Choose One

8 0 0
                                    

This story is a work of fiction based on the author's imagination.

Copyright © 2017.
All rights reserved by Hsnngrclm.

___

Prologue

Kanina ko pa tinatawagan ang kumag na iyon. Malamang sa malamang eh hindi pa 'yon gising. Aba naman, tanghaling tapat na.

Di na ko nakatiis at pinuntahan siya sa unit niya. As usual, magulo, makalat, may mga damit na namang nakakalat.

Tsk. Gabi-gabi na lang may kinakama iyong lalaking iyon. Nakakasuka talaga. Hindi ba siya nababahala sa STD?

Binuksan ko ng malakas ang pintuan at tama nga ang hinala ko. Kinuha ko ang unan at pinalo sa mukha niya, "Hoy! Gising! Jeydon Kyel!"

Napamulat naman siya agad pati na din ang babaeng katabi niya, "Shit, Ael!" gulat pa siya ha.

"Babe," biglang sabi ng babae kay Jeydon at bumilog naman ang mga mata niya. "Shit! Sino ka?"

Tignan mo, mangkakama na nga lang, wala pang kamalay-malay. Hindi pa kilala. Lupet!

"Alis ka na," malamig na sabi niya sa babae at agad na nagbihis hanggang sa umalis.

Habang siya ay nahiga muli, hawak-hawak ang ulo.

"Hoy, magbihis ka na nga. Tukmol ka talaga," lalabas na sana ako pero tinawag niya ko ulit.

"Ael..." napalingon ako dahil sa boses niya.

"A-Ano?"

"Uy, nautal siya. Kinakabahan ka ba, Mary Aelin?" pang-aasar niya na may nakakalokong ngiti.

"Aba't bakit naman ako kakabahan, aber?"

"Because you're in the same room with me... completely naked."

Nanlaki ang mga mata ko, "Bastos!"

Choose OneWhere stories live. Discover now