Fourteen

2.4K 57 1
                                    

Tumigil ako sa pagtakbo sa sobrang sakit ng puso ko. Nasaan na si Brix? Sinong nabaril? At nakompirma ang kutob ko na sya ang sumalo ng bala na kumawala sa baril ng marinig ko ang boses ni Matt.

"ayun sya pare!" Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Knowing na totoo ang hinala ko, wala na si Brix.

Hinaklit ni Matt ang braso ko at nakangising tinutukan ako ng baril. Wala na akong takot na maramdaman, hindi gaya kanina. Parang sinakop ng sakit ang dibdib ko at wala itong ibang maramdaman.

"Poor damsel in distress" sarkastikong sabi nya. "Wala na ang knight and shinning armor mo, kawawa ka naman--" pinaglandas nya ang dulo ng baril sa pisngi ko. Tanging masasamang tingin ang kaya kong ibigay sa kanya "pero wag kang mag alala maya maya lang susunod ka na di sa kanya" Matt said while tracing my tears using a gun.

He's about to kiss me ng biglang natumba ito sa arap ko kasabay ng sunud-sunod na putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ako sa takot ngunit napawi din iyon ng makita ko si Brix. He shot the two.

"Brix?" sabay sabay naming nasabi. I taught he was gone. Thanks God he's alive. Dali dali ko syang nilapitan at niyakap pero agad syang bumitaw.

Itinutok nya ang baril kay Matt na gumgapang na dahil sa tama ng bala sa paa nito. Kitang kita ko kung paano mag mala halimaw ang mata ni Brix. He expertly remove the gun's magazine and check the bullets. Ibinalik nya iyon sa baril at ikinasa ito.

"Sinabi ko sayong wag mo akong susubukan!" Seryoso ang boses ni Brix at alam kong kaya nyang patayin si Matt kung gugustuhin nya.

"pare teka lang maawa ka sakin!" usal ni Matt.

"Sana inisip mo yan bago mo kinalabit ang gatilyo kanina" pinaputok ni Brix ang baril pero hindi nito pinatama kay Matt. "Luck is on my side.." ngumisi ito at inilabas ang kwintas mula sa suot. May nakabaon na bala sa pendant nito. "The bullet hit my necklace.. ngayon pagsisisihan mo na binuhay mo pa ako"

Itinutok nya ang baril sa ulo nito.

Tinakbo ko sya ng yakap at umiyak.

"Tama na Brix. You're scaring me now baby" i said in between sob.

Damang dama ko ang pagbaba taas ng dibdib nya bago ibinaba ang baril

"Pasalamat ka at mag i-stop-over ka muna sa presinto bago sa sementeryo.." seryosong sabi ni Brix. "Magdasal ka na wag makarating kay Gio ang nangyari"

I felt his kisses in my head. Niyakap nya ako and we get out.

Ng makarating ang mga pulis para hulihin sila Matt ay umalis na kami.

"Wag kayong magkakamaling iparating kay Gio at papa ang nangyari.. nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong sabi nya sa driver. Nagtagpo ang mga mata nila mula sa rare view mirror ng sasakyan. Nangunot ang noo ko sa biglang pagbabago ng pakikitungo ni Brix dito. Tumango naman ito at ibinalik ang atensyon sa daan.

Kung bakit may driver pa rin si Brix ay hindi ko alam. Napapansin ko iyon kapag sinusundo at ihinahatid nya ako sa bahay.

"You'll go home with me.." masuyong sabi nya. Tango lang ang isinagot ko. Wala namang problema dahil kasulukuyang nasa ibang bansa ang mga magulang ko.

"ok ka lang ba?" nag aalalang tanong nya sakin.

"ok lang, ikaw nga ang inaalala ko, muntik ka ng mapahamak ng dahil sakin" malungkot na sabi ko. Muntik na syang namatay ng dahil sa akin.

"Did i scared you earlier?" Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan. Bakas na bakas sa muka nya ang pag-aalala. Tumango ako dahil iyon naman ang totoo.

Swag king Series: Relax! its just pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon