4-NIEL MURILLO

297 11 6
                                    

Niel Murillo-Date? Date.

*YN*

Papasok pa lang ako sa eskwela nang nagtext ang best friend ko, si Niel. Yes, si Niel Murillo ng BoybandPH.

'Libre kita ng lunch, you want?' it read

ANO KAYANG NAKAIN NITO AT HIMALANG MANLILIBRE NG PAGKAIN? Ano kayang short film ang napanood nito sa tv at biglang bumait?

'Geh ba, ano nga palang nakain mo as breakfast?' Reply ko.

Pumasok na ako sa klase. Wala pang mga tao doon kundi ako at ang isang studyanteng halos gawing apelyido ang libro dahil lagi niya itong hawak. Pagkaupong-pagkaupo ko, nagreply agad si Bestie! Hindi, wala talaga kasi kaming tawagang ganun.

'Pancit Canton at Omelet, bakit?!'

OH EH ABA, BAKIT NGA BA MANLILIBRE TONG TAONG TO. NO OFFENSE, MAYAMAN SIYA PERO NI ISANG KUSING OH KAHIT NA ANONG PIRASO NG PAGKAIN NIYA AY DI MAN LANG AKO BINIBIGYAN. Imagine ah, halos 12 years na kaming magkaibigan. Ni isang chichirya wala man lang siyang nalibre. Kapag nanghihingi ako, lagi akong pinagsasabihan na dapat magtipid na lang daw ng pagkain dahil maraming bata ang di kumakain sa Africa, o kaya naman ay tatawagin akong mataba.

'Hoy ulol! Asana ng bestfriend ko? Ang Niel na kilala ko ay kahit kailang hindi nagbibigay ng pagkain. Doppleganger ka bang gago ka?!' sinend ko.

Binuksan ko ang libro ko at nagbasa na rin ng notes. Di naman ako ganoon katalino para malaman ang buong ebolusyon ng mga gagamba o ganoon katanga para di makasagot ng one plus one, oo, average student lang ako. Maya-maya pa'y nagreply na ulit siya!

'Chill lang! Oh di sige, date na lang. Tara magdate mamayang gabi. Dinner na lang ah! Ayos ka na ba dun?'

TUG TUG! TUG TUG! Uy teka heart, wag kang aalis ng ganyan. Hindi ko alam kung saan ako kinikilig eh, kung sa salitang 'date' ba oh sa paraan ng pagtetext niya. Oo, I like him. More than friends actually, pero ako ang nanalo ng Oscars' as Best Actress so kahit kailanman, hindi niya yun alam.

Pero, hala, akala ko ba wala na akong nararamdaman para sa kanya?

*

"Ito, okay na?" tanong ko sa kaibigan kong kanina pa nakaupo sa sofa namin at kumakain ng fries.

"Hindi," umubo siya, "Mukha kang turon!" tawa niya

"PUTCHA NAMAN BRACE HENRY JUSKO UBOS NA DAMIT KO, WALA PA RING MAGANDA?" sigaw ko sa kanya.

"Oh di sige, chill, maganda yung nauna kanina," sambit niya.

"Anong nauna?" tanong ko.

"Yung naunang naunang naunang nauna diyan" tawa niya

Humablot ako ng unan at binato ito sa kanya, "KINGINA AAAGGGH!" at bumalik na ako sa aking kwarto.

Dahil alam ko namang walang patutunguan ang paghingi ng advice sa mokong na yun, pinili ko na lang ang isang casual baby blue dress at naghanap ng sandals.

Mamaya lang ay nandyan na sa harap si Niel, knowing him, alam kong maglalakad lang kami or magjejeep. Pero iba na siguro ngayon, kasi nga sikat na siya.

Lumabas ako at kinuha ang aking bag, "Aamin ka na ba sa kanya ngayon?" tanong ni Brace.

"Bahala na, ewan. Siguro, baka! Aish, ewan ko ba" sagot ko.

Siya lang kasi ang taong nakakaalam na dati ko pang crush si Niel, cheesy right? Noong una, nag-aasaran lang kami na may kasamang hampas pero nasanay naman na ako sa kanya.

"Sige, uwi na ako. Baka naghihintay na sila mama sa bahay. Text mo saking kung anong mangyayari ah!" sigaw niya bago umalis ng bahay namin.

