?' Tahimik lang akong umiiyak hanggang tumigil na ang maa empernong tunog sa loob ng silid. Dahan dahan akong tumayo at pinihit ang doorknob ng kwarto namin ng marinig kung biglang bumukas ang pinto sa likod ko.

Dahan dahan akong humarap sa likod ko at mas dumoble pa ang sakit ng maramdaman ko sa nakita ko. Naka boxer lang ang asawa ko at may naiwan pang mga chikinini sa leeg at sa ibang parte ng katawan niya. Gusto kong sumbatan ito pero parang nalunok ko ang saliri kong dila at piniling yumuko nalang ng mahalatang naka ngiti siya na halata namang nasiyahan sa ginawang ritwal kasama ang ibang babae sa loob ng silid.

Pakiramdam ko ay para akong sinasaksak, pero sana nga sinasaksak nalang ako kesa makita ang kalandian nila. Parang hinahati ang puso ko sa bawat araw na ginagawa to ni Austin. Marahas akong tinulak ni Austin at pumasok ito sa kwarto namin. Tiningnan ko lang siya at hindi nag salita. Sinundan ko siya sa loob at malungkot na nakatingin sa kanya.

''You know what? She's good in bed! She utterly SL*T! Like you!'' maanghang na sabi niya. Di na ako sumagot. yun naman ang tingin niya sa akin. Hinusgahan niya ako. Alam ko naman kung bakit siya ganun, kasalanan ko rin. Umupo ako sa dulo ng kama at tiningnan siya na nag bibihis. Normal lang to sa amin. Kahit mag bihis siya sa harapan ko okay lang.

"I really hate your smell! It's suffocates me! Leave this room." sabi niya sa akin.

"Pero sa-saan ako matutulog? Tabi tayong ma-matulog Austin." Di siya sumagot at tiningnan ako na parang nandidiri at lumabas ng kwarto. Ganun siya lage, diring diri siya sa akin. Mula ng gabing yun.

The Destroyed Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon