Chapter 6

22.6K 131 15
                                    

Eric’s POV

Alam kong kilala niyo na ako. Pero due to public demand, papakilala pa ako. Hohoho. >:D Ako nga pala si Eric Lee. Half-Filipino, Half-Korean. Simula nung ipanganak ako, dito na ako sa Pilipinas lumaki. One thing that I still can’t accept, the separation of my parents. Yun din yung reason kung bakit hindi pa ako nakakapunta sa Korea. Ma won’t let me visit that country kasi naaalala niya si Pa. Lumaki ako na araw araw sigawan at batuhan ng gamit ang naririnig at nakikita ko at ngayon, ito, nung 7 years old ako, nagdecide na sila mahiwalay. Nung mga oras na yun, akala ko, kaya na namin ni Ma mabuhay na kaming dalawa na lang kaso may bagong lalaki na dumating at minahal ni Ma. Hindi ko tanggap yun kasi mas gusto ko si Pa kaysa sa kanya. Nagkaroon kami ng di-pagkakaintindihan ni Ma dahil nga hindi ko tanggap na tinanggap niya ang wedding proposal nung matandang yun kaya ayun, nanirahan ako sa tita ko. Ngayong first year na ako, napag-isipan kong tumira sa isang condo. Monthly ko narereceive allowance ko na galing kay Ma. Hindi na rin ako nagtangkang kausapin siya simula nung nalaman kong nag-lilive in na sila. Ang gulo ng pamilya ko no? Wala na akong pakialam. Masaya na akong mag-isa sa condo ko. Alam kong maraming nagtataka, bata pa ako tapos nanirahan ako sa condo mag-isa, kaya ko naman e. May tagalinis namang pumupunta dun pag wala ako. May natatanggap akong allowance kay Ma. Yung tirahan ng tita ko, di naman kalayuan tsaka pwedeng lakarin kaya pwedeng manghingi ng pagkain. Oh diba? Kaya kong mabuhay mag-isa sa condo.

Ay tae, para naman akong bading sa pinagsasabi ko o. Nashare ko lang naman sa inyo. Wag na kumontra. Ngayon, marami naman na ako kaibigan. Masaya na ako dun. Yang si Charles, kahit naging kaibigan ko lang yan nung grade 5, aakalain mo na kaming magkapatid.  Gwpao ba namin parehas, diba? Tanggap ko naman na mas gwapo siya sa akin ng 1% e. Ngayong taon, naging kabarkada ko na yung bagong tatlo sa room. Di ko nga alam kung paano naging kaibigan yung tatlong tukmol na yun e. Isipin mo, kalalayo ng ugali sa isa’t isa. Tsk. Yang si Nathan, para yang babae, sobrang tahimik. Kung magsasalita, straight to the point, wala nang paligoy ligoy. Mabibilang mo din yung mga sinasabi niya. Si Jarred naman, lagi akong ninonosebleed. English dito, english doon, buti na lang gwapo ako. Si Raimond naman madaldal pero kasundo ko yan pagdating sa dota. Dahil nga gwapo ako, may mga kaibigan din akong babae pero siyempre pili lang. Baka pagkaguluhan ako pag marami akong kinaibigang babae. 2 lang naman sila e. Si Sophia pati si Jessica. Si Sophia ngayon ko lang nakilala pero halata naman sa kanya na mabait siya. Para nga siyang anghel na di makabasag pinggan. Kahit mukhang nerd yun, marunong din naman makisabay sa kalokohan namin yun. Si Jessica, yung babaeng yan, kaaway ko yan parati. Hilig ba namang kontrahin yung mga sinasabi ko. Kaya madalsa sarap barahin e pero...

Siya...

Rin...

Ang...

Unang...

Babaeng...

MINAHAL...

KO...

Oo, siya ang unang babae na nagustuhan ko at minahal ko. Grade 6 pa lang kami nun pero gusto ko na siya. Bata ba masyado? Ang taong nagmamahal, walang pinipiling oras yan. Basta nagmahal ka, yun na yun. Di ko lang maamin kasi naduduwag akong di tanggapin pagmahahal ko. Pare, feeling ko di ko makakaya yun. Iniisip ko pa lang, sumasakit na dibdib ko. Asarin mo na akong bading sa pinagsasabi ko pero ‘tol, totoo kaya nga ngayon, okay na muna siguro na nag-aasaran lang kami tapos wala siyang alam. Tama, mabuti na yung ganto kami. Okay na rin yung tinitingnan ko siya sa malayo. Masaya na ako dun.

“Hoy Pre, out of space ka na naman diyan. Wala ka bang balak asikasuhin ako dito?” Charles

“’tol naninira ka naman ng moment e. Kita mong ang dami kong iniisip. Tsaka ‘tol, kaya mong kumilos, di ka naman nabaldado e. Pero baka gusto mong mabaldado, geh ba, pagbibigyan kita diyan.” ako

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon