Chapter 3

25K 175 13
                                    

Sophia's POV

Nandun si Charles tapos napatingin siya sa gawi ko at tiningnan ako ng masama.

"Saan ka ba nanggaling ha?" Tanong sa akin ni Charles.

Grabe, nakakatakot naman 'to tumingin!

"Sa clinic ako g-galing. Hinatid ko dun s-si Chalice."

Napakunot na lamang ang noo niya sa sinabi ko. "Paanong napunta pinsan ko dun?"

"Pinsan mo yun?" Tanong ko na bakas ang gulat sa aking boses.

"Umakyat ka na lang sa room!" Sigaw niya sa akin.

Hala naman. Grabe naman 'to. Sinigawan ako kaagad.

"Teka nga Charles. Anong problema, ba't ka ba galit na galit?"

Hindi ko naman kasi maintindihan 'tong taong 'to. Wala naman akong ginagawa pero galit na galit.

"H-ha? A-ano. Ma-magulo yung klase! Ikaw president kaya ikaw magpatahimik!" Sigaw na naman niya sa akin pabalik.

Ay, nakalimutan ko palang sabihin sa inyo. Walang election sa room para sa class officers. Bunutan lang ang nangyari at kamalas malasan, ako ang nabunot bilang president.

"Ah. Sige, aakyat na ako."

"Anong ikaw lang? Malamang ako rin aakyat."

Wala ata 'tong balak puntahan si Chalice e. Pinsan pa man din.

"Ha? Di mo man lang pupuntahan si Chalice ha?" 

"A-ah M-mamaya na pag nakapag-paalam na ako."

Paakyat sana kami nang bigla naming masalubong isa naming teacher. Ay mali pala, teacher namin sa subject na yun. Pinagsabihan daw na nagcucutting kami kaya ayun, pinatayo kami sa labas ng room for half an hour since first meeting lang naman daw. Pag next time nag-cutting daw kami, buong oras na kami tatayo sa labas. Nagtry kaming mag-explain ni Charles na hindi kami nag-cutting kaso ayun, ayaw pa din maniwala. No choice, tumayo kami sa labas ng room. Ang tahimik lang namin parehas. Sumusulyap-sulyap lang ako sa kanya. Tapos bigla siyang nagsalita.

"Baka matunaw na ako niyan." Ngumisi pa habang nakatingin sa akin.

"Ha? Ha-ha. Grabe. Assuming ka din no?"

Deny. Deny. Deny. Sumulyap lang naman ako e. Di naman siya matutunaw sa maya't mayang sulyap diba? Diba? KYAH.

"Kanina pa kita napapansing patingin tingin sa akin e. Akala mo di ko napapansin yun?"

Tumingin siya sa akin sabay flash ng kanyang oh-so-handsome smile. Napatingin na lang ako sa gilid ko. Feeling ko namumula ako e. Nakakahiya kasi e. Tapos yung smile niya pa dumagdag. Nakakakilig e. Kahit hindi ko nakikita, alam kong nagblush na ako.

"Grabe 'to.  Ewan ko sayo. T-tumahimik ka na lang. B-baka tumingin si Miss sa sa atin at isiping nagdadaldalan tayo at hindi na tayo papasukin sa time niya." Tumingin na lamang ako sa harap ko.

Galing ko talaga gumawa ng excuse.

"Tatahimik lang ako kung aamin ka."

Nafefeel ko, nakatitig pa din sa akin yung taong 'to. Di ako makakilos ng maayos.

"Charles. Ma-manahimik k-ka na nga."

Nauutal na naman ako. Si Charles kasi eeee. Maya-maya dumating na si Chalice at mukhang okay na siya. Tiningnan niya muna kami bago siya nagsalita.

"Oh, ba't nandito pa kayong dalawa? Wag niyong sabihing nag-ingay kayo kaya pinalabas kayo? Tsk tsk. Si Charles maingay? Grabe lang, di ko i-"

Nagsasalita pa kasi si Chalice nun kaso biglang pinutol ni Charles yung sasabihin ni Chalice.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon