Her ideal guy
"Anak! Ano namang ginagawa mo dyan?!" Gulat na tanong ni mama
"Ano,..uhm,.. gusto ko lang matuto mag-luto" nauutal kong wika
Hawak ko ngayon ang kaldero at sa tingin ko naman ay mantika sa magkabilang kamay ko
"Anak! Nakalimutan mo na ba yung huli kang nagluto?! Muntik mo na masunog ang bahay!" Pagtulak palayo sa akin ni mama sa kusina
Blue Reyes at wala talaga akong talent sa pagluluto. Sige na nga plan B! Iniwan ko nalang ang madaldal kong inay sa kusina
"Oh! Kuya ano naman yang hinahanap mo?" Pagtatanong ng nakababata kong kapatid na si Cheska
"How...to.....grow.. taller? Ano yan kuya? Matangkad ka naman ah!" Nagtatakang tanong ni Cheska
"Kulang pa ng 12 cm ang height ko!" Walang emosyon kong sagot
Tiningnan lang ako ni Cheska ng may halong pagtataka, aytss. Plan C! Makapagbasa na nga lang
"Oh, ano namang ginagawa mo dyan kuya?" Tanong ni Bryan ng pumasok sya sa kwarto namin
"Nag-aaral" simpleng sagot ko
Biglang hinawakan ni Bryan ang noo ko. Kaya naman salubong ang kilay kong hinawakan ang din ang kamay nya
"Kuya?! May sakit ka ba? May nakain ka bang masama?" Nag-aalalang tanong ni Bryan
"Wala!Masama bang mag-aral?!" Inis kong tanong
Lumabas na ako at tumambay nalang sa sala saka kinuha ang remote at nanood
"Nung una, gusto mong matuto magluto" sambit ni mama sabay lapit sa akin
"Sunod gusto mong tumangkad" dagdag naman ni Cheska
"Tapos ngayon nag-aaral ka!" Gulat na wika ni Bryan
"Anong himala to?!" Sabay sabay nilang tanong
Napailing nalang ako sa reaction ng pamilya ko. Masama ba kung gusto kong magbago?
"Oh, anong kaguluhan to?"
Napangiti ako ng marinig ang boses nya
"Ah! Ate Chomuske! Si Kuya Blue! May sakit!" Napaka OA nasumbong ni Cheska
Hinila ko sya palabas ng bahay, sigurado akong kung anong kasinungalingan ang lalabas sa bibig nitong mga kapatid ko
"T-teka! Blue san ba tayo pupunta? Di ba may sakit ka?" Nag-aalalang tanong ni Chomeske
Bigla akong namula kasi naman ang bading naman nito, naalala ko kasi nung isang araw sinabi nya ang ideal man nya, at pag minalas nga nman TOTAL OPPOSITE ko ang ideal man nya. Di ako marunong magluto, kulang ng 12 cm height ko para sa desired height nya at hindi ako matalino, so naiintindihan nyo naman siguro kung bakit ko yun ginagawa pero walannjo epic eh! Impossibe talagang maging ideal man nya ako
"Bukas na"-Chomuske
"Huh? @___@"-ako
"W-wala"-Chomuske
"M-may pronblema ba Chomuske?"-ako
TIningnan nya ako at tulo-tuloy na pumatak ang luha nya Waaahhh!!!!!!!!! Anong meoron?!!
"T-teka, Chomuske, ano bang problema?"-ako
"W-we broke up.... I... loved him, ano bang kulang sa akin?!"-Chomuske
"Wala, you're perfect Chomuske, di lang alam nung sira ulong yun ang pinakawalan nya"-ako
"Mahirap ba akong mahalin? Blue?"-Chomuske
YOU ARE READING
Short story 101
Short StoryA collection of random short stories written in different phases of my life. This collection consists of fictional and nonfictional short stories. NOT EDITED. Some are made from way back my teenage days.