Chapter 34

2.5K 59 3
                                    

#IkawNaNga
CHAPTER 34

Loisa's P.O.V

"Happy 5th monthsary baby." Malambing na sabi ni Ronnie sa kabilang linya. Alas singko pa lang ng umaga nang tumawag siya.


Ang bilis ng panahon. Limang buwan na kaming magkarelasyon. Kinagat ko ang aking labi upang mapigilang ngumiti.


"Happy monthsary din mahal ko." Sabi ko sa kanya.

"Sorry kung di kita makakasama ngayong araw ah. Babawi ako sayo promise. May biglaang shoot lang talaga. Mahal na mahal po kita."


Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko sa sinabi niya. Nanlumo ako. Mas uunahin ba talaga niya yang shoot na yan kesa sa monthsary namin? I mean, naiintindihan ko naman dahil career niya yan pero monthsary namin ngayon. Isang araw lang toh.


"Sige. Okay lang." Pagsisinungaling ko sa kanya. Bigla akong nawalan ng gana. Plano ko pa naman sanang mag bake para sa kanya. Wag na lang masasayang ang effort ko.

Magsasalita pa sana siya pero agad kong binabaan. Sasabihin ko na lang na lowbat ako. Pero bwiset! Nakakainis naman oh. Ngayong mismong araw pa ng monthsary namin.


"Loisa, anak!" Narinig kong kumatok si Mama. Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.


"Po?" Bungad ko sa kanya.


"Si Maris nasa ibaba. Hinahanap ka." Sabi niya at agad nang bumaba.

Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto. Aga naman yata ni Maris. Ano kayang pakay nito?


Saktong pagbaba ko ay may kausap siya sa telepono. "Oo nga Jon! Kulit mo eh noh?!"


Agad akong umubo. "Jon na naman. Iba na yan bes." Tukso ko sa kanya. Pinandilatan niya naman ako ng mata.


"Bye na." Sabi niya at agad pinatay ang tawag.


"Bat ba ang aga mo?" Tanong ko kaagad sa kanya.


"Shopping tayo."


"Para saan? Wala akong pera. At isa pa, hello Maris??! Gaga ka ba? Alas singko pa lang ng umaga. Close pa lahat ng mall ngayon!" High din tong bestfriend ko eh. Mag shopping ba naman ng alas singko ng umaga.

"Ah este ibig kong sabihin mamalengke!"



Nakapameywang akong humarap sa kanya.


"Ano nga?! Wag mo akong idaan diyan sa mga palusot mo!"


Nagkamot siya ng ulo.


"Mamamalengke nga!"



"Talaga? Kung mamamalengke tayo, bat ka naka bag ng PRADA? Bakit ka nagsuot ng hikaw?"


Naiinis niya akong tiningnan.


"Oh edi sige! Kulit mo din eh noh?! Di ka makapag intay! Inutusan ako ni Ronnie dahil may sorpresa siya sayo mamaya!" Galit niyang sabi.



Bigla akong napahinto at nabigla sa narinig ko. Hala. Totoo ba?! Nanginginig ang buong sistema ko sa kasiyahan.


Plano nga ba niya lahat ng ito?


Napaupo ako ng wala sa oras habang abot tenga ang ngiti ko. "Talaga ba Maris? May sorpresa siya?"


Inirapan ako ni Maris. "Ngayon hindi na! Masyado ka kasing atat!"



IKAW NA NGAWhere stories live. Discover now