CHAPTER 7

5K 102 46
                                    

Mark's POV

Awkward lang. Pink ang diary. Hindi ako bakla no. Wala kasi akong masabihan ng mga iniisip ko. Wala si James, busy ang luko. Ang tanong naman ni bunso, hindi ko alam ang isasagot. Makapagsulat na nga lang.

Diary,

*Erase*

Hi Diary,

*Erase*

=_______=

Ito na talaga, hindi na ako mag-eerase. Ang dumi na eh. Kebago bago ko pa lang na sinusulatan eh puro bura na.

Rica,

Kamusta ka na ba mahal ko? Namimiss mo kaya ako? Alam mo, miss na miss na kita. Sobra! Naiinis ako. Balita ko partner mo si Chris sa magaganap na event next week. Wala lang, bakit sa crush mo pa? Bakit di na lang sa iba? 

Mahal mo pa ba ako? Ikaw kasi eh. Ang bilis mong maniwala. Hindi naman kami ni Charmine at mas lalong hindi ko siya gusto. Nagpapaturo lang ako sa kanya ng Math eh. 

Sana kausapin mo na ako, ng mahinahon. Lagi ka kasing galit sakin. Hindi mo na ba ako mahal? Bumalik na oh. Bukas, monthsary sana natin kaso alam kong galit ka sakin kaya hindi na lang muna ako magpapakita sayo.

Mahal kita at miss na kita. Sorry na.

PS: Ang pangit ni Chris kahapon. Mukhang bakla lang. HAHAHAHAHA. XD

Tapos sinarhan ko na. Nilagay ko sa ilalim ng kama ko. Wala naman sigurong mangengealam nito. Isa lang susi ng kwarto ko eh.

From: Charmine

Markkkk! Text back please.

-_______-''

To: Charmine

Hindi ako pupunta, ikaw na lang.

Makatulog na nga lang. Kinuha ko muna yung phone ko, open music player. Pinikit ko na mga mata ko.

K. Theme Song namin yung nag-play :(

James's POV

Nagtext si Mark sakin, eh busy ako. Nagtext kasi si Sheila sakin. Pwede daw siya ngayon. Mag-practice daw kami. Di daw kasi siya pwede bukas eh.

From: Sheila :)

Ngayon na lang tayo mag-practice. May lakad ako bukas eh. 10am sa gym. Now na ha :)

Sayang! Yayaain ko sana siyang kumain ngayon eh 10 ang gustong practice, tinanghaling tapat na lang sana niya. Hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Bitter (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon