CHAPTER 4

4.8K 80 8
                                    

Dear Diary,

Kaloka, day 2 ko na pala to sa diary ko. May storya din kasi tong diary na to eh. Bigay to ni ex! Ewan ko ba dun sa lalaking yun, bakit niya ako binigyan ng pambatang notebook na ito. Ang konri kaya! Sing-korni ng ngipin ng Charmine niya! 

Ayun nga, nakakahiya kay Chris! Nakita niya akong nakikipagaway sa nakakarumeng magsyota sa labas. Eh kamalayan ko ba. Pero okey lang. Hinabol niya ako. Slow motion pa nga eh. BWAHAAHAHHAHA. Tapos niyaya niya akong makapartner. Kikiligin ba ako? Ano ba yun?

Gusto ko nang magbukas, magdadate kami ni Chris! Pero bago pa matapos ang araw na to, anong irereply ko dito sa bestfriend ko aber? Telling me that Mark still loves me? WTF is that? Eh sobra niyong close nung talanding Charmine niya! Magsama sila!

Sabayan pa nareng pag-eemote ni bestfriend! Nakita daw niya crush niya na may kalandiian. Ang pangit kaya! Mukhang yaya ni JP lang yun eh! Watever. I don't care bastaaaaa! Pero ang OA ha. As if magustuhan ni JP si Gelalalalaaaaaa~

Tumawag pa tong si Mark sakin! May itatanong daw. I know that na kaya! Baka hihingi siya ng approval ko kung pwede na siyang makipagkalas officially. Oh well, kahit now na mo na siya syotin! I DON'T EVEN CARE.

Birthday nga ni mama pero wala! Nakakainis lang kasi dahil ng okasyon na ito, nakausap ko nanaman si ex ko! GRRRRRRRRRRRRRRRRRR. Nakakabwiset lang! Narinig ko boses niya. AMP!

JP's POV

Nandito ako sa bahay namin. Kasalakuyang nag-iistalk sa profile ni Rica. Ang ganda talaga niya. Kahit ang sungit sungit niya. Ang taray niyang babae pero nung una ko siyang nakita nung enrollment, hindi ko na talaga pinakawalaan ang mga mata ko sa kanya. Lagi ko siyang hinahahanap sa campus. 

Tanda ko pa kung paano ko nalaman pangalan niya. Papasok kasi siya ng library, nakipila ako sa attendance sheet dun kahit di naman ako mag-lilibrary. Bagay na bagay talaga yung pangalan niya. 

Tapos nung nalaman kong di ko pala siya magiging kakaklase, nalungkot ako. AB-2 kasi siya eh AB-3 ako napatapat. Idrodrop ko nga sana lahat ng subjects ko para lang maka-enroll sa AB-2 pero di na daw pwede kasi puno na dun.

Sumali din siya sa isang modeling search, at ano pa nga ba eh di pasok yung love ko. Ganda talaga niya, sana dumating yung araw na mapansin niya ako. Kapag kasi nalapit ako, umaatras yung dila ko. Hindi ko man lang masabi ang napakaiksing '' HELLO ''.

Sana mapansin naman niya ako.

Rica's POV

Ang aga naman kasi ng klase namin. Malalate na ako. Di man lang ako ginising ng ina ko. Katelebabad pala naman niya si ex. Okey finee, BFFS sila. Sila na talaga! 

Dami ko pa man ding bitbit, wapose lang eh. May namataan ako habang naakyat ako ng hagdan, si Chris. Nag-wave siya sakin.

'' Rica, mamaya ha ^____^ '' sabay takbo niya, nagmamadali din siguro. President ng org nila yun eh.

Diary ng Bitter (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon