1st Turn: Kapirasong Papel

58 2 0
                                    

Once in a while, right in the middle

of ordinary life, LOVE gives us a

FAIRYTALE.

=====================================

"Fast break na Pre"

"2 minutes na lang"

"Di ko akalaing makakahabol pa yung kalaban nila"

"Tsamba lang yan, tatambakan ulit sila ng BP!"

"Go Dexter!" 

"Go Zarren my love"

"Jasper baby! Kaya mo yan!"

"I LOVE YOU Denmark Arthur Mendoza" Yey!, tapos na akong isulat sa kalahati ng bondpaper ang pangalan niya with matching i-love-you pa.

Hihihi landi lang, wala eh, crush ko yun eh.

Kasalukuyan akong nasa covered gymnasium ng campus namin, at nanunuod ng basketball championship competition ng Blazing Phoenix laban sa Raging Tigers.

Nakaupo ako sa bleachers, sa part kung saan malapitan kong masisilayan ang aking si Denmark. yup, crush ko siya, simula nung tumuntong ako sa campus na ito ay dala ko na ang damdaming ito para sa kanya.

Madalas ko kasi siyang nakikita sa subdivision kung san ako nakatira, na kung san din siya nakatira, at ng malaman ko na dito pala siya napasok sa Rowan Academy, ay ganun na lamang ang laki ng kagalakan na nadama ko sa aking puso.

Tinatanong niyo ba kung paano ko siya naging crush? Ganito kasi yun...

FLASHBACK...

"Hala!, gabi na, wala pa ako sa bahay, malalagot ako nito kay mama eh"

Naman! Dapat talaga di na lang ako sumama sa mga yun, napagtripan lang ako eh, lage na lang akong binubully ng mga yun, asar lang huh!

Mayamaya, mayroon akong narinig ng di ko inaasahan, nako! Lagot na! Takbo Maira! Nasa mapanganib kang lugar!

Takbo!Takbo!Takbo!

Kaso mayamaya, may naramdaman na lang akong may kakaibang nilalang that touch may shoulders! 

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH"

Opo! Sumigaw ako ng pagkalakaslakas at umiiyak na ako sa takot!

Mayamaya pa'y may isang lalaking nakatayo na sa harapan ko, at naramdaman ko na wala ng kakaibang nilalang na kanina'y pakiramdam ko ay nasa balikat ko.

I'm saved, thanks to him, kungdi baka namatay na ako!

"Thank you"

^____________________________^ wide smile.

Napatingin ako dun sa lalaki huh, and OHLALALALA, ang WAFUU, ulam na ulam, este lalaking lalaki ang dating niya.

"Tss, palaka lang napasigaw ka ng ganun? What a chicken loser!"

Sabay umalis na siya.

Ang taray naman nito, pero

dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug

ang tibok ng puso ko sa kanya, napakabilis alam niyo yun?

Hay, I CRUSH YOU na!!

I Turn the Wheel (on Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon