3-RUSSELL REYES

344 15 0
                                    

Russell Reyes- The Cute Nerd 

*YN*

Kadarating lang namin ni Demi, yung bestfriend ko, sa favorite coffee shop namin. Dito kasi kami laging tumatambay. Bibili ng pinakamurang kape, magtatanong ng password ng wifi at tsaka lang kami aalis kapag jinujudge na kami ng mga tao. HAHA, iba talaga kami!

"Hoy babae, kape mo oh!" inabot niya sa akin yung kape ko

"Salamat" sabi ko at umupo na siya

"Ano nga palang kukunin mong strand? STEM, ABM, o HUMSS?" tanong niya

"Di ko alam eh, bahala na. Pero baka STEM, kasi dati pa ako pianapa-Road to Architecture nila mama eh. HAHAAHAHAH!" tawa ko

"ABM ata ako, ah basta ewan!" tawa rin niya, "Uy oo nga, magsesenior high na tayo pero wala ka pa ring boyfriend? Masyado naman ng Maria Clara yan ah"

Sinapak ko siya, "Anong Maria Clara, gusto mo bang ma-rape ako ng pari? Ulul, tsaka di ko kailangan niyan no!" sigaw ko

"O di shigi!" ininom niya ang kanyang kape, "Laro na lang tayo ng dares and dares. Game?" tanong niya

Tumango ako at nag-isip ng mga kakaibang bagay na idadare sa kanya

*

Kanina pa kami tawa ng tawa, pang-ilang beses na kasing napapahiya si Demi dahil sa mga kagaguhang pinapagawa ko sa kanya

"Tama na yan, uy. Ayoko na. Ikaw naman!" sabi niya habang bumalik sa upuan

"Sige sige ano ba?" tanong ko habang tumatawa pa rin

"Nakikita mo yung nakasalamin na lalaking kakapasok lang?" lumingon ako sa likod ko , and damn!, "Ask for his number!"

Yun lang pala eh –OKAY WHAAAAT?

"Ulul, pass na lang" sabi ko

"Ay no YN, hindi pwede yun. Dali punta na!" tinulak niya ako paalis sa upuan ko

Nakakainis talaga si Sloane eh, Argh!

Umubo ako ng konti nung nasa harap na niya ako, "Hi ako si YN. Hahahaha! Ano kasi eh, tropa, pwede bang pengeng digits mo?" tanong ko.

He laughed, "Huh what? Excuse me, but I don't speak Tagalog well. I'm Russell" tumayo siya at kinamayan ako.

"Ah ano kasi eh, haha, my name's YN. I was dared to ask for your number so haha, here I am, penge na ng digits mo oh, kahit di ka naman chicks!" I laughed.

"Haha, I will give you my number, only if you'll hang out with me for a while" umupo na siya and jusq marimar. Ang guwaaaaafoooo ooh. Feeling ko noong umulan ng kagwapuhan eh nagpagulong-gulong to sa isang plantasyon, naubos na niya eh.

"Oh, okay?" umupo ako sa tapat niya at nilingon ang aking kaibigan kanina pa nakangising aso dahil sa ginagawa ko.

*
"So wait, as in, napahiya ka because you didn't know what you were talking about? Hahaahahah kawawa ka naman!" tumawa ako.

Kanina pa kami nagtatawanan dito. Halos maiyak iyak na rin ako dahil sa sobrang dami niyang kwentong nakakahiya talaga.

"Yes, well, that's how it went" kumuha siya ng tissue paper at may sinulat doon, inabot niya sa akin to, "Open it when I'm not around! It was nice meeting you YN." Tumayo na siya at umalis.

Ay, yun na yun?

Lumapit ako kay Demi at umupo sa tapat niya, "Anuna bes?" tanong nito.

"Ah, ewan" binuksan ko ang tissue paper at nagulat sa nakita ko

'I really liked hanging out with you, sana maulit (tell me if I get that right haha). Text me, 09*********'

"OHMAYGAD Demi YUNG NUMBER NIYA AHHHHH" tili ko sa bestfriend ko.

"Yieeeee, huy lamporeber" sagot niya

Hinampas ko siya sa ngipin niya, "Minsang lang ako ganito, bwiset ka."

Pero pucha talaga, kinikilig ako.

*

vice-pi*�x�?�p

↠BoybandPH Imagines and Preferences↞Where stories live. Discover now