HIDDEN CHAPTER II

19.8K 431 38
                                    

Sorry, but this will be the Last Hidden Chapter of this Trilogy. I've decided na wag nalag ipost yung iba dahil mas maganda kung may maiiwang katanungan sa isip ng lahat ng nakabasa nito. Ngayon ko napagtanto na may mga lihim na dapat ay manatili paring lihim :) Enjoy!

PAUNAWA:  Patnubay sa mga lengwahe.

HIDDEN CHAPTER 2

 

“ Wala, basta huli na ‘to! Kapag may sumunod pa talagang ako mismo puputol, lahat ng pwede kong putulin sa’yo! Shit ka, pumunta ka ng Airport may pinareserve na kaming flight sayo! Mahuhuli ka na, Gago!”

Walang tulog, walang pahinga, may tama na ng alcohol, walang kain at lahat lahat na! Putaragis! Bahala na kung anong mangyayari, basta buo na ang desisyon ko! Paghiwalayin man kami ng kahit anong problema, maski tadhana tataluhin ko makasama lang sya! Lalo pang nalaman ko na magkakaanak na kami. Pinapangako ko, magkaayos lang kami gagawin ko lahat. Magiging mabuting katuwang nya ako sa buhay. Wala akong aaksayahin na panahon. Letche! Ang dami kong sinasabi, basta gagawin ko nalang! Tapos!

Sa kahit anong paraan, pinharurot ko na ang kotse ko. Wala na akong pakialam kung masuway ko man ang mga batas kalsada. Byaheng langit na ‘to!

Agad akong pumasok sa loob ng Airport at dumiretso sa pinakamaluwag na linyang nakita ko. Marami akong mga nakakasalubong at nababangga pero diretso lang ako sa pagtakbo.

“ Seth Monteverde.” tyaka ko iniabot ang pasaporteng tanging dala ko.

Ngumiti naman yung babae sa kabilang panig at tyaka sinabing “ Reservation for Mr. Seth Monteverdre, Flight Number...” hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi nya. Muli akong tumingin sa telepono ko dahil naramdaman ko itong nagvibrate.

Pagtingin ko may text nanaman ang gagong Lex. Dumiretso daw ako kay Enzo, sige Kuya Enzo na! Hinihintay ako nito, ibinigay nya rin ang address kung saan man iyon.

May sinasabi pa ang babae sa harapan ko pero pagkaabot na pagkaabot nya sa akin ng mga kailangan ko ay agad na akong umalis. Wala akong oras para makinig pa sa mga sasabihin nya.

Diretso ako kung saan naroon ang eroplano, dahil wala naman akong bagaheng dapat pang I check mabilis akong nakapasok. Maraming tao pero wala na akong pakialam sa dami nila.

Nagsimula ang mahabang byahe pero ni minsan hindi ako dinapuan ng antok dahil sa mga iniisip ko. Tanging laman lang ng utak ko ngayon ay kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat at kung paano ko sya muling mapapasa akin. Hindi ko na ata kaya.

Pagkalapag ng eroplano mabilis ko ng tinungo ang Departure Area. May mga nakaparada doong Taxi kaya naman nakasakay rin ako kaagad. Iba talaga dito sa States, di kagaya sa Pinas hanggat mapapatagal, mapapatagal. Pero iba ang takbo ng utak ko ngayon. Mahalaga ang bawat segundo. Sinabi ko sa Driver ng Taxi kung anong Hotel, at doon naman nya ako dinala.

Nalaman ko na pagmamayari pala ng pamilya namin nina Eli ang lugar na ito. Yeah, naalala ko nang minsang sabihin ni Dad na magkasyosyo nga ang pamilya namin sa iba naming Business.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon