Chapter 16: Mistaken

1.1K 11 4
                                    

KATH

"Oy! Sige na. Kwento ka na dali." Ani Aria. Nagmamakaawa siya habang inaalog alog ako. Andito kami ngayon sa PFA. Nagsimula na talaga ang klase namin para sa art school na ito. Nung nakaraan ay orientation palang. Mahigit isang buwan lang din naman ito kaya pwede pa kami magcelebrate ng totoong summer pagkatapos.

"Ayoko nga. Atska wala naman nangyare eh." Masungit na sabi ko. Binuksan ko ang chips at nilapag sa gitna ng table. Break time kasi kaya tambay muna kami dito sa canteen.

Kasama ko si Aria, EJ at Khalil. Sila Julia at Neil may klase. Nagkahiwalay hiwalay din kami nang pinagpili kami kung ano gusto namin pag-aralan. Napili namin ni EJ ang photography katulad nang lagi pinipili ni Aria sa tuwing may ganito sa school nila. Ayaw naman ni kuya Neil ang mangalikot at pagaralan ang camera kaya sa modeling nalang siya sumali. Tutal madaling gawain naman daw yun para sa kanya. Buti nalang at kasama niya dun si Julia para may naghihila sa kanya kasi panigurado kung wala yun kakilala sa klase mas tatamarin siya pumasok. Ayun nga lang, magkaiba kami ng break time kaya tuwing umaga at uwian lang kami nagkakasama. Ewan ko ba kung bakit andito itong si Khalil wala din siguro silang klase ngayon. Hiwalay kasi kami sa kanila. Ang FF kasi may sarili daw room dito. Yung room na yun para sa kanila lang tatlo/apat at prof ang lumalapit sa kanila unlike sa amin, kami yung papalit palit ng room. Pagkadaya lang din
ng sistema dito. Porket mga mayayaman sila? I dahil pamilya ni Daniel ang may ari nito kaya nakapagrequest siya ng ganun? Hindi na ko magdadalawang isip kung ayun na nga ang rason.

"Weh! Anong wala ka dyan. Impossible naman yun." Bahagya siya tumawa. Kinukukit kulit niya ako sa tabi ko habang panay kuha ng chips. Napakusot ang kilay ko sa kanya pero nangiti. Kapal sin pala ng mukha nito? Nakikichismis na nga, nakikikain pa!

"Wala naman talaga." Nagkapit balikat ako at kumuha na rin ng chips. Tinawanan ko lang si Aria na ngununguso sa akin ngayon. Hindi ko aakalain na may pagka-isip bata pala ito! Mukha na nga siya bata pati parin pala ugali. Kaloka!

Napa-iling ako. Kung alam lang niya na kontrata lang ito siguro hindi siya magiisip kung may nangyare ba sa amin o wala. Alam ko sila EJ at Khalil may alam kaya nanahimik at hindi magawa pagpilitan ako magkwento sa nangyari.

"Sige na kasi Kath! Magkwento ka na" Napangiwi ako kay Aria. Akala ko pa naman titigil na ito, hindi papala!

Ano ba kukwento ko? Yung bangayan namin dalawa? Yung nagaway kami sa kama kaya napunta ako sa balcony? Kahihiyan ko yun baka pagtawanan pa ko nito mga ito kaya hindi talaga ako magkukwento!

Ewan ko ba kung maiinis ako dito kay Aria sa pangungulit niya sa akin o hindi eh. Ang cute niya tignan, parang bata na nagmamakaawa sa nanay na bigyan siya ng pera.

"Ayoko nga. Kulit mo ano?" Tumawa ako. "Atska isa pa, private kaya yun."

Natawa lang naman si EJ sa sinabi ko. May point naman kasi ako.

"Oo nga naman Aria. Tigilan mo na si Kath nako kahit anong pilit mo dyan wala ka makukuha!" Aniya. Hindi niya kami nilingon dahil busy siya sa kung ano man ang nilalaro niya sa kanyang phone.

"Huh? Bakit naman?" Pagtataka ni Aria. Napatingin ako sa kanya pero agad din napabaling kay EJ ang tingin ko. Naghihintay ng sasabihin niya habang ningunguya ko ang chips sa aking bibig.

Subukan niya magsabi ng masama sa akin, idudura ko itong kinakain ko sa kanya!

"Kathryn yan eh. Kapag ayaw niya sabihin, hindi talaga niya yan sasabihin kahit na magpakamatay ka pa o lumuhod sa harap niya pagayaw niya ayaw niya talaga."

Tumingin sa akin si Aria na may halong pagkadismaya sa mukha. Well, hindi ko naman masabi hindi totoo ang sinabi ni EJ. Ganun naman talaga ako. He knows me well.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon