Two

6 0 0
                                    


Pagkatapos namin kumain ni Jeydon ay umalis na ako agad dahil kailangan ko pa mag-research sa library. Isang oras pa naman ang vacant ko at mahaba-haba pa ang oras ko para makapag-prepare sa irereport ko.

After I logged in, I immediately went to the Chemistry section until my eyes caught someone.

I gulped. Pinagmasdan ko ang matangos niyang ilong at ang makapal niyang kilay at ang malamlam niyang mga mata... pati na din ang mamula-mulang labi niya. Ang ganda pa ng kutis niya, mestisong-mestiso. Parehas sila ni Jeydon pero mas naa-attract ako kay Jayden. Napaka-tahimik niya talagang tao at wala siyang masyadong kaibigan. Unlike his brother, parang kaibigan na nga yata niya lahat ng estudyante sa univeristy. Pero siyempre sabi niya ako daw ang one and only. Napatawa na lang ako eh.

After I gathered all the books I needed, I scanned the whole room and found that all the seats are taken except on Jayden's table na ni isa ay walang nakaupo. Well, people were scared at him because of his mysteriousness and lack of conversing.

I didn't have any choice but to ask if I could take a seat. I made small steps until I got near him. Ang tibok ng puso ko ay parang nakikipagkarera naman sa sobrang bilis.

He suddenly felt my presence that's why he looked up at me. I met his gaze... mas lalong dumagdag ang kaba sa dibdib ko. "Uh.. J-Jayden, pwede bang m-maki-upo? Wala na kasing bakante." pakiki-usap ko at siya namang tumingin sa mga lamesa.

He sighed and just nodded his head. "Thank you." nanginginig kong sabi. Nakakatakot kasi siya.

I quickly took the seat that's three seats away from him and started to scan the pages. I took out my pen and notebook to write some notes.

Habang nagsusulat ako ay pasulyap-sulyap ako sa kanya ng palihim. Napaka-seryoso niya talaga. Kung hindi nakasimangot ay poker face lang.

Minsan iniisip ko kung hindi ba siya nabo-bored sa buhay niya. Puro libro lang ang kausap niya although masaya naman talaga magbasa ng libro pero siya as in always, everyday, every hour, walang oras na hindi siya nagbabasa tapos wala pa siyang kaibigan. Hindi ba talaga siya naiinip? No man is an island. I'm sure someday magkakaroon din 'to ng social life.

"Why are you staring?"

Holy shit.

Nahuli niya ako?

Lupa, bumukas ka, ngayon din!

"U-Uh.." shit, Ael! Think, think, think! Bakit ba kasi ako nakatingin?!

Nilibot ko ang tingin sa paligid niya at napako ang tingin ko sa librong hawak niya. Shit, ayun yung inaabangan kong series pero... aish! Bahala na nga.

I gulped before I spoke, "Uh, ano kasi.. p-pwede ko ba mahiram y-yung libro mo." napalunok ulit ako. Shit talaga, kinakabahan ako. Baka kainin ako ng buhay nito o di kaya ibitin patiwarik!

He frowned which is his usual expression. "I'm not yet finish."

"Ah, pagkatapos mo, pahiram ako ha? Sige, una na 'ko," nanginginig kong sabi habang nililigpit ang mga gamit ko sa lamesa sabay tayo at alis sa library.

Shit, muntik na talaga ako doon.

* * *

Pinipilit kong hindi tumingin kay Jayden tuwing magkaklase kami. Hindi ko talaga maiwasang mahiya sa ginawa ko nung nakaraan. I felt like I hit the line. Masyado kasi akong feeling close! Pero kasi hindi ko talaga maiwasang titigan siya.

At saka sino ba naman ang hindi diba?

Sa gwapong taglay ba naman ni Jayden? Good luck na lang kung hindi ka matamaan. Although magkamukha sila ni Jeydon, mas malakas ang tama sa akin ni Jayden. Babaero rin kasi ang tukmol na iyon kaya ayaw ko. Sasaktan lang ako nun unlike Jayden, seryoso na at may prinsipyo pa sa buhay. Ayoko namang i-settle down ang future ko sa mga babaerong katulad ni Jeydon. Hello na lang ano. Siya ang pinaka-huling lalaking iibigin ko!

"Ouch!" napahawak ako sa noo ko nang tumama ito sa matigas na bagay. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at sana ay hindi na lang ako dumilat.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa mga mapanuri niyang tingin sa akin. "Uhm, s-sorry." sabi ko at aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.

HEAVEN AND EARTH!

Ang lamig at lambot ng kamay niya!

Shit. Mamamatay na ako.

"About the book..." he mentioned and my gaze drifted upon him. "Here," he said as he gave me the book I borrowed from him unexpectedly.

Hindi ko naman akalaing pahihiramin niya ako. Pero ano ba naman kung basahin ko na rin, tutal fave series ko naman iyon so no worries.

Inabot ko iyon at nagpasalamat ng taimtim sa kaniya.

"Just take care of it and return once you finished."

Tumango lang ako ng parang tuta at hindi ako nakagalaw hanggang sa makaalis siya. Hindi ko ineexpect ito. Grabeng-grabe! Pinagpala yata ako ng lubusan ngayon.

Niyakap ko ang libro at nagtiti-tili sa kilig. Ganun pala talaga kapag napansin ka ng crush mo. Ang ganda-ganda ng mood mo to the point na sasakalin mo kung sino man ang sumira.

Haaaay, Jayden... What did you do to me?

Para akong baliw na naglalakad sa hallway dahil hindi talaga ako maka-move on kanina. Hanggang sa may nagtakip ng mga mata ko. Amoy palang niya, alam ko na. Paano ba naman, ayun yung tinatanong kong na sabon niya at di man lang sinabi. Damot talaga.

"Jeydon, anong kailangan mo?"

"Grabe ka naman, babe. Di mo ba ko na-miss?" pilyo niyang sabi. For all I know, may kailangan na naman 'to.

"Hindi 'no! Asa ka naman! At saka anong babe?!" sigaw ko sa kaniya na pinanlalakihan siya ng mata.

"Chill." tawa niya sabay akbay sa akin.

"Ano nga kailangan mo?"

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya pero natigilan naman ako sa seryosong titig niya at lambing ng kaniyang mga salita.

"Ikaw."

Choose OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon