7th Turn: We Make War (part II)

25 2 0
                                    

Zarren's POV

"Ah... shit!" Napakapahawak agad ako sa noo ng makaramdam ako ng sakit doon. Asan ba ako? Bakit ako nasa clinic? Hinaplos haplos ko yung noo ko, kaso nakaramdam ako ng hapdi ng mahawakan ko ang parteng nakaumbok dun.. a-ano toh? Bukol? Ah bukol lang pala. Makatulog na nga lang ulit, nahihilo pa ako.

"Bukol?" Napabalikwas ako ng bangon sa gulat. Bakit ako may bukol?

---

Kenny's POV

Puting kisame? Minulatmulat ko ang mga mata ko. Bakit ako nandito? Napahawak ako sa noo ng makaramdam ako na may sumasakit. Aray, bakit ako may bukol? Paano ko nakuha toh? Naisip kong pumikit ulit. Pero agad din akong napabalikwas ng bangon.

"Bukol!" Siya ang may kagagawan nito!

---

Maira's POV

"Anong meron dun sa dalawa at nagbatuhan ng sapatos?" Tanong ni Dexter kay Asher.

"Baka way of greeting nila yun?" Sagit naman nito sabay pag aayos sa salamin na kanyang suot.

"Haha, grabe namang way of greeting yun! Pamatay.!" Ani naman ni Vince, isa rin sa mga players ng BP.

Nandito kami ngayon sa may waiting area sa labas ng clinic, kumpleto ang team ng BP. Dito namin dinala sina Kenny at Zarren matapos ang insidente na nangyari sa gym, mga one hour na  kami dito, sabi kasi ng school nurse kanina samin eh hindi pa rin daw sila nagigising. Grabe nga eh, nabato lang bg sapatos ang tagal pa magising kala mo bato yung tumama sa kanila eh. Pero, bakit kaya nila ginawa yun? Magkakilala nga talaga sila? Kung ganun ang sweet naman nila hahaha. Ganun din kaya ang gawin ko kay Denmark my loves haha malay natin maalog utak nun at mahalin ako agad agad haha pero syempre joke lang yun.

"Maira, nga pala. Naglunch ka na ba?Baka kasi hindi ka pa nakain? Gusto mo samahan kita sa canteen? Bitbit ko yung isang lunch box ng pagkain na prinipare mo sa amin." Worried na tanong sa akin ni Jasper.

"Naku. Okay lang ako, busog na ako ng nakita kong kinakain niyo yung hinanda ko para sa inyo. Tsaka alam mo na nung kakainin dapat ni DA yung ginataang ginawa ko. Hihihi kahit di nga lang niya natikman solve na ako best." Sagot ko kay Jasper na may matching kilig kilig pa pero syempre yung medyo calm lang nakakahiya naman pag namalana epilepsi ako dito sa kilig hihihi.

"Psh... Denmark na naman" Bulong ni Jasper na hindi ko naman naintindihan.

"Ano yun best?" Tanong ko sabay hawak dun sa dulo ng manggas ng unifom niya.

"Wa-wala" Sabi niya sabay tanggal niya sa pagkakahawak ko sa manggas niya. Anong nangyari dito?

"Papatayin kitaaaaaa!!"

Halos napapitlag kaming lahat sa sigaw na narinig namin sa loob ng clinic.

Agad agad naman kaming pumasok sa loob.

"Anong nangyari?" Halos sabay sabay na sabi naming lahat. At ganun na lamang ang gulat namin ng makita namin na nagbabatuhan na naman sina Kenny at Zarren. Unan na nga lang. 

"Papatayin kitaaa. Seryoso ako!" Sigaw ni Zarren kay Kenny. Bakas sa mukha nito ang galit.

"Uunahan na kitang manyak ka!" Sigaw naman ni Kenny pabalik kay Zarren at binato ito ng unan.

"Oy oy pre. Tama na yan babae yan" Pigil ni Dexter kah Mike ng akmang susugod papunta sa kama ni Kenny.

"Pucha pare bitiwan mo ko. Pagbabayarin ko lang tong babaeng toh"

I Turn the Wheel (on Hold)Where stories live. Discover now