Sneak Peek

17 0 0
                                    

Maxine's Pov

Lagi kaming nag aaway dati. Hindi pwedeng hindi kami magaaway pag nagkikita kami palagi. Ganyan nagsimula ang love story namin ni Bryan.

Natatawa pa rin ako kapag naiisip ko kung paano nadevelop ang feelings naming dalawa. Totoo nga yung sabi nila 'The More You Hate The More You Love' Kami ung hindi mo aakalain na magkakatuluyan.

'Max.. Max.. Maxine...' sigaw ni bryan

'Saglit lang'

hmm ano kayang ginagawa ni bryan dito. Alam ko may lakad siya eh.

'Oh bat nandito ka akala ko ba ngayon kayo magkikita ng nanay m-' hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya ko niyakap.

'A-ano bang nangyari?'

'Maxine let's talk' seryoso ung tono ng boses niya

'Si-sige ano ba yun'

shet bat ganito ang nararamdaman ko. kinakabahan ako na ewan. arghhh ayoko ng nakakaramdam ng ganitong feeling

'Doon tayo sa may garden niyo magusap.'

Naglakad kami papuntang garden ng tahimik at umupo. Bat ganun tungkol saan ba ang paguusapan namin. Bakit ba sobrang seryoso niya ngayon.

'Max alam mo naman na mahal na mahal kita di ba?' pagsisimula niya tapos tumango lang ako

'Pero we need to break up'

Parang gumuho ang buong mundo sa narinig ko.

' Huh? ano yun bryan tama ba ung narinig ko?' tutulo na ang luha ko sa natinig ko pero pinipigilan ko

'Oo maxine tama ka sa narinig mo let's end this relationship'

Wala pa rin akong maintindihan sa mga nangyayari. pero Break?!

'Bakit bryan?! Bakit?!' ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa wakas tumulo na

'Basta maxine.  Siguro malalaman mo rin kung bakit.'

'ABNORMAL KA BA HA MAY NALALAMAN KA PANG PA SIGYRI DYAN HA BAKIT BA GUSTO MO NG MAKIPAGBREAK DI MO NA BA KO MAHAL?' sigaw ko sa kanya habang patuloy na umiiyak

'Mahal kita max.'

'Mahal? eh bakit ka makikipagbreak?'

'Basta' nakakaasar na talaga

'PWEDE BA WAG MO NA KONG LOKOHIN HA'

'Ano bang gusto mong sabihin ko?'

'Kung mahal mo pa ko bakit makikipagbreak ka?'

'Mahal kita pero may mas mahal na akong iba'

Mas napaiyak ako sa sinabi niya. Ang sakit ang sakit sakit.

'Sorry maxine. Goodbye' tumayo na siya at naglakad palabas

Bryan's Pov

Umalis na agad ako hindi ko na kayang makita pa siya na umiiyak. Nasasaktan lang ako pag nakikita siyang umiiyak.
Mahal ko siya pero kailangan kong makipaghiwalay.

Hayaan niyo muna akong magpaliwanag.

Lumaki ako ng walang ina.Walang pictures contact o kahyit ano. Ang alam ko lang sobrang complicated ng lahat.

Hanggang sa nakipagkita kami ng tatay ko sa nanay ko. Akala ko magiging masaya ako dahil makikita ko na ang nanay ko. Pero matagal ko na palang nakikita at nakakausap ang nanay ko. Dahil ang nanay ko ay ang nanay din ni maxine.

'Isa pa ngang beer'

'Yes sir'

Bat ganun? Bakit siya pa? Sa dinamirami ng nanay sa mundo bakit siy pa, mas gugustuhin ko pa na wala na lang akong nanay.

Sana hindi ko na lang siya nakilala di bale ng walang nanay basta nakakasama at nahahawakan ko si maxine, yun lang sapat na.

Identity of LoveWhere stories live. Discover now