Chapter 2

16 1 1
                                    

Maxine's POV

Nakakatamad. Nakakabored anubayan wala na akong magawa.Tatlong oras nakong nakaupo at nanonood ng tv.

1 na rin pala di ko namalayan yung oras makakuha nga muna ng pagkain sa ref.

Habang nakain ako ng kanin at adobo ay nagtext si Lyne "Uy max magayos ka na susunduin ka namin ni Mica dyan nanalo daw sina Paul kaya magcecelebrate tayo"

'Talaga?! so it means na bati na kayo? anong oras kayo pupunta dito?

'On the way na kami beshy ;) at NO were still not okay -__-'

Hindi pa rin sila bati. Grabe first time nilang magaway ng matagal

'Agad agad?!'

'Yap'

Ang bilis naman nung mga yun otw na agad anubayan. Nagmamadali tuloy akong umakyat at nagpalit ng damit.

Si lyne at mica bestfriends ko since first year highschool. Si lyne girlfriend ni kuya paul. yass my sister in law in the future lol.
Si mica girlfriend naman ni james. nako lahat ng kaibigan ko may jowa ako wala. pero kahit na mas masaya pag single ka walang pinoproblema kung di ang sarili lang.

halata bang may pagkabitter?
kasi naman kung di dahil sa manloloko kong ex eh di sana di ako nagkakaganito ngayon pagdating sa love.

Naalala ko pa nun first year anniv namin tapos sabi niya maghintay lang ako sa favorite place namin. Nagintay ako ng ilang minutes tapos nagikot ikot muna ko hanggang sa makita ko sila ng ex niya magkasama naghahalikan. Di ko alam gagawin ko nun basta alam ko lang halong inis galit at pagtataka ang nararamdan ko.To make this story short nakipagbreak siya sa akin kasi he  love his ex girlfriend more than he loves me.

Iyak ako ng iyak nun. Ilang araw ko rin iniyakan yung manlolokong yun. Pero natouch naman ako kina james kasi ramdam na ramdam ko na prinsesa ako nun , sobrang nagalit sina kuya paul take  kasama si bryan yung unggoy na lagi akong iniinis naging concern sa kin at pinagtanggol pa ko sa ex ko.

Paano ba naman tinuruan nina  kuya paul,bryan,lester,james,at jacob ng lesson si ex.Pero di nila binugbog ha. Sabi lang nina bryan na natuto na raw si ex.Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong ginawa nila eh  hanggang ngayon kasi ayaw nilang sabihin kung ano yun.

'Max...Max..Max...' nagbibihis pa lang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya naman dali dali kong tinakpan ang katawan ko.

'Shit dont you know how to knock?!'  sigaw ko kina mica

'Sorry Kasi naman ang tagal mo'

'Biglaan kasi text niyo tapos otw na pala kayo'

'Hahaa sorry na biglaan kasi text ni james sa akin na magcecelebrate daw'

nakaalis na kami ng bahay ng biglang sabi ni lyne na sa Amethyst Rooftop na lang daw magkitakita

pagdating namin sa Amethyst  sumakay kami ng elevator papunta sa rooftop.

Amethyst Rooftop ang pinaka kilalalang bar dito sa Laguna.

Bakit? Simple lang may isang napakagandang Rooftop Bar sila. Inshort may bar sa rooftop ng bar nila.. With that rooftop bar of amethyst may pool rin at napakakaibang bar talaga.

pagkadating namin sa rooftop maririnig mo na agad ang malakas na tugtugan at hiyawan

'Yessss This is life' Sigaw ni lyne

'Let's Party Guys' sigaw naman ni micah

'Tara hanapin muna natin sila'

'Wait lang max kumuha muna tayo ng Tequillia'

'Tara'

Can't stop the feeling
Nothing i can dance dance

Sumasataw kami habang papunta kung nasaan ang bartender.

'Kuya tatlo nga pong tequilia'

Cant stop the feeling

'No kuya wag mo silang bigyan'

pagtingin ko sa nagsalita si kuya paul.. hala patay ayaw pa naman kaming payagan ni kiya paul ng uminom ng uminom

isip ng palusot maxine isip isip aha sasabihin ko nalang na si lyne ang nagyaya para lusot na agad.Tama tama di naman kayang tiisin si lyne eh lalo na ngayon na on war sila.

bwahaha talino mo talaga Maxine. Matalino na maganda pa

walang nagsalita sa amin at nakataas ang kilay ni kuya paul.hihihi ang cute ni kuya kaya naman ako na ang nagsalita

'Kuya si lyne talaga may kasalanan siya nagsabi na shot daw muna kami'

'Ako?!' gulat na gulat si lyne

Laughtrip mukha niya eh di mo maipinta hahaha di mo alam kung naiinis o nagtataka lt eh

'Oo di ba micah?'

tinitigan ko si micah at mukhang naintindihan naman niya ito

'Oo kaya'

naguguluhan pa rin siya kaya nama tinitigan at sinenyasan namin siya na makisakay na lang siya habang sa kanya nakatingin si kuya paul.

'Totoo ba yun cutie?'

'Oo eh bakit ba?'

'Lyne we need to talk' patay na

'Di na kailangan'

'Galit ka pa rin ba?'

Tapos ay umalis si lyne pero hinabol siya ni kuya at hinila siya

'Magkakaayos na rin sa wakas'

'Tama ka micah tagal din nilang di nagpansinan noh?'

'Kuya paul mo naman kasi'

'Tara na Let's party!'sigaw ko at hinila siya papunta sa gitna sakto naman na nakita namin sina bryan na nagsasayaw

              ----------------------------

Next Chapter about sa tampuhan ni Kuya Paul at ni Cutie😉

Sila muna ang magpapakilig.Kaya baka mahaba haba ang POV ni ..😉

Thanks Guyss 💕💕

                                       ~Lie3le

Identity of LoveWhere stories live. Discover now