Nine

152K 3.5K 157
                                    

Dumating ang lunch break....

Nag simula kami ni Joanne na mag lakad papuntang canteen. Nakasimangot pa din siya until now sa 'di ko malamang dahilan. Ayaw pa din kasi niyang mag kwento.

Nang makarating kami ng canteen, kung anong i-ni-order namin kahapon ganun pa din ngayon tsaka kami umupo para masimulan ang pagkain.

Hindi pa man kami nag sisimulang kumain, may lumapit agad sa'min at si Ian 'yun kasama 'yung ka-trabaho niya. 'Di ko tuloy maiwasang isipin 'yung tungkol sa pag hingi niya ng number ko kay Maj. Ano kayang dinahilan ni Maj sa kanya para 'di niya maibigay number ko?

"Hi, ladies... pwede ba kaming maki-upo?" Ian asked, smiling.

Nagkatinginan lang kami ni Joanne. Actually tumingin ako sa kanya para iparating kung ayos lang sa kanya na dito maki-upo 'tong mga 'to. Mukhang na gets naman niya 'yung sinabi ko kasi tumango siya sa'kin.

"Sige maupo kayo." Sagot ko sa sinabi ni Ian.

"By the way this is Benjie, ka-trabaho ko." Pagpapakilala niya dun sa lalakeng kasama niya.

Inabot niya 'yung kamay niya sa'min para makipag shake hands. Inabot naman namin 'yun para 'di niya isipin na snobers kami. "I'm Amber." Pagpapakilala ko.

"Joanne." Pagpapakilala naman ni Joanne sa kanya.

"Sige, o-order lang muna kami." Pagkaalis niya sakto namang nag ring 'yung cellphone ko.

Tinignan ko kung sino 'yung tumatawag at nakita kong 'yung asawa ko 'yun kaya dali-dali ko 'tong sinagot.

"Hello baby?"

"Baby, pinayagan na din ako ng Boss ko na mag leave. Tuloy na tayo sa pag punta ng Batangas." Pagbabalita niya na lalong nag pa-excite sa'kin.

"Really baby? Oh gosh! Excited na 'kong umuwi at ipaalam 'to kay Majah."

"Tingin mo makakasama siyang umuwi?"

"I don't know. Ayos lang bang pumunta tayo ng Apartment mamaya para tanungin siya kung sasama siya sa'tin sa Batangas?"

"Yah! Ayos lang sa'kin."

"Okay, mamaya nalang kakain na 'ko eh."

"Sige. Magpakabusog ka baby, mahal kita."

"Mahal din kita baby." Ibinaba na niya 'yung tawag sakto naman na bumalik sila Ian sa same table kung nasaan kami at naki-upo.

"Asawa mo ba 'yung kausap mo kanina?" Tanong niya.

"Yup." Matipid kong sabi sabay ngiti.

"Narinig kong binanggit mo 'yung Batangas, uuwi kayo?"

"Yup." Matipid ko ulit na sagot. Ewan ko ba, siguro dahil sa mga pagseselos ng asawa ko kaya feeling ko hindi na 'ko komportableng kausapin si Ian. Nakakainis dahil nararamdaman ko 'to! Ayaw ko nito kaya dapat mabura 'to!

"Mmm."

Habang busy ang lahat sa pagkain namin, si Joanne ang unang natapos. Tumayo siya para kumuha siguro ng tubig. Naramdaman ko naman ang pagsiko ni Ian sa'kin kaya naibaling ko 'yung tingin ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hmm... 'yung katrabaho mo, may number ka niya?"

"Si Joanne? Oo meron, bakit?"

"Wala hingiin ko sana." Aba't akalain mo nga naman oh! Sabi na eh. Walang dapat pagselosan si Damon kay Ian, tignan mo nga mukhang trip pang pormahan si Joanne. Haha! Ayos 'to! Masubukan ngang maging tulay.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now