Paglabas niya, sakto namang may kumatok sa pintuan, siguro si Niel na yun!

Ay beh, wag excited, wag pahalata! Baka di oras eh mabuko ka, mahirap na.

Pinagbuksan ko siya ng pinto, "Oy hi!" casual kong bati sa kanya.

"Tara na YN, naghihintay na yung taxi!" hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas ng bahay.

Kahit na lagi naman kaming nagkakahawakan ng kamay, feeling ko may something sa ngayon eh.

*

"Naiinis ako sayo, ba't yun pa yung pinili mong panoorin ha. HA?!" sigaw ko sa kanya habang lumalabas kami ng sinehan.

"Sorry na!" niyakap niya ako at inabutan ng tissue, "Di ko naman alam na mamatay pala yung bidang si Willi—"

Sinapak ko siya, "Sige buuin mo yang sinasabi mo at kakalimutan kong magkaibigan tayo!", at iniwan ko siya dun.

Maya-maya lang ay sumunod na siya sakin, "Oy sorry na. Tara na kumain sa McDo, alam ko namang di mo ako matitiis eh, diba?" inakbayan niya ako, although dati pa kaming nag-aakbayan, parang iba rin ito eh.

*

"So, may sasabihin ako sayo YN" diretso na akong tiningnan habang ako naman ay kanina pa tinutungga yung float, "Ano yun?" singit ko.

Mas lalo niya akong tiningnan ng mabuti, ang hirap iwasan ang mga mata niya, kaya ito ako ngayon, nagmumukhang baboy sa pag-inom ng float kasi nga ayokong makita yung mukha niya.

"Eh kasi", pabulol-bulol niyang winika, "Ano kasi eh, uhm, crush kita?" halos mabulunan ako sa narinig ko.

Paulit please, "Ahm ahem, pengeng tubig!" nalulok ko yata yung yelo, "Ah, paulit nga, Niel!" sabi ko habang kinakalma ang lahat ng sistema ko.

Kumalma kang bata ka, YN!

"Ano, kasi, bestfriend, I like you, okay. Di ko lang alam kung paano ko sasabihin sayo. Yung kinanta ko sa audition sa PBS, inalay ko yun para sayo kahit hindi mo alam. Di ko kayang mawala ka eh. Oo, bestfriend kita pero, di ko alam kung bakit biglang naging ganito na agad. Kaya simula bata tayo, hindi kita binibigyan ng pagkain kasi pinangako ko sa sarili ko na ang unang pagkaing maililibre ko sayo ay sa date natin. Diba cheesy, haha!"

Okay, hindi ko alam kung paano magreact!

"Niel, I—" anuna YN, "I like you too! Ever since bata pa tayo!" natatawa kong sabi, "Lagi akong nandyan sa tabi mo simula noon kasi bigla na lang akong naattract sayo. Naalala mo yung babaeng umaway sayo nun, diba siya rin naging dahilan kung bakit napa-office ako, inaway ko siya para sayo. Kaibigan kita eh, di ko kayang makitang nasasaktan ka!" sabi ko, "Pero, di ko alam kung tama ba ito. Kung tama bang isugal natin ang halos sampung taong pagkakaibigan natin para sa isang relasyon, nakakatakot sumugal sa walang kasiguraduhan!" halos naiiyak na ako.

Totoo kasi yun! Oo crush ko siya pero di ko kahit kailan inisip na bigla na lang siyang magkakacrush sakin.

"Bet with me, bet on us. I know we can make it! Wag kang mag-alala, worth it to lahat!" hinawakan niya yung kamay ko, "Ano, sasamahan mo ba akong sumugal sa tadhana?" tanong niya.

"O, oo, siyempre" napangiti ako

Tumawa siya at ngumiti rin, "So, manliligaw ako diba?", tumango ako.

Maya-maya'y tumunog ang phone ko, si Brace ito .

'Ano kayo na? Anong nangyari? Penge nga palang pagkain ah'

Tinext ko sa kanya lahat ng nangyari, 'Papunta na doon, huwag mong papakialam yung Oreo ko, gago ka!

"Ano ba yan? Wala pa ngang isang minuto nung umamin ka sakin ngayon may lalaki naman nang iba? Wag ganun, YN."

And then there's my Niel.

*

↠BoybandPH Imagines and Preferences↞Where stories live. Discover now